Four

3.1K 76 1
                                    


Matapos kong ikwento ang lahat ng nangyari habang nasa syudad ako ay hindi padin tumitigil sa pagluha ang aking Nanang.


"Nang tama na ho baka makasama pa po sa inyo yan." Alo sa kanya ni Dwayne kay Nanang habang patuloy pa din sa pag hikbi.


"Dwayne anak ko ang pinsan mo kawawa naman. Tatang ang anak natin." Patuloy na bulong ni Nanang habang kinakalma na ang sarili pero ramdam ko padin ang kaba dahil baka mapaano na si Nanang.


"They didn't bother to listen to you! Bakit ganun sila?" Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Dwayne. Alam kong apektado talaga sila. At hindi ko alam ko dapat ko bang sisihin ang sarili ko dahil lahat ng detalye ay binanggit ko at ngayon ganito ang nangyayari. Wala na talaga akong nadulot na maganda.


"Tama na Dwayne. Mahal ko, pumasok ka muna sa kwarto ako na lang kakausap kay Kaye. Dwayne ikuha mo naman ng maiinom ang Nanang mo." Tinitigan muna ako ni Dwayne bago sumunod kay Tatang. Gayun din si Nanang. At tuluyan na kami iniwan nang kaming dalawa lang ni Tatang. Katahimikan at tila mga kaluskos mula sa bubong na lang ang naririnig ko.


"Anak. KAmusta ka?" Pagpuputol ni Tatang sa nakabibinging katahimikan.


"Tatang." Humagulgol ako sa bisig ni Tatang at hindi na naitago ang tunay na nararamadama. Dahil sa sobrang bigat at paghahangad ng masasandalan ang Tatang ang nakakapuna ngayon. Wala na akong mga magulang at alam kong sila na lang din ang meron ako.


"SIge lang anak. Ilabas mo lahat ng sakit at lungkot nang sa ganun ay gumaan na ang pakiramdam mo. Alam ko matagal mo nang kinikimkim yan."  Patuloy ang pag alo ni Tatang sa aking likod. Ito ang matagal ko nang hinahanap simula ng namatay sila Daddy wala nang yumayakap ng ganito sakin. Iba padin kapag ang tatay na ang nakikipag usap sayo.


"Ang sakit sakit Tatang. Ako ang dahilan ng pagkamatay ni Michelle. Pero God knows hindi ko intensyon mangyari yun. Kung alam ko lang Tang..... Kung alam ko lang.." At bumuhos lalo ang luha ko.


Hanggang sa mapagod ako kakaiyak at pagod sa byahe hindi ko namalayang nakatulog pa la ako sa bisig ni Tatang.


Nagising na lang ako nang nakahiga ng maayos at nasa kwarto na pagkakaalam ko kwarto to dati ni Mommy. Nilibot ko ang mata ko at nakita ko ang portrait ni MOmmy at Daddy. Ito ang litrato nila nang bagong Kasal at nung sanggol ako. Bakas na bakas ang saya sa kanila. Ang ngiti na matagal kong hinahanap hanap. At ngayon hindi ko alam kung may makikita pa ba akong ganyang kalseng ngiti o hindi ko alam kung ako mismo sa sarili ko ay makakangiti ng ganyan kaganda at kasigla.


NGumiti ako nang mapait at tumayo na sa higaan. Inayos ko na ang aking gamit. Sigurado naman na akong ito na muna ang ipapagamit na kwarto sakin nila Tatang. Nagpalit na akong ng mini dress at tyaka lumabas ng kwarto.


"Nang?Tang?" Lumungon lingon ako ngunit wala akong makitang tao. Baka lumabas lang o dumaan ng bukid.


Dumaan ako sa kusina at kumain na din.


Tutal wala naman akong ginagawa mabuti nang maglinis muna ako. Alam kong hindi ako papayagan ni Nanang dahil ni minsan ayaw niyang naghahawak kami ng magpapagaspang ng aming kamay pero nasanay na din kasi akong nagkukusa lalo na kaming dalawa lang ni michelle sa condo.


Ilang oras din ang lumipas at wala na talaga akong magawa nagpasiya na lang akong lumabas at maglakad lakad. Hanggang sa papunta ako sa may tabing dagat.


Ito ang gusto ko dito. Sariwa ang hangin. Malinis ang tubig dagat at walang kalat sa paligid. Mababait ang mga tao at masisipag. Naglalakad lakad ako at nagpasiyang umupo sa pampang.


"It's been a week MIchelle. Are you happy? Maganda ba diyan? May mga friends ka ba diyan? Ako ito. Iniwan mo. Lahat nawala. Lahat nabago. Budz, namimiss na kita. Nakakapagod umiyak. Tulungan mo naman ako magmove on. Na sana makapagmoveon ako. Kamusta na kaya sila tito at tita. Si kevin? Sana you're guiding them. They are all blaming me. I'm Sorry." May patak na nanggaling sa aking mata. At kasabay nung ay ang kamay na pumunas nito.


"Iiyak ka nanaman." Tumabi si Dwayne sakin at pinasandal ang ulo ko sa balikat niya.


"Tahan na. Lagi ka nang umiiyak. Alam kong masakit pero walang magagawa ang pag iyak Kaye. Mas lalo ka lang niyang gagawing mahina. Tama na Kaye. Isipin mo na lang hindi magugustuhan ni Michelle makita kang nagiging ganyan. Isipin mo ang sarili mo wag ang sasabihin ng ibang tao."


Nakapikit ako habang pinapakinggan si Dwayne tama siya. Hindi magiging masaya si Michelle kung magiging ganito ako lagi. Kailangan ko isipin ang sarili ko at hindi ang sinasabi nila. Kailngan ko harapin to.


Naisip ko Bigla si tito at tita. Ang parents ni Michelle.


"Sa tingin mo tatanggapin pa nila ako?"-ako


"Wag mo madaliin ang lahat. Sa una kaya nangyayari to dahil nagahhanap sila ng taong mapagbibintangan. Walang may kasalanan at alam nilang lahat yun even Kevin. Pero sa ngayon bigyan mo sila ng panahon. Panahon kung kailan unti unti nang naghihilom ang sugat nila. Mahirap ipaliwanag ang sarili kung ang mga nakikinig ay sarado pa ang isip at damdamin." Hinarap ko siya at nakitang nakapikit din.


Niyakap ko siya at naramdaman kong niyakap din niya ako.


"Thanks Dwayne. Thank you for your words. It made me realize things na dapat alam ko na nung una pa lang. I know Michelle is happy right now. Ngayon kailngan ko na lang bigyan muna nang oras ang sarili ko at ang taong nasaktan ng lubusan kagaya ko at magulang niya."


I know time will come makikita ko ulit ang mga taong nakapaligid sakin na nakangiti at naghilom na ang mga sugat at sakit hudyat ng pagkamatay mo Budz.

I know, I have to will fix myself and aalagaan ko sila tita at tito.

His Bride (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt