The dream but not a dream

677 26 1
                                    

Nag-isip pa ako bago matulog... Kung makakausap ko kaya siya ngayon? Magpapakita kayaa siya?Dadalahin ba niya ako kung saan? E, kung kausapin ko kaya siya?

At sinubukan ko ngang kausapin siya....

''Sige, ngayon kung sino ka man, hindi ako natatakot, magpakita ka at kausapin mo ako..... sabihin mo sa akin kung anong kailangan mo?.... para lubayan mo na ako..... pwede ba?''

Maya-maya, biglang may narinig akong yabag sa mismong silid ko!

''Ikaw na ba yan?!''

Nagawa ko pa siyang tanungin, kahit na nanginginig ang katawan ko. Naupo ako sa kama at nakasiksik sa pinaka dulo nito binalot ko ng kumot ang buo kong katawan.....

''Nasaan ka?!'' Tanong ko pa ulit.

Biglang nalaglag yung drawer ng side table na para bang hinugot talaga ito. Nagkalat yung mga laman ng drawer sa ibaba. YUng photo album at scrapbook....... parang gusto nyang ipakita sa akin ang mga iyon. Nanginginig man ako, pero dinampot ko yun at muling bumalik sa kama.

Tiningnan ko isa-isa ang mga pages nito. 

Puro picture nung babaeng nagpapakita sa akin. May mga kasama siya, hindi ko alam kung barkada niya ang mga yun.

Pero ang mas umagaw ng pansin ko ay yung scrapbook.

Mga photos ng sampung kaedaran lang niya siguro teenager pa lang sila, at lahat sila mga nakasuot ng mahabang damit na kulay puti. Yung katulad ng nasa panaginip ko sa kakahuyan. Sila -sila yung mga nasa photos.

''Sino 'to?..ano to?''sambit ko.

Bigla akong nawalan ng malay na parang may pumukpok sa ulo ko. Pero hindi ako nasaktan.

Tapos tumayo ako mula sa pinagkakahigaan ko.

Nakita ko yung babaeng nagpapakita sa akin sa panaginip ko. Nakatayo sa may bintana, hinahangin yung buhok nya.

''Sino ka at ano ang kailangan mo sa akin?!'' hindi niya ako sinagot.

''bakit ayaw mong magsalita?........ bakit ba palagi kang nagpapakita?......ano bang kailangan mo!.....''

Ang dami kong tanong pero hindi nya sinasagot. ''yung mga pictures na yun anong ibig sabihin nun?''

Itinuro ko yung album at scrapbook niya na nasa ibabaw pa ng kama.

At pagtingin ko, nakita ko ang sarili kong nakahiga sa kama..... nakasubsob sa tiningnan kong scrapbook.....yung itsura ko nung nawalan ako ngmalay ganun pa rin.....

Nagulat ako........at tiningnan ko siya nang masama, 

''bakit ganun ?... patay na ba ako?.....!..........''

Hindi siya nagsasalita, umiling lang siya at iniaabot sa akin ang kamay niya.

Umatras ako at umiling........

HINDI AYOKO!...........

Napasigaw ako.... pero bigla niya akong hinawakan sa kamay.

At lumiwanag ang buong paligid, sobrang liwanag, nakakasilaw.

At nung nawala na ang liwanag, dumilat ako, at nakita ko siya sa silid na yun............sa attic. Na tila ipinapakita niya sa akin ang naging buhay niya nung siya pa ang nakatira dito.....

Siya si Amie?!

Nag-iimpake siya ng mga gamit. Dinala niya ako sa nakaraan kung saan nabubuhay pa siya..... ipinakita niya sa akin ang mga nangyari sa kanya.

THE ATTIC (completed)Where stories live. Discover now