CHAPTER 29

133 3 2
                                    

JIMIN'S POV

Gabi na nang makauwi ako galing sa shop. Ako kasi ang nakaassign sa opening at closing dahil wala wala si Taehyung. Actually, wala sila ni Jungkook. Sinamahan kasi niya si Jungkook sa filming ng next music video nito. Kasama din nila si Hoseok. Sila na lang ang natira sa music industry, dahil nagresign na si Namjoon. Balita ko nga malapit na din magresign si Chanyeol, kapag nagkaroon na ng second branch ang restaurant ni Baekhyun.

Naisipan kong maglakad-lakad lang muna para maabsorb ko ang simoy ng hangin. Tumingala ako at napangiti ng makitang puro stars. Pero napabuntong-hininga rin ako.

"Jimin, okay lang ba talaga kung mawawala ako ng isang linggo?" Tanong ni Taehyung habang busy ako sa pag-iinventory. Kami na muna kasi ang in-charge sa shop dahil sa maselang pagbubuntis ni Jin. Madalas man siyang pumunta sa shop ay kami pa rin ni Taehyung ang pansamantalang namamahala.

Tumingin lang ako sa kanya at saka tumango, at bumalik din sa ginagawa ko. Kahapon pa siya nagpaalam sakin na aalis sila ni Jungkook para sa filming ng music video nito. Wala naman akong magagawa, alam kong may something na sila kaya ayokong maging kontrabida. Tsaka alam kong alam ni Taehyung ang ginagawa niya.

Nilapitan niya ako at pinaharap sa kanya. "Sigurado ka ba, Jimin?" Pangungulit niya.

Napabuntong hininga ako. "Oo, kaya ko naman eh. Sige na umalis na kayo." Ngumiti pa ako. Ngumiti rin siya at patakbong umalis ng storage room. Nang makaalis siya ay nawala agad ang ngiti ko, at napalitan iyon ng lungkot. Lungkot kasi hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Jungkook. Pinipilit ko namang kalimutan siya pero kasi malabo pa sa ngayon. Lagi siyang malapit, tapos hindi rin maiwasang hindi kami mag-uusap. Ayokong maging dahilan ako ng gulo sa shop ni Jin. Ayoko ring magkaroon kami ni Taehyung hindi pagkakaintindihan. Kaya kahit halos parang pigain ko na ang puso ko sa pagpeprentend na wala lang, okay lang. Basta para sa bestfriend ko.

Hindi ko namalayang unti-unti na pa lang tumutulo ang mga luha ko. Gusto kong lumayo, gustong-gusto ko talaga. Pero kapag naiisip ko si Taehyung, nawawala ang kagustuhan kong iyon. Saka na lang kapag maayos na talaga sila ni Jungkook. Siguro magbabakasyon ako ng matagal-tagal. O baka tuluyan na akong lumayo.

Naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na simoy na hangin sa balat ko. Muli akong naglakad habang nakayuko. Pistea kasing puso to, bakit kay Jungkook pa nahulog? Sana sa iba na lang, para wala akong problema. Muli akong napabintong-hininga.

"Sa tuwing magkikita tayo lagi ka na lang nakabuntong-hininga."

Napatigil ako sa paglalakad sa boses na iyon. Dahan-dahan akong lumingon at tama ako ng hinala. Si Yeorom nga. Napakunot-noo tuloy ako. "Ikaw na naman?"

Ngumiti lang siya at saka lumapit sakin. "Yeah. Hi. Gabi na ah, bakit nasa labas ka pa?"

"Ako ang nagsara ng shop. Tsaka malamig ang hangin, kaya masarap maglakad." Nauna na ako sa paglalakad habang nakayuko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakausap ng hinganteng ito. Oo napakatangkad niya kaya sa height kong ito, sobra akong naiinsecure. At pakiramdam ko kapag may ginawa siyang hindi maganda sakin ay hindi ako makakalaban.

"What are you thinking?" He asked so sudden.

I stopped and slowly looked at him. Ikaw pero awkward naman kung sasabihin ko. "Just...nothing." And to emphasized it, I shrugged my shoulder. Silence fills the air. I was about to talked when my phone rang. I hurriedly took it from my pocket. My eyes widen when I saw who the caller was.

"Why dont you answer it?" I looked at him and wishing he didnt said what he had said.

I took a deep sighed before I slide the screen. "Napatawag ka?"

DANGER (NamJin FanFic)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora