kabanata 24

13.7K 306 6
                                    


Kabanata 24

Grae's POV

Unti unti kong minulat ang mata ko at puro kadiliman ang nakikita ko. Pagbaling ko sa kanan ay may mumunting liwanag kaya naman sinundan ko ito. Nang makarating ako sa dulo ay ganun na lang ang pagkamangha ko ng makita ko kung gaano kaganda ang paligid.

Punong puno ng bulaklak at puno sa kapaligiran. May mga burol rin na nakapaligid pero ang nakakamangha sa lahat ay ang tila isang playground sa gitna. Ngayon ko lang napansin na may isang babaeng nakaupo sa swing. Nakatalikod ito sa tantya ko ay kasing edad ko lamang.

Mahaba at tuwid ang itim na itim niton buhok at pagkaputi puti rin nito. Nakasuot ito ng putting bestida na hanggang tuhod ang haba. Naglakad na ako papalapit rito.

"Miss, pwedeng magtanong? Nasaan tayo?"

Unti unti itong tumayo at dahan dahang humarap sa akin. Ganun na lang ang kilabot na naramdaman ko ng makita ko ang kabuuang mukha nya. Ang mata nya ay kulay asul, ang korte ng kilay, tangos ng ilong, at labi parehas na parehas sa akin. Wari ko ako ay nananalamin.

Napaaawang ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Ngumuti ito ng malaki sa akin. Ang kutis nya parang naggo-glow.

"Graciella." Nakangiting sambit nito.

"B-bakit ta-tayo magkamukha?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Upo ka." Tinuro nito ang katabi nitong swing. Naupo ito at ganun rin ang ginawa ko. "Ako ito si Cheska Savannah. Ang kambal mo."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Am I dead?" Hindi ko mapigilang hindi itanong sa kanya. She chuckles. Napatingin ako sa kanya. Alam kong may kakambal ako pero alam kong patay na sya at ang weird lang dahil ngayon heto sya sa harap ko at kamukhang kamukha ko pa. Ganto rin siguro ang pakiramdam ng kambal kong pinsan kapag magkaharap sila.

"Not yet. I am happy to finally meet you. Palagi ko kayong pinapanood from here. I am happy that you finally found your partner in life. I am happy that mom is happy with her husband. And Kuya and Gavin. Masaya akong panoorin kayo from here because I know when the right time comes lahat tayo magkakasama sama ulit." She said habang nakangiti at nakatingala sa langit.

"Masaya rin akong makita ka ngayon. Look at us we magkamukhang magkamukha tayo except sa straight and black hair mo. Sa akin kasi blonde at wavy. Wait, if I'm not yet dead, why am I here?"

Kung hindi pa ako patay, ano nga ba ang ginagawa ko dito? The last thing I remember ay yung inatake ako. Nakaramdam ako bigla ng lungkot dahil alam kong nagaalala na ang pamilya ko sa akin. I miss Hyacinth too.

"This place is my place. And I don't know the reason why you're here. Pero kahit na ano pa ang rason I am really happy to see you. Magpagaling ka pagbalik mo and kiss my niece for me. Wag kayong magalala I will always be there to guide you."

Hahawakan ko na sana ang kamay nya ng biglang magliwanag ng sobra. Kumabog ang dibdib ko ng puro puti na ang nakita ko. I gasped at saka unti unting bumukas ang mata ko at ang una kong nakita ay ang putting kisame.

Ang sakit ng panga ko. Kumurap kurap ako at inilibot ang tingin sa paligid. May tubong nakakabit sa bibig ko kaya pala masakit at hindi ko maitiklop. May oxygen rin na nakakabit sa akin. I tried to move my left hand pero hindi ito gumagalaw. Bigla akong kinain ng takot dahil duon.

A heart that cannot love (complete)Where stories live. Discover now