kabanata 23

13.4K 323 18
                                    


Kabanata 23

Aiden's POV

Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang pinto ng ICU kung saan sya naroon. Natatakot akong bukasan. Natatakot akong baka kapag nilapitan ko sya ay bigla na lang syang mawala.

Her whole family was here at ako na lang ang hindi pumapasok para silipin sya. Kanina pa kahit anong pilit ko sa katawan ko na pumasok hindi ko magawa. Pakiramdam ko may pumipigil sa akin. Pakiramdam ko kapag pumasok ako at nahawakan sya ay baka para na lang syang bula na kapag nadampi sa balat ay puputok at mawawala.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at halos manikip ang dibdib ko ng makita ko ang mga aparatos na nakakabit sa kanya. Nakakabingi rin ang tunog na binibigay ng pump para sa puso nya.

Hinayaan kong tumulo ang luha ko habang hinahawakan ko ang maputla nyang mga kamay. Napakaputla nya at para bang wala nang dugo. Dinala ko sa labi ko ang kamay nya at hinalikan.

"Buttercup, please wake up... please fight for me and for Hyacinth. Please fight for us. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin. Mahal na mahal kita buttercup. Do not give up. Wag ka munang sumama kay God, tell him we need you here. Graciella please baby wag mo akong iwanan."

Hinalikan ko ang noo nya. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit sya inatake. Kung sana hindi na lang ako pumasok sa trabaho sana ay hind mangyayari ito. Parang kanina lang umaga masayang hinatid nya pa ako hanggang sa sasakyan pero heto sya ngayon nakaratay sa higaan.

"Bro."

Malungkot akong ngumiti kay Avian. Naglakad ito papalapit kay Graciella at saka hinaplos ang pisngi nito habang umiiyak.

"Honey bear, wag kang magpaka sleeping beauty ha. Magpagaling ka agad at promise ko lahat ng gusto mo gagawin ko. Wake up na honey bear dahil ang panget na ng asawa mo kakaiyak."

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Avian. Kahit kelan napakaloko talaga ng lalaki na ito.

"This is all my fault. Sigurado ako nastress sya dahil nalaman nya ang nagyari kay papa. Sana gumawa na lang ako ng rason para itago sa kanya lahat e di sana hindi sya ngayon nasa bingit ng alanganin. Damn! Napaka walang kwenta kong kuya."

Naaawang tinapik ko na lang ang balikat nito.

"Wala namang may gusto nito at kahit na anong gawin natin hindi naman na mababago ang mga nangyari na."

"*chuckles* you sounds like her. She's a very optimistic and open minded. Wala atang mabigat na problema sa kanya na hindi nya kayang lagpasan." He fondly looking at her.

"Yeah. Kahit gaano kabigat ang mga problema she still looking at the bright side. I want to be like her, I want to think that everything's going to be okay but I know for now prayers lang ang magagawa ko and hoping for the best."

May lungkot sa matang pinagmasdan nito ang kapatid. I know how much he love her. Sya ang protector ni Graciella at kasangga sa lahat ng oras kaya alam kong masakit sa kanya ang makitang nasa gantong kalagayan ang kapatid.

"Her illness is a traitor. I should have more careful at dapat binantayan ko syang maiigi. Dapat hindi ko muna sya iniwanan kanina. Dapat hindi muna ako umalis habang wala pa syang kasama sana hindi ito nangyari. I'm so sorry honey bear."

A heart that cannot love (complete)Where stories live. Discover now