2nd Silence

9.1K 482 67
                                    

[a/n] Dahil sa kanta ni Saraha Geronimo na "The  Great Unknown" nabuo ko ang kuwentong ito. The instant na may nagka-interes sa kuwentong ito, isa pa lang siya, binuo ko na agad ang next chap. Sorry at matagal ko lang natapos. Thank you, thank you, THANK YOU for the interest. And thank you LeftyMe for being the first to show some interest. :)


---


Huminga ng malalim si Nicomaine bago lumabas ng elevator at nagtungo sa nag-iisang pinto sa whole floor ng kilalang condominium. Matuwid na nakatayo sa labas ng pinto ang isang magandang babae na agad namang ngumiti sa presensya niya.

"Hello Doktora Capili. I'm Ryza Ruiz, Mr. Faulkerson's Chief Secretary," inabot nito ang isang kamay sa kanya at malugod niyang tinanggap ito. "I will mostly be outside to do my job as Mr. Faulkerson's representitive but if there is anything you need, please contact me right away. Mr. Faulkerson mostly does his job in his house so I requested you to take your counseling session with him in here for his convenience. Your counseling schedule will be on weekends, 5 hours a day, starting at 2pm. This will not be a fixed schedule, depending on Mr. Faulkerson's appointed schedule, so I hope you learn to adjust your schedule. Don't worry, I'll call you firsthand if there will be sudden changes to this schedule. I hope that is okay with you?"

"Y-Yeah..." Sa totoo lang, nakaka-intimidate ang mga salita ni Ryza. Puro ito patungkol kay Mr. Faulkerson na para ba ito na ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo.

"I heard you had a quick briefing with the previous psychiatrist about Mr. Faulkerson's condition. I assume you already knew of his likes and dislikes..."

Tahimik na sinundan ni Maine si Ryza sa loob at mas lalo siya naintimidate sa itsura ng bahay ni Mr. Faulkerson. The interior concept screams loneliness and grief. Masyadong dim ang ilaw at konting liwanag lang mula sa araw ang nakakapasok sa loob dahil sa makapal na mga kurtina.

"Totoo ngang namumuhay ito na parang bampira..." hindi niya napigilang sabihin.

Napangiti dito si Ryza. "Yes. He hates brightness because as you know... he has a dark past. You will eventually get use to this surrounding like the previous psychiatrists."

Napahinto sila sa isang malaking pinto at marahan na kumatok si Ryza dito bago ito binuksan. "Mr. Faulkerson, Doktora Capili is here."

Mayamaya lang, humarap sa kanya si Ryza.

"Doktora, you can come in now."

Walang imik na pumasok sa loob si Maine at medyo nagulat pa ng biglang tumunog ang pinto ng isara ito ni Ryza mula sa labas. Napatingin siya sa kabuuan ng opisina. Walang pinagkaiba ito sa atmosphere ng living area. Buhay bampira nga itong si Mr. Faulkerson.

He is pinching his temple while looking down at his document. Hindi man ito nakatingin sa kanya, aware si Maine na naaapektuhan ito sa presensya niya. His gesture tells her that he is feeling uncomfortable with a stranger.

"Hi, I'm Dr. Nicomaine Capili, your new-" Napatigil siya sa pagsalita ng bigla itong tumayo at madiin siyang tinignan sa mata. Ayaw man niyang aminin pero mas gwapo ito kumpara sa picture na nakalagay sa medical record nito. He looks so forlorn and scary in personal though. But as his psychiatrist, hindi siya dapat matakot.

Kinuha nito ang phone at puting folder mula desk at diretsong naglakad sa mini sofa sa gilid. Hinagis nito ang folder sa coffee table at prenteng umupo sa couch. He gestures at the chair beside him for her to sit.

"Thank you," mahinahon niyang sabi. Hindi pa rin niya nakalimutang maging magalang kahit na walang galang ang kaharap. "Ako nga pala-"

Natigil na naman siya sa sinabi ng yumuko ito at may tinipa sa phone. Pagkatapos nito sa ginawa, biglang nag-vibrate ang phone niya. He gestures his phone at her as if telling her she should take her phone out. Nang tignan niya ang phone, may natanggap siyang message mula sa isang unknown number. 

The Conspiracy of SilenceWhere stories live. Discover now