Chapter 33

5.4K 246 18
                                    

MAYBELLE'S POV:

"Parrot ano ba?! Hindi ka ba titigil dyan sa pagpapabalik-balik mo? Nakakahilo ha! Kapag hindi ka tumigil, ihahagis talaga kita sa bintana!" mataray na sabi sa'kin ng kontrabida sa buhay ko.

Nandito kasi ako ngayon sa bakeshop nila. Kaming dalawa yung tao ngayon dito dahil umalis nga si Tita. Actually, dapat si Klarisse lang pero sapilitan nya akong hinila kanina palabas ng bahay namin at isinama dito.

Ewan ko ba sa babaeng 'to. Hindi ba nya kayang mag-isang magbantay dito? Kailangan lagi akong kasama?

Hindi ba nya alam na bago nya ako hilahin kanina, sobrang namomroblema na ako dahil sa mangyayari mamaya?

"Isa parrot ha! Pumirmi ka nga sa isang tabi!" sabi nya sabay kaladkad sa akin paupo sa may counter.

"Klang kase!" sabi ko na tatayo dapat pero itinulak nya ako paupo.

"Ano bang problema mo? Alam na ba ni Jordan yung totoo kaya ka nagkakaganyan?" tanong nya sa akin.

"Sana nga yun na lang no? Mas madali siguro yon if ever. Pero hindi eh. Hindi yun yung problema ko."

"Eh kung tinatry mo ng sabihin sa akin kesa nag-iinarte ka ka dyan eh di mas okay diba?" eh bakit ba kasi laging parang galit si Klarisse pag nagsasalita? Hindi ba nya kayang huminahon?

"Wang mo ngaheng nangunin Nglang!" biglang sabi nung korean kong friend kaya napalingon ako sa may pinto. Napailing naman ako.

Ano ba naman yan, nandito na naman silang lahat? Bakit ganon, laging all-star cast kapag kinakausap nila ako?

"Klang?!" inis na tanong ko sa kanya.

"Aba, malay ko ba kung si Jordan yung pinoproblema mo kaya nagtext ako sa kanilang lahat. Saka hindi ko naman sila pinapunta no, kusa nila yon." mataray na sagot naman nya.

"Daming arte Meng? Ayaw mo bang magpasalamat na lang sa'min kasi halatang super love ka namin? Na kahit ang dami naming ginagawa, itinigil naming lahat yon para mapuntahan ka lang. Ganon ka kaimportante sa amin." madramang sabi naman ni Tasing.

"Anastasia, tandaan mo, hindi ka artista kaya wag kang umarte ng ganyan please lang." natatawang sabi ko sa kanya.

"Ikaw Meng, di ka na sumeryoso. Totoo kaya yon." parang nagtatampong sabi nya.

"Wooshoo, ang arte. Lika nga hug na kita, dami mo pang kuda dyan eh." sabi ko sabay yakap sa kanya.

"See? Eh di tama ako, yang mga kaibigan mo lang na yan yung magpapawala ng problema mo." nakangiting sabi ni Klarisse sa akin.

"Ho, mwene mo ng hamihin ha amin yung mromlema mo?" hulaan nyo kung sino yan bilis.

Bigla namang bumalik yung kaba sa dibdib ko. Hay, ang hirap naman kasi. Ugh.

"Nung araw kasi na nagdate kami ni Rence--"

"Oh my God! Pinagsamantalahan ka ba nya? Or sinamantala mo ba sya? At ngayon, buntis ka?" sasabunutan ko sana si Julia pero naunahan ako ni Klarisse. Ayun, sapul ng tissue sa mukha ang bruha. Buti nga sa kanya. Napakawalang kwenta kasi ng pinagsasabi nya.

"Haist. Tulad nga ng sinabi ko, bago kami umuwi non, may sinabi sya sa akin." sabi ko pa sa kanya.

"Nakipaghiwalay na sya sa'yo? Si Jordan na daw yung mahal nya? So pwedeng sa akin ka na lang ulit?" paglalandi naman ni Charity kaya binatukan sya ni Pining. Isa pa kasi 'to eh.

"Higad ka talaga cucumber!" sabi naman dito ni Klarisse. Ay yung pinsan ko o, hindi pa rin nakakaget-over sa past noon nila Cha at JT. Nakakaloka.

"Di na pwedeng magbiro?" sagot naman dito ni Charity. Tapang talaga, di papatalo sa pinsan ko.

Destined For You (A Parrot's Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon