ikalabing pitong kabanata

1K 23 0
                                    

3rd person POV

Samantala,
dumating na mula Mindoro si Ariana, at syempre kasama ang nanang at tatang ni Allyssa.

"sigurado po ba kayo na iwan ko kayo dito?" tanong ni Ariana sa matatanda

" ay oo ga' ikaw ba ay walang tiwala sa amin?" si mang Damian ang tatang ni Allyssa sa tunog batangueno

" ay siya,baba na kami, mauna ka na't sayang ang pamasahe,tumatakbo ang metro ng taxi" si aling Martha naman ang nanang ni Allyssa

" ay siya sige po at ittxt ko na lang po si bestie"Si Ariana

at bumaba na nga ang dalawang matanda

andito na nga ang dalawa sa harap ng malaking gate,hindi nila alam kong paano makapasok,malay ba nilang gumamit ng doorbell,hehe wala kase sa kanila yon,ng mapansin nilang nakaawang ang maliit na gate

"ano ba namang areng mga tao dine,ke tatanga't iniwang bukas ang gate,"sabi ni aling Marta

" ay oo ga,eh kalaking bahay pala nire" segunda ni Mang Damian

"ano gang malaking—anay ang sinasabi mo,paanong magkakaanay dine ei bato yan"si aling Martha

" hay ikaw Martha ay umiral na naman ang pagkabinge mo ang sabi ko ke laking —bahay!"si Damian

" haay,wag mo ga akong sisigawan at hinde ako binge,damuho ka!"

,at itinulak nga nila  ito, walang sabing pumasok si mang Damian ,sumunod si aling Martha na  ang tingin sa gripo sa loob sa malapit sa gate sa may garden

" ay siya hindi ka nga bi-" si mang Damian naputol ang sinasabi ng mapansin ang pananahimik ni aling Martha,lumingon siya

" hindi ka nga binge— tanga lang!ay ano gang ginagawa mo diyan,ikaw ba'y di makapag- antay makapasok sa loob at deyan ka nahiga?"si Damian

"haay damuho ka talaga,!nakitang nadulas ako ei" si Martha

" e bakit ka ga nadulas?"si Damian habang itinatayo ang esposa

"eh,katanga naman ng naglagay riyan ng karatula" sabay turo niya don sa may bandang gripo,nilingon ni Mang Damian ang tinutukoy ni Aling Martha na may nakasulat na

SLIPERRY WHEN WET.

"o, eh ano gang masama sa pinag- iingat?,ibig sabihin niyan ay madulas kapag basa kaya mag ingat" Si Damian

"ay yon ga ang ibig sabihin non?" si aling Martha

"ay ano ga sa pagkaka intindi mo?"si Mang Damian



"—basain ang tsenelas!"

si Aling Martha,ayon kaya pala nadulas ay nagbasa pa talaga siya ng paa,

" hay naku Martha,pasalamat ka't naging maganda ka at namana yan ng anak mo,ang tandaan mo ang katangahan ay iniiwan sa bahay"si Mang Damian

" tumigil ka nga diyan damuho ka!" si Aling Martha

samantala sa loob ng bahay

" ay nanay Carmen sandali lang po pala at hindi ko masyadong nailapat yong gate,tumunog kase yong telepono kaya napatakbo kaagad ako dito,lalabas po muna ako"sabi ni Grace

" o sge na baka mapasukan tayo dito" si Carmen

ng sa kakatok na si Mang Damian

"aray ko ano ba yan,mukha ko po yan hindi pinto!"si Grace  pala

"ay gay- on ba,hindi naman nagkakalayo ang mukha mo sa —pinto,hehe" si Damian

" abat lok-"naputol ang sasabihin ni Grace ng biglang dumating Carmen

"Grace sino yan,?"tanong ni Carmen

" ay hehe,ay em da pader op may belabed doter Allyssa  (i am the father of my beloved daughter ) ang ibig sabihin ni Damian

" ah ganon ho ba,ay sya tuloy po kayo,Grace bigyan mo muna ng maiinom sila" si Carmen na medyo natatawa sa pag ienglish ni mang Damian

sabay inabot na rin ng matanda ang native manok na dala nila

"dats may doter peboret spesyaly tinola,kaya nagdala kami niyan"si Damian

"ganon ba ,ay maige naman at ito ang iluluto ko mamya.

--------------

Arianas POV

kakainis naman to si Bestie kanina pa ako tumatawag ayaw sagutin,,sem break kase namin ngayon,dapat sasama ako sa kanya ng malaman ko na may pictorial si Kevin sa Batangas resort,kaya lang naglalambing si Mudra at miss na raw ako,kaya eto umuwi muna ako sa Mindoro,3 days lang ako kase boring na rin,kaya lang sumama itong mga magulang ni Bestie,hindi ko pa naipaalam sa kanya,ei kase naman ayaw sagutin yong phone,siguro nag ienjoy na sila ni Papa Daniel, ,oo sinabi ko kase sa kanya,ayon at tinawagan ako kahapon na susunod siya ngayon,gusto ko sanang sumunod kaya lang  hanggang bukas na lang sila,tsaka pagod pa ako sa byahe.

ang Model at ang PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon