Two

4.2K 99 4
                                    



Dalawang araw na ang nakalipas at ngayon ang labas ko sa hospital.

Walang dumalaw kahit isa. Lahat abala sa pakikiramay sa labi ni Michelle nakikibalita na lang ako sa ibang tao na alam kong awa na lang ang meron sila sakin. Dahil kahit ni isa walang tumingin o mag abalang puntahan ako.


Napagdisisyunan ko na din na hindi na muna pumunat sa libing ni Michelle dahil alam ko namang pagtatabuyan lang nila ako.


Nang makauwi ako sa condo namin ni Michelle. Dito kami nag s-stay pero simula ng mag ayang magpakasal si Kevin sa kanya, bihira na lang siya umuwi dito. Kaya minsan ako na lang talagang mag isa dito. Wala na akong mga magulang at sila Tito at Tita na ang kumupkop sakin. Sila ang parents ni Michelle. Pag dating sa mga expenses. Madalas ang parents ni Michelle ang nagbibigay pero hindi ko yung ginagastos at sa mga side lines ako kumukuha ng mga pang gastos ko araw- araw. Nahihiya na din kasi ako sa kanila. At katulad ng sinabi ng parents ni Michelle para na din daw nila akong anak kaya sila ng bahala sakin. Pero ngayon, hindi ko alam kung saan na ako lulugar. Ito na lang ang meron ako. Ito na lang ang nagsisilbing tahanan ko na kahit papaano ay medyo nababawasan ang lungkot ko dahil fresh padin ang presensya ni Michelle sa paligid na to.


Pinahid ko ang luhang tumulo na lang basta. At binuhat ang mga gamit na dala ko. Sakin din iniwan ang iba pang gamit ni Michelle. Phone, Pouch and her accessories. Dahil hindi daw maatim ng magulang ni Michelle tanggapin ang huling meron ang kanilang anak bago ito pumanaw.


Minabuti ko na lang linisan at iiwan ito ng maayos sa kanyang kwarto. Umakyat na ako at iginala ang aking paningin sa kwarto ni Michelle. Napangiti ako ng mapait nang makita ang malaking portrait sa dingding na malapit sa kanyang kama. Picture of us. Naka-wacky ako at siya ay nakapout pero duling. Ito ang huling picture namin ng ganyan at huling bonding namin ng gumimik kami. Sabi niya iapapframe niya daw ng malaki kasi remebrance daw at perfect daw ang pag kaka-wacky namin sa picture.


Naluha nanaman ako kasi yung sinasabi niya pa lang remembrance ay talagang huli na naming bonding ng kaming dalawa lamang. Napahagulgol ako at naupo sa kama niya. Muli ko nilibot ang aking paningin ng mapatingin sa kanyang drawer. Nakauwang ito. Napakunot ako ng noo. 


Hindi nag iiwan ng kwarto si Michelle ng hindi maayos maski nakauwang na drawer. Nilapitan ko ito at  nakitang may nakatuping papel.


"To my One and Only Best Friend"

yan ang nakasulat sa harapan ng pagkakatupi.


Binuklat ko ito at tuluyan na nga akong napaiyak.


Hi Buddy!

I know that you're sad and syempre masaya din kasi I'm getting married na with Kevin. I know din na you like him pero isinangtabi mo yun dahil alam mo din na mahal ko siya. Hindi naapektuhan ang pagkakaibigan natin dahil sa isang lalaki. I love you kasi lagi kang nasa tabi ko. Walang araw na lumipas na hindi tao masaya. Lagi mo akong pinapatawa. Lagi mo akong ginuguide. You are my Sister, My buddy, My other half.

Thank you for everything. Sayo na tong condo gift ko na sayo as being part of my stupidness and clumsiness hahha! uyyy wag ka umiyak ahh.. Haha!

PS: please wag ka mag uuwi ng kung sino sinong lalaki dito ah. Nakuuuu ipakilala mo muna sakin.

And kung sakaling mag kakababy kami ni Kevin ikaw agad ang una kong pagbabalitaan.

Hanggang dito nalang and alam mo naman kung saan ang lagayan ng tissue. Kuha ka nalang. Iyakin. Iloveyou Buddy! Mwa!


Itinupi ko na ang sulat ni Michelle at inayaan kong tumula ang luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan.


Inayos ko ang pagkakagusot ng higaan ni Michelle at tuluyan ng umalis sa kanyang kwarto.


Inilibot ko ang mata ko. Ang tahimik. Ang empty sa pakiramdam na mawala ka Budz. Wala ng magluluto ng almusal kapag tinatamad akong kumilos. Wala ng kakausap sakin non-stop kahit wala ng kwentang bagay. Walang ng magpapangiti sakin. Wala ng kakanta sakin kapag namimiss ko ang mga magulang ko. At wala nang akong kasama. Yayakap sakin kung sakali mang naiiyak na ako. You are worth to be remebered Michelle. Iloveyou.


Makalipas ang isang linggo. Araw na sana maligaya ang lahat para sa isang okasyon matagal na hinaantay na maidaos. Araw ng pag iisang dibdib ni MIchelle at Kevin. At araw na nasira ko. Araw na hindi na dadarating. Ngayon din ililibing si Michelle. At sa Facebook ko lang nalaman dahil sa post ng isa pa naming kaibigan ni Michelle.


Kahit alam kong hindi pwede. Nag ayos padin ako at isinuot ang puting damit. Nang makarating ako sa libingan hindi ako nagpakita. pinark ko lang sa may gilid ang aking sasakyan at pinanuod ang mga taong naghahagis ng mga puting rosas sa kabaong ibinababa na. Tahimik akong nananlangin.At ninamnam ang mga bawat sandali sa pag alala nang mga nakaraan kasama siya.


Nang matapos ang seremonyas isa isang nag sialisan ang mga tao hanggang sa si Kevin na lang ang natira. mahigit isang oras pa siyang naglagi sa tapat ng libingan ni MIchelle.

Nang makaramdam siya na parang may nakatingin sa kanya iginala niya ang kanyang paningin, mabuti na lang tinted ang sasakyan ko kaya hindi niya ako makikita. tumayo na siya at tuluyang umalis papunta sa kanyang sasakyan. MAya maya pa ay nakita ko ng umalis na si Kevin. Tyaka ako bumaba at lumapit sa libingan ni MIchelle.


IN LOVING MEMORY OF MICHELLE D. KLARKSON

BORN: MAY 14, 1991

DIED: AUGUST 13, 2015


" Hi Buddy. Mahimbing nanaman tulog mo. Pahinga ka nang maayos ah.. Katulad ng lagi mong sinasabi kailangan mo ng Beauty rest dahil magkikita pa kayo ni Kevin. Dapat ikaw ang pinakamaganda. Buddy namimiss na kita." Pinahid ko ang sariling kong luha. Alam kong magang maga na ang mata ko pero wala akong pake. 

"You know how much I miss you. We all miss you. Iloveyou Buddy. Bakit kasi Ikaw pa ang nawala, Dapat ikakasal ka na eh! Araw mo dapat ngayon pero ito, tulog ka naman. BUdyy patawarin mo ako ha. Sana hindi nalang kita pinilit magpunta. bachelors party pa kasi. Pero ito nangyari na. Kung mababalik ko lang yung oras sana nanuod na lang tayo ng movie sa condo at kumakain ng sunog na popcorn mo." Napatawa ako ng mapait ng maalala yung popcorn niya na nasunog dahil kakadada sa mga nangyari sa date nila ni Kevin.


"Alam mo MIchelle. Ang daming nabago. HIndi ko alam kung saan pa ako lulugar. Pero siguro uuwi na lang akong probinsya at doon mga momove on kay nanang nalang muna ako dahil alam kong hindi na din ako matatanggap nila Tita at Tito. LAlo na si Kevin." Ngumiti ako kahit alam kong ang sakit sakit na. Para kang nakaupo sa gitna ng silid at lahat ng tao ay pinapaligiran ka at kwinikwisyon ang pag katao mo. NA kahit sa dami nila ni isa walang may gustong lumapit sayo.


" Paalam Buddy. Babalik ako dito kapag maayos na ang lahat. Aayusin ko tong gulong nagawa ko kahit gustong gusto ko nang bumitaw at sumunod sayo. Ikaw alng din ang meron ako.MAhal na mahal kita. Ingat ka kung nasan ka man ngayon. At sana ipagabay mo sa maykapal ang mga taong nagmamahal sayo at ngayon ay nagluluksa sa pagkawala mo."


Tuluyan na akong umalis at bumalik sa condo. Bukas na bukas din aalis na ako. Iiwan ang lahat ng sakit na meron sa syudad na ito. Ang lahat ng pait. Ang mga taong walang ginawa kundi ang ipagtabuyan at sisihin ako. Alam kong masakit ang lumayong mag isa pero mas masakit ang maglagi sa lugar na alam mo naman wala ni isa ang may gusto maamoy, makita ka o malaman na nag eexist ka pa pala.

His Bride (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя