Chapter Forty Four

117K 2.8K 91
                                    



FORTY FOUR

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto namin ni Alex. Agad akong lumingon upang tignan si Alex pero wala siya sa tabi ko. Bumangon ako at agad na dumiretso sa banyo. Itinali ko ang buhok ko upang hindi iyon mabasa bago ako maghilamos. Tinignan ko ang repleksyon ng sarili ko sa salamin at hindi ko mapigilan ang mapangiti.

I look fat.

Lumalaki na rin ang tiyan ko at bigla ay nakaramdam ako ng pananabik na makita na ang mga anak namin ni Alex. Ang sabi ni Lowella, hindi pa raw namin pwede malaman kung babae ba o lalaki ang mga anak namin. Maaari rin kasing isang babae at isang lalaki ang anak namin ni Alex, pero kahit ano pa man, tanggap ko sila dahil sa akin sila galing.

Bigla akong nakaramdam ng pagbaliktad ng sikmura at nasuka ako. Napapikit ako dahil wala namang lumabas pero ang sakit ng lalamunan ko at ng tiyan ko. I guess this thing is inevitable for me.

Morning sickness.

Nang maramdaman kong ayos na ako, bumaba na ako. Nadatnan ko naman si Alex sa may kusina at naghahanda ng agahan.

"Daddy duties?" Ngumiti ako sa kanya. Nagulat naman siya nang marinig ang boses ko.

"Bakit gising ka na agad? Hindi ba kapag buntis mga tanghali na nagigising?" Kunot-noong sabi niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Sira, hindi naman lahat ng buntis ganoon 'no. Tsaka bakit ang dami naman ata n'yan?" Sabi ko nang mapansin kong ang dami niyang niluluto.

"Dalawang bata ang nasa tiyan mo, eh matakaw ka pa, kaya dapat madami." Sagot naman niya sa akin. Pabiro ko namang hinampas siya sa braso.

"Grabe ka naman! Tignan mo nga iyan, hindi ko naman mauubos iyan. Hindi pa naman ako bibitayin, Alex!" Singhal ko sa kanya.

"Binibiro ko lang naman ang misis ko, bawal ba?" Nakangisi niyang sabi sabay yakap sa akin mula sa likuran. Agad kong naramdaman ang init ng katawan niya mula sa likuran ko.

Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.

"Ang landi mo, Alex." Bulong ko sa kanya.

"Natanong mo ba sa doctor mo kung pwede kahit buntis ka?" Bulong niya sa akin.

"Anong pwede?" Tanong ko.

"Alam mo na, iyong ano..." Aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Alex, ikaw talaga!"

"Malay mo makaisa pa tayo, humabol ba." Sagot niya sa akin. Tawa naman ako nang tawa sa dahilan niya.

Boys will be boys.

"Ikaw talaga, Alex, lahat ng kalokohan sinalo mo." Humarap ako sa kanya.

"Namimiss lang kita." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Hayaan mo mamaya, ako bahala sa'yo." Sabag kindat sa kanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko at akala mo batang binilhan ng candy.

"Talaga ha! Wala nang bawian!" Sagot niya.

"Kumain muna nga tayo, hindi ka ba papasok sa trabaho?" Tanong ko sa kanya. Umupo kami sa harap ng lamesa at siya naman ay kinuha ang kape na itinimpla niya. May gatas din siyang itinimpla para sa akin.

"Alam naman ni Daddy kung bakit ako hindi muna papasok. Actually, mom called me earlier. Pupunta raw sila ngayon dito to visit us." Sabi ni Alex sa akin.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon