Final Chapter

142K 2.9K 246
                                    


FINAL CHAPTER

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Agad na rumehistro sa buo kong katawan ang sakit na nararamdaman ko mula sa pagkakabangga ng sasakyan namin. Pakiramdam ko, binugbog ako ng ilang ulit at hindi ako makagalaw. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at wala akong makita dahil madilim. Isang ilaw ang nakatutok sa akin at doon ko lang napansin na nakatali ang mga kamay at paa ko.

Bumagsak ang luha mula sa mga mata ko. Si Alex? Nasaan si Alex?

"Alex!" Sigaw ko, pero wala akong sagot na natanggap.

"Alex! Alex!" Patuloy ang pag-iyak ko pero wala akong marinig na sagot.

Natigilan ako nang makarinig ako ng isang malakas na tawa ng lalaki. Biglang bumukas ang lahat ng ilaw sa paligid at hindi ko mapigilang mapapikit sa silaw.

Unti-unti akong nagmulat ng mata at para bang sinaksak ng ilang ulit ang puso ko nang makita ko ang mga tao sa harap ko.

Nanayo lahat ng balahibo ko, at agad na nag-unahan ang mga luha ko sa pagbagsak. Para bang ninais kong makulong na lamang sa isang panaginip dahil sa nangyayari sa akin. Panaginip na kapag gumising ako, magiging normal na ulit ang lahat.

Pero hindi, dahil kung panaginip ito, bakit ako nasasaktan nang sobra? Bakit pati ang mga taong mahal ko nasa harap ko ngayon at nakikita kong nahihirapan?

Agad na hinanap ng mga mata ko si Alex at nakita ko siya sa gitna, nakaupo, walang malay at katulad nila ay nagapos din ang kamay at paa. May tape din ang bibig niya at kitang-kita ko ang natuyo na niyang dugo sa ulo.

"How does it feel, Attorney Maria Livai Arcaga?" Sabi sa akin ng lalaki sa likod ko. Naiyukom ko ang mga palad ko sa galit. Pamilyar sa akin ang boses na iyon.

"Nasaan ngayon ang buntot mo, Attorney Arcaga?" Mariin niyang sabi, na para bang hinahamon niya ako.

Nakita kong nagising si Reu sa upuan niya, pero hindi siya makapagsalita dahil may tape siya sa bibig at nakatali rin ang paa at kamay niya. Nakita ko ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata niya at lalo akong nanghina.

"Does it feel good, Attorney? To see them suffering because of your stupid actions?" Tumawa ang lalaki sa likod ko. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko. His smell, his voice, those are all familiar to me. Hindi ako pwedeng magkamali sa hinala ko kung sino iyon.

"I will make sure you it will feel good to see them die one by one." He whispered to my ear.

"Demonyo ka!" Sigaw ko sa kanya. I knew it was him, simula pa lang nang magkakilala kami, para bang inilalagay niya ako lagi sa bingit ng kamatayan.

"I'm more than a demon, Attorney Arcaga." Sagot niya sa akin at tsaka siya tumawa.

Umiyak lamang ako nang umiyak dahil wala akong magawa para matulungan ang sarili ko, ang mga taong mahal ko.

Nagising din si Papang sa upuan niya at ang Tatay ko pero si Alex hindi pa rin nagigising. Alam kong nahihirapan silang lahat at hindi ko alam ang gagawin ko.

"I've been waiting for this moment, Attorney Arcaga. You were a student before when you messed with me, nakalimutan ko na sana but until now, you keep messing with me. That's why I killed them, people who I think important to you. You lead them to find me, to investigate me, and you gave me no choice to make you suffer. You are such a stupid lawyer for messing with someone you know who got power, money and almost everything. Too bad, your actions will be now be paid off."

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon