Chapter 36

5.2K 247 17
                                    

AN: Ayun, natapos din yung chapter na 'to. Mabuti na lang at hindi ako uminom kagabi kaya hindi masakit yung ulo ko paggising ko. Haha. Pasensya na may mga typos ha, sa phone lang kasi ako nagtype. Tinatamad pa akong bumangon eh, haha.

Oy Charchar, dahil masyado kang makulit, sa'yo ko idededicate 'to. Pero mamaya ko na itatag dahil nakakatamad kumilos, hahaha. Nawa'y mag-enjoy ka. Nood ka mamaya ha, para mapanood mo yung BEST team. Haha. Go ALE! Haha.

=================================

MAYBELLE'S POV:

"Aww. You really are sweet Jordan. Thank you." napasimangot naman ako nang marinig yung sinabi ng girlfriend ko. Eh di si Jordan na yung sweet. Tse! Magsama kayo. Parang wala ako dito kung makapaglandian sila ah.

Eh yan naman yung gusto mo diba Maybelle? Diba sabi mo gusto mong maging masaya si Jordan? Ayan, masaya na sya o.

Pero wag naman sa harap ko diba? Eto kasing magaling kong pinsan eh, ang daming alam sa buhay. Ang sakit-sakit na ng mata at tenga ko dahil sa dalawang kasama ko.

Ganito pala yung nararamdaman ni Klarisse kapag may ibang nagpapasaya at umaaligid kay JT. Kaso hindi naman ako pwedeng mag-inarte kasi ako din naman yung dahilan kung bakit sila magkasama ngayong dalawa.

"Uy Maybelle, okay ka lang ba?" nakangiting tanong sa akin ni Jordan. Nandito kami ngayon sa para ferris wheel, nasa gitna namin si Clarence. Jusko, bakit feeling ko ako yung third wheel ngayon?

"Hmmm, okay lang. Medyo pagod lang siguro." sagot ko na lang dito. Iniiwas ko din yung tingin sa kanilang dalawa kasi nakita kong hawak-hawak ni Jordan yung kamay ng girlfriend ko, at etong isa naman, parang walang planong bawiin yung kamay nya.

Bakit ba ang tagal umikot ng periswil na 'to? Tumalon na lang kaya ako? Chos! Masyado akong maganda para kitilin yung buhay ko dahil lang sa selos sa dalawang nasa tabi ko. At isa pa, nakaposas sa akin 'tong magandang babae na hindi ako pinapansin mula nung maglandian sila ni Jordan kanina.

Ah alam ko na! Si Jordan na lang kaya yung ihulog ko? Para at least, solo ko yung girlfriend ko. Pero dahil si Maybelle ako at hindi si Klarisse, hindi ko kayang gawin 'yon. Ang kaya ko lang gawin ay maghalumbaba at ipikit na lang yung mga mata ko para hindi makita yung landian nung dalawa.

After wantawsansebentipor years, natapos din yung nakakabwisit na ride sa periswil. Pero yung sweetness nung dalawang kasama ko, hindi pa rin tumitigil. Ano ba naman 'tong si Clarence, kung makaasta naman ngayon, parang wala yung girlfriend nya sa tabi nya ah.

Ugh! Nasaan na kaya si babaeng Hitler para maipatanggal ko na 'tong linshak na posas na 'to.

"Parrot! Kain na muna tayo!" speaking of. Ayan na si Gabriela.

Inis na lumingon naman ako sa kanya. Inilapit ko yung nakaposas naming kamay ni Clarence sa kanya.

"Tanggalin mo na 'to!" utos ko sa kanya.

Pero ayun, asa naman ako na susunod sya sa akin diba? Tiningnan nya lang ako ng nakakaloko tapos nauna na sila ni JT na naglakad dun sa kakainan namin. Hay, bakit ba ako binigyan ng ganito kabuting pinsan?

Napabuntunghininga na lang ako na sumunod sa kanila. Paglingon ko sa katabi, malungkot na nakatingin lang sya sa'kin at ngumiti ng pilit. O ba't ganon? Bakit parang sya pa yung malungkot sa nangyayari? Eh enjoy na enjoy nga sya kasama ni Jordan kanina diba? Wag nga sya. Parang hangin nga lang ako kanina sa kanila.

Destined For You (A Parrot's Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon