TWENTY ONE
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"Ang ganda naman dito, Alex!" Sabi ko kay Alexander habang tinatanaw ko ang dagat na tanaw mula sa balkonahe ng sinasabi niyang maliit niyang rest house na hindi naman. Kung ikukumpara nga, halos kasinglaki na ng bahay ko ang rest house ng unggoy na 'to.
"This is my favorite place." Saad naman niya habang tinatanaw rin ang dagat.
"Buti na lang talaga sumama ako sa'yo!" Nakangiti ko namang sabi sa kanya. Bigla ko namang naalala si Gab, ang sabi ko kasi sa kanya ay sa susunod na lang kami lumabas dahil magbabakasyon muna ako. Nakakapagod din naman ang pagiging abogado kaya siguro, mas mabuti nang magbakasyon muna ako. Besides, matagal na rin simula noong nakapagbakasyon ako. Simula kasi noong mamatay si Nanay, wala na akong inatupag kung hindi trabaho. Hindi ko kasi kayang magsaya habang naiisip ko na wala na si Nanay.
"Mas maganda rito kapag gabi, pero hindi na kita sasamahan. I have a date later, bahala ka na kung saan ka pupunta." Sabi niya sa akin.
"Oo na, ang landi mo! Ilan ba kasi ang date mo ngayon?" Hindi ko mapigilang maitanong sa kanya.
"Too many to count, basta mamayang gabi h'wag mo akong guguluhin." Sabi niya. Inirapan ko naman siya.
Napakalandi talaga ng lalaking 'to!
"Paano ang pagkain ko?" Tanong ko sa kanya. Sabi niya kasi, sagot niya lahat.
"Bahala ka na, hindi ka naman pulubi para bigyan pa kita ng pagkain." Agad niyang sagot.
"Hoy, sabi mo libre mo rin ang pagkain!" Nakasimangot kong sabi. Gagong 'to, lolokohin pa ako!
"May pagkain ako d'yan sa bag, bahala ka na kung kakainin mo o hindi. May pera ka naman siguro kaya mas maganda na bumili ka na lang sa labas." Sabi niya sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"Grabe ka talaga kahit kailan, Alexander! Ang kuripot mo, hindi ka boyfriend material!"
"Bakit? Kaya lang ba gusto mo magkaroon ng boyfriend para mayroong gagastos para sa'yo?" Magkasalubong ang kilay niyang sabi sa akin.
"Hindi ah! Tsaka kaya kong gumastos para sa sarili ko! Ikaw, ang yaman mo pero ang kakuriputan sa katawan mo, mayaman din!" Sabi ko at tsaka ko siya inirapan. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to kahit kailan, ang damot!
"Basta, deal na 'yon." Sabi niya at tumango na lang ako. Pumasok ulit ako sa loob ng rest house niya at siya naman ay dumiretso sa bathroom. Hindi ko naman mapigilan ang mamangha habang inililibot ang mga mata ko sa loob ng bahay niya.
"In fairness, ang yaman naman talaga ni Alexander." Sabi ko sa sarili ko. Kilala ko rin kasi ang Daddy niya na dating CEO ng Montemayor Empire, ang huling balita ko kasi ay si Mr. Greg Montemayor na ang bagong CEO na dating hawak ni Mr. Levinn Montemayor.
Iba rin naman kasi ang business, talagang pera ang usapan. Si Jeorge nga, hindi ko alam kung bakit pa nagpapakahirap iyon na makipagbulyawan sa korte gayong mayaman naman siya at ang pamilya ni Travis. Kung tutuusin, ayaw na siyang pagalawin pa ni Travis dahil maganda naman ang business nila ng asawa niya.
Huminga naman ako nang malalim.
Tumatanda na ako at hindi pa rin dumarating ang lalaking para sa akin. Hindi naman ako nagmamadali dahil baka sisihin ko lang din ang sarili ko kapag nasaktan ako. Sa ngayon, gusto ko lang munang maging masaya. Kung mayroon talagang para sa akin, darating naman iyan. Pero kung wala, ayos lang, ang mahalaga ay natupad ko ang pangarap ko.
BINABASA MO ANG
Set You Free
General FictionSometimes, what you are most afraid of doing is the best thing that will set you free. #BSS6