Chapter XXXII (Part II)

141 8 3
                                    

"It isn't about diamonds. Fuck the flowers, all she wants is someone to keep her bed warm every night and touch her like its agony not to."
-J. Rose


*


Her hearbeat was fast and loud-- yet, it was calm at the same time. Nakahiga siya sa ibabaw ng dibdib ni Seth habang pinapakinggan ang tahimik nitong paghinga. His breathing was steady, a sign that he has fallen into deep slumber.

She slowly looked up to peek at his face. Ang una niyang nasilayan ay ang panga nitong tila ba ay hinulma upang maging perpekto. Bahagya pa siyang gumalaw para mas matanaw ng maayos ang mukha nito. Mabuti na lamang at nagawa niya naman iyon ng hindi ito nagigising. She planted her left elbow on the mattress, and rested the side of her head on her palms. Pagkatapos ay bumalik siya sa paninitig sa binata. Dumako ang kanyang mga mata sa labi nitong mapupula at kaakit-akit. She bit her lip. Then, her eyes traveled to his nose. And, his eyes.. Nakapikit ang lalaki ngunit kitang kita niya pa rin ang ganda ng mga mata nito. Tama lang ang haba ng kanyang pilik mata pero hindi ordinaryo ang hatid noon. She can almost imagine his expressive and tender eyes. Every girl would easily notice his eyes. Lastly, her eyes found his thick eyebrows.

Napangiti siya doon. Despite all the cold facade-- that the man always show, hindi pa rin nito maitatago ang natural na maamong mukha. His gentleness and real personality was easily shown because of it.

She sighed with contentment. Seth looked very peaceful in his sleep. Mukhang panatag ang loob nito at walang problema. Kung sana ay lagi nalang din itong ganoon kahit na gising, wala na sana siyang hihilingin pa. Seeing him happy and very complacent would surely bring intense joy to her. Sa dami kasi ng stress na natatanggap sa trabaho at ng pinagdaanan nito ng dahil sa kanya, ay iyon lang ang natatanging hangad niya para dito. Kahit pa kapag mangyari iyon ay hindi siya kasa-- Napailing siya. Hindi na muna niya dapat iniisip ang ganoon. Dapat ay sinusulit niya ang pagkakataong ito. Nagulat siya nang biglang kumunot ang noo ng lalaki. Ang akala niya ay magigising na ang huli ngunit naramdaman niya lamang ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. Nakagat niya ang kanyang labi. Napabalik siya sa kaninang posisyon dahil sa ginawa nito pero hindi na siya nagtangkang gumalaw pa. Labis labis ang ligayang kanyang nadarama sa pagyakap dito. Finally, she was again, home.

Gustuhin niya mang huwag nang bumangon at matulog na lamang ay hindi niya magawa. Hindi pa sila kumakain simula nang dumating sila sa lugar, kaya kailangan niyang maghanap o magluto ng makakain. Pinilit niyang bumangon kahit pa may kabigatan ang kanyang katawan. Malamang na napagod siya sa-- She shook her head. Namula siya sa naalala kaya pinilit niyang ituon na lamang ang atensyon sa pagsusuot ng damit.

Seth stirred a bit but when she placed a pillow in her space, he relaxed. Hindi ito nagising kaya malaki ang kanyang pasasalamat. Tahimik ang buong bahay ng siya ay lumabas. She figured that the caretaker and his daughter had already gone home when she didn't see anyone around. Mabilis niya namang nahanap ang kusina kahit pa hindi niya kabisado ang lugar. Naghanap siya ng maaring lutuin doon. The fridge was full of ingredients and supplies. It made her happy. Ginutom tuloy agad siya dahil sa mga nakita.

Simpleng adobong manok lang ang naisipan niyang lutuin. Bukod pa kasi sa nakita niya sa wall clock na mag aalas otso y'medya na pala, ay iyon lang ang kaya niyang ihanda sa ngayon. Hindi niya naman dala ang handy recipe book niya at wala rin namang internet kaya wala na talaga siyang pagpipilian. Napaisip siya ng maalala ang kanyang smartphone. Hindi niya alam kung nasaan na ang kanyang bag kaya hindi niya iyon mahanap. She shrugged. Wala naman sigurong maghahanap sa kanya. Besides, wala naman ding madalas na magtext sa kanya.

Tinikman niya ang kanyang niluluto at napangiti. Pumasa iyon sa kanyang panlasa kaya walang problema. Handa na siyang patayin ang kalan nang maramdaman ang pagpulupot ng kamay sa bewang.

My Nerdy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon