I Can see them; I can her them; but who are they?

752 27 5
                                    

Kahit na wala akong  masyadong tulog, pumasok ako sa trabaho kasabay si Dianne. At buti pa sya masarap ang naging tulog nya. First day ko sa trabaho ngayon, at ipinakilala ako ni Manang sa mga ka work mates ko. At naging magangda ang pagtanggap sken. Friendly sila at siguradong magugustuhan ko dito.At dahil sa hindi ko sinabi kay Dianne ang posisyon ko dito, akala ko magugulat siya at maiilang, pero hindi pala..... mas naging excited pa siya sa akin.

Hindi naman ganun kahirap i-supervise ang mga trabahador ko, lahat sila masunurin at mababait. Mabibilis pa magtrabaho. Matutuwa sken si boss nito...... ang kuripot kong boss na gusto laging kumita ng malaking pera.

Breaktime; 

Nagpunta muna ako sa banyo upang maghugas ng kamay. Naabutan ko ang isang worker na nananalamin.

''hi'' bati ko sa kanya. Pero hindi man lang ako nilingon nito. Suplada. Tiningnan ko sa salamin ang itsura niya..... bumulaga sa akin yung itsura ng babaeng laging laman ng panaginip ko.

Napaatras ako. At napasandal sa pader.

Nagulat pa ako ng may biglang nagbukas ng pinto.

''Ate, tara meryenda na'' Si Dianne pala.

Paglingon ko sa salamin wala na yung babaeng nakita ko. Siguro namalikmata lang ako.

''sige'' sagot ko kay Dianne.

Habang nagmimeryenda kami, tahimik lang ako at nag-iisip.

''ate, may prob ka ba?''

''wala, iniisip ko lang yung mga panaginip ko''

''gusto puntahan natin yung lolo ko? marunong din sya bumasa ng mga panaginip''

''hindi naman masyadong kinareer ng lolo mo ang lahat noh?, mukhang pinakyaw na niyang lahat ah!''

''di naman masyado..... sige ka, baka balikan ka nun?'' Takutin ba ako? as if naman matatakot ako.

Pero teka, wala naman sigurong masama kung dalawin ko yung lolo niya.

''sige sa sunday pasyal tayo sa kanya.''

''okey.'' para siyang bata kung matuwa.

Matapos ang break bumalik na kami sa work.

Natapos din ang mahaba at nakakapagod na maghapon. At ngayon, uuwi na din kami para makapagpahinga. Pero ugali ko kasi na bago umuwi ako ang magti-check kung ayos nang iwan ang factory, yung wala nang naiwang gamit na nakaopen o nakasaksak pa namga appliances. Mukhang ayos naman, maliban sa isang empleyadong mukhang mag-o-o.t. ng boluntaryo. Nilapitan ko sya upang pauwiin na, wala naman kaming rush kaya di naman need mag o.t.

''ah...... sorry, pero di mo naman kailangan pang magpagabi ng masyado dito, di ka naman dadagdagan ng sahod ng company,e.''

Humarap siya sa akin at bigla niya akong tiningnan ng masama......

''bakit?'' napaatras ako.

UMALIS KA NA DITO..............

Paulit-ulit nyang sabi nang pabulong........

Nakakatakot sya.

Tumindig ang balahibo ko... at napatakbo ako palayo.

Tapos biglang may grupo ng mga nakaputing damit na biglang nagpakita sa akin. Sila yung nakita ko sa panaginip ko na pumatay dun sa babaeng maganda na may mahabang buhok.

THE ATTIC (completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu