My new life

663 31 4
                                    

Pagbalik ko sa bahay........ Nakita ko yungmga gamit ko nasa labas ng bahay.

Bakit?

Napansin ko yung lumang bahay, isang bahay na parang walang tumira dun.... Isang lumang bahay na mukhang matagal na panahong nabakante. Gusto ko sanang pasukin ulit, biglang may pumigil sa akin.

''Miss, anong ginagawa mo diyan?..... walang nakatira diyan...... matagal nang inabandona ang bahay na yan..... ang sabi nila kinamatayan na yan ng may-ari at wala ng nag-asikaso.''

Pero kailan lang dito ako nakatira........ Gusto ko mang alamin ang nangyari pero wag na lang tama na yung mga nangyaring yun.

''Naghahanap ka ba ng mauupahan?'' Tanong sa akin ng binata.

''oo, tagarito ka ba?''

''taga maynila ako, napunta lang ako dito kasi may inimbestigahan akong kaso''

''bakit ano bang trabaho mo?'' Inaya nya akong sumakay sa owner type jeep nya.

Medyo malayo daw kasi ang mga bahay dito kaya ihahatid nya ako sa isa sa mga paupahan na mga babae lang ang nakatira. Pumayag na din ako, Bago pa umalis ang sasakyan namin, nakita kong nagwawalis yung matandang babae na kumausap sa akin noon para upahan ung attic.

Gusto ko sana syang babain para makausap pero, nag-iba ang anyo nya.... naging sya yung magandang babaeng nagpapakita sa akin; nakangiti sya sa akin at kumaway pa bago tuluyang naglaho.

''HOY!'' Ginulat ako ng binata. ''Nakatulala ka kasi''

''ano nag ulit ang abi mo?''

''sabi ko private investigator ako, ako nga pala si Norman''

''Arah''

Sana tapos na nga dito.........

Sana ito na ang bagong chapter ng buhay ko.

Sana wala nang multo.

Wala na sana akong makita o maramdaman pa; gusto ko na nang tahimik na buhay.

Ang sarap ng buhay ko ngayon;

Ang sarap matulog sa bago kong bahay;

Wala na akong  mga panaginip........

Sa wakas...............

                                                                                THE END

Author's Note:

Hi and thank you po sa pagbasa ng story ko kung nabitin po kayo dont worry may book 2 pa po ito. Paki hintay nalang po ang book 2. So please just keep on reading.

II COMMENT II VOTE II AND BE A FAN II

THE ATTIC (completed)Where stories live. Discover now