kabanata 13

14.4K 353 4
                                    


Kabanata 13

Grae's POV

"Her name is Ryanne Noel Sundstrom. Noelle, he is kuya's friend. Aiden Tiger Cooper."

Nakipagkamayan ang dalawa sa isa't isa. I saw a glimpse of relief in Aiden's eyes or guniguni ko lang.

"Nice to meet you Mr. Cooper or Aiden?"

' "Aiden will do. Same here."

"Sino nga palang pinunta mo rito?" makahulugang ngumiti sa akin si Noelle at saka nagpaalam. Mauna na raw syang umuwi dahil nandyaan na ang sundo nya. Nakaalis na ito ng maalala kong tanungin kung sino yung dalawang babae kanina.

"You. I mean may dinaanan lang ako sa malapit and I decided na dumaan rito and ask you out."

Alangan akong napatingin sa kanya. Nandito na naman kasi yung biglang pagtibok ng mabilis ng puso ko. Sa bawat araw na makikita ko sya ay nandyaan ang kakaibang tibok nito.

I mentally noted na kakausapin ko si Ate Bridgette about this.

"Huh? Baka hanapin ako ni Kuya. Sya kasi ang sumusundo sa akin." I said as a matter of fact.

Sigurado akong hahanapin ako ni Kuya kapag dumating sya rito ng wala ako. Ayaw kong magalit sya sa akin.

"I already asked him. Basta ihatid lang raw kita bago mag-gabi."

Napatango ako at napatingin sa itsura ko. Nanlilimahid at nanlalagkit na ako dahil sa shake. Mukha na akong batang napabayaan sa kalsada.

Dahil pumayag na si Kuya, pumayag na rin ako. Pinadaan ko muna sya sa condo namin sa tapat para makapagpalit ako ng damit at makapagayos kahit papaano.

After 20 minutes ay saka lang ako lumabas. Nakaisang floral peach dress ako at flats. Naabutan ko syang kausap si Brayden at Jayce.

"Wala na kayong pasok?" Lumapit ako sa dalawa at humalik sa pisngi nila.

"Our last subject is boring. Mas mabuti pang matulog na lang." Jayce.

"And I want to eat ice creams too. Mas masarap pa yun kesa makinig sa mga boring na turo sa school. You know ate we're genius." Brayden.

Naiiling na lang ako sa kayabangan ng dalawa na 'to. At kahit kelan rin hindi mapaghihiwalay ang dalawa na 'to. Sana someday wag silang umibig sa iisang tao lang.

"Why are you with Kuya Aiden?" Nilingon ko si Aiden na nakamasid lang sa amin.

"Sasabay na ako sa kanya kasi pinasundo na ako ni Kuya. Bye na. Be a good boy."

"Take care of ate, Kuya Aiden."

Tumango si Aiden sa dalawa ay sinabing 'I will'. Humarap ako sa dalawa at saka humalik sa magkabilang pisngi ko ang kambal. Masakit man sila sa bangs pero sweet at caring naman.

"I like the closeness that you and your cousins have. Lahat ba kayo ganun?" Sinulyapan nya lang ako at saka bumalik sa pagmamaneho.

Napangiti ako ng isipin ang mga pinsan ko. "Yes we are super close. Sa iisang village lang kasi kami nakatira at halos kami lang ang magkakasamang maglaro kaya naman mas lalo pa kaming naging close na lahat. We are not just cousins, we are friends.

A heart that cannot love (complete)Where stories live. Discover now