New home, new life, but not alone

1.1K 30 5
                                    

Kung hindi lang sa bago kong trabaho hindi naman ako pupunta ng probinsya sayang naman kasi yung offer ni boss na mataas na sahod at napromote pa akong maging supervisor sa lilipatan kong franchise ng L'zhuire Factory. Mabuti na rin ito kesa naman magtiyaga ako sa main branch na todo effort na tapos di man lang mapromote. Atleast ngayon makakapagpadala ako malaki-laking pera sa Mindoro. Ang tagal ko din sa Manila......tapos ngayon bagsak province uli ang beauty ko.....di bale, malaki naman ang sahod. Mahaba-habang byahe ito kaya makatulog muna. Kahit air-con pa itong bus eh tiyak na sasakit pa rin ang katawan ko nito.

After 6 hours na byahe.

''Terminal na po'' malakas na sigaw ng konduktor.

Hay...........ang sarap humikab, andito na pala ako.

Bumaba na ako ng bus na bitbit ang dalawang malaking bag.

Ang bigat naman nitong mga dala ko.  Ang sabi ni boss ipagtanong ko lang daw sa mga tricycle drivers pagbaba ko sa terminal kung saan ang papuntang L'zhuire branch at ihahatid na lang daw nila ako dun. Grabe ang kuripot talaga ng boss namin....pag di pa nga naman yumaman yun e, ewan ko lang.

After ko magtanong isang tricycle driver  nag-offer na nga siyang ihatid ako sa lugar na hinahanap ko..

In fairness sa probinsya talaga maginoo ang mga lalaki tinulungan pa akong magbuhat ng bag ko. Kung sa Maynila ito hinding-hindi ko ito ibibigay as usual hindi naman talagang nag-o-offer ng tulong ang mga yun, balak lang itakbo ang mga gamit mo. Yung mga nag-o-offer ng tulong sa Manila sa malamang mga kawatan, mga masasamang loob at ang talagang binibiktima ay yung mga galing probinsya. Dito naman sa probinsya baliktad. Yung mga nag-o-offer ng tulong ay yung mga lalaking gustong pumorma. Alam na alam ko yun dahil taga probinsya ako bago pa ako mapuntang Manila. Hindi na ito bago sa akin.

Hindi siguro halatang taga probinsya din ako. Ito kasing mga lalaking driver kung mag-unahan sa pagbuhat ng baghe ko parang artista ako hahaha. Sige pagkaguluhan nyo ako. Ewan ko ba sa kanila. Hindi naman ako kagandahan. Hindi rin ako ligawin. Kaya sige lang guys, chance ko rin ito para maranasan ang ganitong pinagkakaguluhan ako hahahaha.

Pag natira ka na kasi sa Manila malaki na rin ang nagbabago.....hindi na halatang taga probinsya ka......ah siguro?! Parang ako! hahahaha 

Five years din akong nagtrabaho sa main branch e.

Yun nga lang, sa tagal ko ng tumira sa Manila e, isa lang ang hindi nagbago saken........yung kutis ko. Sabi nga ng mga katrabaho at kaibigan ko na dun, nasira daw sken yung tubig ng Manila. Morena pa rin ako. Ewan ko ba kung bakit hindi ako pumuti-puti.

Gusto pa naman ng mga guys yung mapuputi ang kutis tulad ng labanos. kaya siguro hindi rin ako ligawin.

In fairness, ang layo pala ng byahe ng tricycle dito. One hour bago marating ang pinaka luga ng branch namin at siningil ako ng 200 pesos ni manong....okey na din malayo naman talaga e.

Pero okey yung place ng branch tabing kalsada lang at takaw pansin, ang laki ng name sign hindi naman kalakihan pero maganda ang design at malinis, maliwalas at mahangin din. Di tulad sa main na maalinsangan closed kasi ang buong paligid.

Dumiretso akong pumasok sa loo ng compound ng factory nang may isang guard ang lumapit sa akin at hinarang ako.

''Ma'am sorry po, pero tapos na po ang applyan ng mga applicants dito, wala na rin pong vacant....bawal din po ang outsider,'' Tulad din pala sa Manila, mahigpit din.

''ah, hindi...ako yung pinadala galing sa main branch'' Paliwanag ko.

''ay ganun po ba?....pasensya na po uli.....kayo po pala yung supervisor na pinadala....si Miss Arah Delos Santos.....ay hindi nga ho ako nagkamali maganda ho pala kayo talaga.'' nakangiting sabi ng guard napayuko pa siya ng bahagya parang nahiya ata sa sinabi niya. Dapat bang ikahiyang sabihin na maganda ako? Dapat proud pa siya hahaha

THE ATTIC (completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu