kabanata 22

13.1K 306 14
                                    


Kabanata 22

Grae's POV

"All along you knew about this and you never even telling even a single details about this?! How could you Kuya!" hindi ko mapigilang hindi ihagis sa kanya ang newspaper na nakuha ko kahapon.

"Because you don't have to know about this. Hindi mo na kailangang problemahin ang mga yan. Fuck!"

Blanko ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Naiiling na lang ako at tumawa ng pagak.

"Hindi na kailangan? Good Lord Kuya, he is still our father kaya papaanong hindi ko sya dapat problemahin pa ha?"

"Go home Graciella. I'm busy." He said at saka bumalik ang tingin sa computer nya.

"Stop treating me like a 5 year old child kuya! Please, I'm begging you let's help him."

Matalim akong tiningnan ni Kuya. Napaayos ako ng upo. Nakakatakot si Kuya lalo na kapag galit. Nagiging halimaw ito kapag nagagalit but not now. Iba ang situasyon ngayon natatakot ako sa kanya pero mas nananaig ang kagustuhan kong matulungan si Papa.

Tumayo ito at naglakad papalapit sa akin. "Help him? And why the hell I would do that huh?" he mockingly said.

Tumayo rin ako at humalukipkip. "Ama pa rin natin sya kuya even though he never been a father to us. Hindi ko kayang makita syang nasa likod ng mga rehas. Please Kuya do something."

"Isa lang ang ama ko Graciella and that is Daddy."

Hinawakan ko ang kamay nito at nagmamakaawang tumingin rito. Alam kong may magagawa sya kumpara sa akin kaya sakanya ako lumapit. Hindi ko kayang makita si papa na nakakulong masyadong masakit sa akin.

"Kahit para sa akin na lang Kuya. Bail him out please?"

Umiling ito sa akin. "I don't know Grae kung kaya ko syang ilabas. You see hindi basta basta ang kinakasangkutan nya honey bear. Drugs is not bailable honey bear kaya kahit anong gawin ko hindi ko sya mailalabas."

Unti unting pumatak ang mga luha ko. Bigla akong nakaramdam ng awa kay papa. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip nito at nasangkot sa droga. Nahulihan si papa ng cocaine and now nakapiit na ito sa bilanguan. Kahit na alam ko naman na hindi ito pwedeng makalaya nagbabakasakali pa rin akong makakagawa si Kuya ng paraan.

"Kuya..."

"I'm sorry honey bear I cannot do anything about it." Lumabot ang ekspresyon nito at hinaplos ang pisngi ko.

"Can we visit him na lang?"

He sighed at saka yinakap ako at hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

"Kung hindi lang kita mahal honey bear, baka nasakal na kita. You are such a pain in the neck." Naiiling na sabi nito. Alam kong kahit na naiinis o nagagalit pa ito hinding hindi nya ako kayang tanggihan.

Nanikip ang dibdib ko ng makita ko si papa sa likod ng rehas. Kahit na hindi kami kailan man naging close masakit pa rin sa akin ang makita sya sa gantong kalagayan.

Ang laki ng pinayat ni papa to think na ilang linggo pa lang syang nalalagi rito. I just knew about this last night kung hindi ko pa aksidenteng nakita ang ang newspaper sa bahay.

A heart that cannot love (complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant