Chapter 26

9.1K 357 49
                                    

A/N: Enjoy guys! Love you all. Ayan, pwede na kong matulog.

P.S. Di ko ulit na-edit ha. Mwah!

============================================================

MAYBELLE'S POV:

"Maybelle?" takang tanong nya nang bigla akong umupo sa tapat nya.

"Hine, hi Mining ango!" seryosong sabi ko sa kanya. Ugh! Ang hirap gayahin ni Pining ha. At medyo nakakatakot dahil baka bigla akog mahipan ng masamang hangin.

(Hinde, si Pining ako!)

Sukat don ay bigla syang tumawa ng malakas. Seriously Cha? Ang seryoso ng itsura ko tapos tinawanan nya lang ako?! Nakakabastos ha!

"Boo, hindi bagay sa'yo. Kay JP lang talaga bagay yan" natatawa pa ring sabi nya.

"Boo-boo ka dyan! Boogboogin kita dyan eh!" medyo inis na sabi ko.

"Whoa whoa! Una, bigla kang susugod dito nang walang pasabi, tapos gagayahin mo si JP, tapos bigla mo kong bubugbugin?"

"Andami mo kasing alam!"

"Huh? Eh hindi ko nga alam kung bakit nandito ka. Ang alam ko kase, si JP dapat yung kikitain ko ngayon."

"M-may date kayo ni Pining?" excited na tanong ko na para bang bigla kong nakalimutan na nandito nga pala ko para komprontahin sya sa 'feelings' nya para sakin.

"Date?"

"Date, yung ginagawa ng magjowa o kaya magiging magjowa pa lang!" nakangiti nang sabi ko.

"Oh. And now nakangiti ka na parang walang bukas. Seriously Maybelle, may something ka ba sa brain? Gusto mong samahan kita sa Mandaluyong?"

"Heh! Hindi mo sinagot yung tanong ko! At isa pa kakagaling ko lang don. Ward 32, si Nurse Jenny yung nag-alaga sakin don"

"Owkay!" natatawang sabi nya. "And tungkol sa question mo, the answer is no. Hindi yung date ng magjowa or magiging magjowa pa lang. Lalabas lang kami as friends. Nothing more, nothing less."

"Talaga? Hindi ka man lang ba attracted kay Pining?"

"Well, she's pretty, and sobrang bait and nakakatawa sya, pero ayoko syang gawing---"

"Inbound" pagtatapos ko sa sinasabi nya.

Kunot-noong tumingin naman sya sakin.

"Inbound?" takang tanong nya.

"Oh I'm sorry about that. Rebound pala." Pagtatama ko sa sarili ko.

"Ah ok. And papano mo nasabing magiging rebound lang si JP?"

"Because you're inlove with someone else." Derechong sabi ko sa kanya.

"Oh so na-figure out mo na kung sino? So kaya mo naisip na magiging rebound lang si JP?"

Tumango naman ako.

"I think so. Pero hindi pa ko ganon kasigurado. And hello, papanong hindi magiging rebound lang si Pining eh sobrang ganda ng taong mahal mo. Para syang Dyosa. At hindi lang yon, ang bait-bait pa non at ang tali-talino. Papano sya mapapalitan ni Pining sa puso mo kung sobrang perfect ng babaeng mahal mo?"

"Perfect huh?"

Tumango-tango naman ako.

"Pinakaperfect na taong nakilala mo."

Umiling-iling na lang sya habang natatawa.

"Problema mo? Bat ka tumatawa? Hindi ka nag-aagree sa sinabi ko?"

Destined For You (A Parrot's Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon