Epilogue

5.1K 92 75
                                    


"OMYGOD! Look at you. You look so stunning Kayesia!", saad ni Alex na hindi magkamayaw sa pagaayos ng buhok ko. Yes, he does my make up and hair dress. Yan ang porte niya as ever. Alam na din sa pamilya niya na bakla siya dahil may biglang pumuntang lalaki sa bahay nila at hinahanap siya. Kinausap nito ang parents ni Alex at hiningi ang permiso na maging magkasintahan sila dahil talagang nagmamahalan daw sila.


"Ito naman, sakit sa tenga ha. Mag bihis ka na nga." Pagtataboy ko sakanya. He is more excited than I am. Nanlalamig ang kamay ko at hinawakan ang pendant na isinuot sakin ni Alex. Ito ang bigay ni Kevin sakin nung nagbirthday siya. Embis na ako ang mag regalo siya pa ang nag abalang magbigay ng surpresa.


Napalingon ako sa pinto ng kwarto ng may narinig akong katok mula doon. It open slowly at inuluwa nito si Tita And Tito together with Tatang at Nanang. I can see from their eyes how happy and sad they are at the same time.


"Tita, tito" I hug them tightly at hindi napigilan mapangiti ng maramdamang medyo nanginig ang balikat ni Tita.


"Ang anak ko ikakasal na. You are really a grown woman na." Nagdramahan kami ng konti at maya-maya kulang na lang ay pagtabuyan sila ni Alex dahil medyo nasira ang make up ko.


"Anak ko mauuna na kami sa simbahan. Mahal na mahal ka namin." Hinalikan ako sa noo ni Tatang at nagpaalam na silang mauuna na sa simbahan. At ngayon naiwan na lang kaming dalawa ni Alex. Habang nagtatrantums dahil nireremedyuhan niya ang eye make up ko.


"Girl, magiging Mrs. Trinidad ka na. Pag nagkababy ka na Ninang ako ha."


Napahagikgik ako sa ideya ni Alex. Ang sarap makinggan. Mrs. Kayesia B. Trinidad. Magiging isa na kami ni Kevin.


Bumaba na kami at nakitang nag aabang si Dwayne sa dulo ng hagdan. Dito kasi sa bahay ng Parents ni Michelle ako inayusan para daw medyo malayo ng konti sa simbahan. At para din daw mag alala si Kevin na kunwaring hindi ako makakasipot dahil nga 15 minutes drive pa bago makarating sa paggaganapan ng kasal.


"You look beautiful Kaye." Dwayne kiss me at my right cheek at inalalayan akong sumakay sa bridal car.


"Hey calm down. Alam ko nandun na si Kevin. Nagtext siya sakin na On the way na siya. At to be honest. That hell of guy is nervious!"


I laugh nervously at hindi alam kung saan kukuha ng sasabihin. Pinisil pisil ko na lang ang mga daliri ko at pinaglaruan yun.


Nang makarating na kami ng simbahan nakita ko mula sa labas na parang nagkakagulo sila.


"What's happening Dwayne? Bakit nasa labas sila Tita?" natataranta kong tugon ng hindi umiimik si Dwayne ay hindi ko na ito inantay na sumagot pa sa tanong ko. Iniwan ko siya at tumakbo papunta kila Nanang, na gayun din ang nagiging reaksyon.


Kahit hirap ako sa bigat ng suot ko pinilit ko padin ihakbang ng malalaki.


"Nanang, Tita? Anong nangyayari? Bakit kayo nasa labas."


Nakita kong medyo namumula ang mga mukha ni Tito at Tatang at gayun din ang maga sa mata nila Nanang at Tita.


"Tell me anong problema?" Dumungaw ako sa pintuan ng simbahan at nakitang lahat ng tao ay nakatingin at hindi din mapakali. Hinanap ng paningin ko ang pares ng matang nakakapagpalambot sakin. Pero bigo akong sa paghahanap.


Dun na ako nakaramdam ng kutob at kaba.


"Nasan po si Kevin?" Nagkatinginan silang lahat at inisa isa kong silang pinagmasdan. Base sa mga reaksyun nila alam kong wala akong mahihitang sagot mula sa kanila.


Si Dwayne!  Baka pinagplanuhan nila to. Bumalik ako patungo sa pinagparkan ng sasakyan at nakitang nakasandal ito at halatang iritang irita at hindi mapakali. Nang maramdaman niya ang presenya ko, nilingon niya ako.


His eyes is all shot red.


"Kaye si Kevin."


Kasabay ng pagkabitaw ng salita niya ay ang pag gunaw na ng tuluyan ng mundo ko.

His Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now