One

7.9K 113 7
                                    


" And as for today's news. Bride-to-be,Michelle Klarkson together with her Bestfriend encountered a car accident. It has said that her Bestfriend Kayesia Buenaverde,who is the driver of the car, and Michelle, who is sitting in the passenger sit, is going to a bachelors party,unfortunately got accident. Stay tuned for the following news."


My tears continue to flow as the news reported.

God knows it wasn't my fault.


Everyone blame me. No one even bother to ask if I'm Okay.

No one even believe me.

It's Goddamn accident!


Yes. I am Kayesia Buenaverde. My best friend is now at the Operating room and trying to fight!


Everything happen so fast. I don't know. It is like, just a blink of the eye everything went blank.

I just heard a loud bang and crashes. Screams that change everything.


Nabalik ako sa katinuan ng biglang bumukas ng napakalakas ang pintuan.

Ako lang ang nag iisa sa apat na sulok ng kwarto na ito and no one even dare to look at me.

Unti-Unti nanaman tumutulo ang luha ko sa sakit at kirot ng aking nararamdaman.

PIlit na umiilag at Inilalayo ang sarili sa mga sampal na aking tinatamasa ngayon.


"Stop it Tita! ouch!"


"What have you done to my daughter?! She's dead! Walang hiya ka! Kasalanan mo lahat to! Kung hindi mo siya pinilit pilit na pumunta at Ikaw pa talaga nagdrive? Ano masaya ka na? patay na ang anak ko! Wala na siya! Walang hiya ka!" Patuloy padin ang pagsampal sakin ni Tita Michellana. Ang mommy ng Bestfriend.


"Michellana stop it! Wala ding mangyayari kung hindi ka hihinahon."


"Tito, I'm so--"


"Wala na siya Kaye. Wala na ang anak ko. Please intindihin mo muna kami. Lahat nasasaktan at nagluluksa."


Doon ay tila nabuhusan ako ng napakalamig na tubig. Kasama ang sakit at lungkot. Hindi padin ito matutumbasan ng masalimuot na nagyayari. Michelle I am sorry. You know it wasn't my fault. But right now I can't help but to blame myself.


Lumabas na sila tito at tita ng walang pasabi. At naiintindhan ko yun. Ako ang may hawak ng manibela.

That time... ako ang may hawak ng buhay naming dalawa.


Kasabay ng Isa pang pabalang na pag bukas ng pinto ay ang pagpasok ng Taong lubos akong kinamumuhiaan. Pulang -pula ang kanyang mga mata at alam ko hindi lang lungkot at sakit ang nilalaman ng kanyang paningin kundi pati narin ang galit at paninisi.


"K-- Kevin." Hindi ko padin pamigilan ang lumuha ng lumuha at ilabas lahat ng nararamdaman ko. Hindi sapat ang salitang sorry. Hindi sapat ang pagpapaliwanag. Isang buhay ang nawala. Isang myembro ng pamilya. Isang Kasintahan. Isang kaibigan. Isang kapatid. At lahat ng ito ay kasalanan ko.


" WHAT HAVE YOU DONE KAYESIA!?" Ang pagtaas ng kanyang boses ay umalingawngaw sa buong silid at ganun nadin sa buo kong mundo.


"I trust you. Inayaan ko na ikaw ang magmaneho dahil alam kong kaya mo at napakalaki ng tiwala ko sayo. Pero Fuck You! You killed her! Ano bang kasalanan ko? Namin? Kasal na namin by next week! And there is nothing you could to but to kill her? Why Kaye? Kasi ... dahil kami ang nagkatuluyan at hindi tayo? Alam na alam mo kung gaano ko siya kamahal! ALAM NA ALAM MO YON!"


Hindi ko na napigilang mapahagulgol ng husto sa mga naririnig. Oo may gusto kay Kevin. Pero hindi ako desperada para umabot sa ganito. Sa katunayan alam ni Michelle yun dahil inamin ko. Pero alam niya din na nagparaya ako dahil magkaibigan kami. Magkapatid. Hinding hindi ko magagawa ang ibinibintang sakin. Ang patayin si Michelle? Hindi ako demonyo! Tumayo ako para lapitan siya at ipaintinding hindi ko ginusto ang nangyayari at walang may kasalanan pero inilingan niya ako.


" Wag kang lalapit sakin. Wala kang karapatang lumapit sakin. Sana ikaw na lang ang namatay hindi si Michelle. HINDI ANG MAHAL KO. SANA IKAW NALANG ANG NAMATAY AND NAG AGAW BUHAY. ANG LUMALABAN HABANG KUNG ANU-ANONG APARATO ANG INILALAGAY SAYO. SANA IKAW NA LANG ANG NAWALA SA MUNDONG ITO." At dun lumabas na siya at balibag na isinara ang pintuan ng silid na ito.


Sana ikaw na lang ang namatay hindi si Michelle. HINDI ANG MAHAL KO. SANA IKAW NALANG ANG NAMATAY AND NAG AGAW BUHAY. ANG LUMALABAN HABANG KUNG ANU-ANONG APARATO ANG INILALAGAY SAYO. SANA IKAW NA LANG ANG NAWALA SA MUNDONG ITO.


Nahiga akong muli at madiing ipinikit ang mga mata. Labis na inaalala ang masasayang nagdaang araw na magkasama kami ni MIchelle.

Sana nga ako na lang. Hindi ikaw. Look at them now Budz. You're their happiness. And now that you're away from us, from them, from me. Wala nang mga ngiti, mga tawanan. Lahat nagluluksa, Budz. Lahat Nadudusa sa mga nararamdaman. Ako? And I am the one who can blame for this.


His Bride (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant