Chapter 24

9.8K 347 41
                                    

A/N: Uhm, medyo waley tong update na to. Wag na lang kayong magreklamo, hahaha! Wala talaga kong maisip eh, hahaha! Love you guys!

Di ko ulit inedit ha!

==============================================================

MAYBELLE'S POV:

"Hiryuhi Meng? Aynow na ihow nga mero hini ngo naman anam na nganyan ngaihnow" iiling-iling na sabi sakin ni Pining matapos kong ikwento sa kanila yung napag-usapan namin ni Charity kanina.

(Seriously Meng? I know na slow ka pero hindi ko naman alam na ganyan kaslow)

Ang yabang naman ng Pining na to. Eh sa totoo naman kase na hindi ko gets yung ibig sabihin ni Charity kanina e. Tapos kakausapin nya lang daw ako kapag daw hindi na ko ganun kaslow, pag nakuha ko na daw kung anong ibig nyang sabihin. So syempre naman, gusto ko din syang mapasaya kaya kinwento ko sa tatlong ugok, kay Klang, JT, and Clarence lahat-lahat. Malay mo naman matulungan nila ko diba? Tutal, parang feeling ko, may alam na silang lahat, ako na lang yata yung wala.

"Makapagyabang ka naman dyan 'JP'" tukso ko sa kanya.

Napangiti naman ako nang biglang magblush si Pining. Huli ka balbon! Sinasabi ko na nga ba, may 'something' talaga tong isang to kay Charity.

"JP?" takang tanong naman ng iba sakin.

Mas lalo namang lumapad yung ngiti ko dahil nakita kong namumulang napatungo si Pining. Hah! Malamang alam nyang magiging kumpulan sya ng tukso kapag kinwento ko yung kung bakit 'JP' yung tawag ko sa kanya.

"Meng wang!" pigil sakin ni Pining.

(Meng wag!)

Hah! Matapos nya kong magmukhaing slow kanina, kala nya mapipigilan nya ko.

Pero bago ko sabihin yung 'kwento' tungkol sa JP eklabu na yon, nag-aalalang tumingin muna ako kay Clarence dahil parang bigla syang tumahimik nung ikwento ko yung usapan namin ni Charity kanina.

"Are you okay Loves?" bulong ko sa kanya.

Bigla naman syang ngumiti at tumango sakin.

"Of course." Sagot naman nya.

"You sure?"

"Yeah"

"Promise?"

"Loves, I'm ok. And I think you should continue na your kwento because they're all waiting for you" nakangiting sabi pa nya sabay nguso kila Tasing.

"Okie, I'll talk to you later ha" sabi ko naman sa kanya.

Hay, ang hirap talaga pag inglisera girlfriend mo, mapapaenglish ka din ng wala sa oras.

"So ano na nga parrot? Bakit may Pa-JP, JP ka pa dito kay Pining Garcia?" tanong ni Klarisse.

Tsk, akala ko ba hindi sya tsimosa? Sus.

"Oh well, yun lang naman yung tawag sa kanya ni Charity. Mas gusto daw kasi ni Cha na special yung tawagan nila ni Pining kaya JP yung tawag nya. Ang sweet no?" Oh well, hindi naman siguro masama kung magdagdag-bawas ako sa kwento diba?

"Naks naman Pining, lumalablayp ka na ha!" tukso sa kanya ni Tasing.

"Taray mo naman girl, artista din nabingwit mo" sabi naman ni Juling.

"Hay nako Pining Garica, wag kang magpapauto dyan kay cucumber, iiwan ka din nyan" oh well, sino pa nga bang magsasabi non diba? Ewan ko ba dito kay Klang, bitter na bitter pa rin kay Charity eh matagal na namang tapos yung away nila. Ayan nga o, kasal na sila ni JT. Tagal magmove on, nakakaloka. At saka ang hindi ko rin maintidihan dito sa babaeng to kung bakit laging buong pangalan ni Pining yung binabanggit nya. May problema ba talaga sya sa apelyido ng kaibigan ko?

Destined For You (A Parrot's Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon