ikatatlongpu't limang kabanata

1K 32 0
                                    


Allyssa's POV

"Lets go na,ihahatid na kita,mukhang di na darating yong inaantay mo"
Oo nga tama pasado alas dose na rin mukhang hindi na yon darating,buti na lang pala nagkita kami nitong si Bryan,at may nakausap ako medyo mahaba na rin yong napagkwentuhan namin

"Wala naman akong inaantay,actually pauwi na sana ako kaya lang nakita mo ako" kaila ko sa kanya

"Sige artista ka na,pauwi ka na pala bakit umiiyak ka kanina?"

" Naalala ko lang ang tatang at nanang namimiss ko na kase sila"

" Ok kung ayaw mong sabihin sa akin ang dahilan,hayaan mong ihatid na lang kita"

Tumango na lang ako

" Salamat ha" sabi ko pa
Nakarating na rin kami dito sa tapat ng condo

"Salamat para saan?"

" Sa pagsama mo sa akin kanina"

"Wala yon ako dapat magpasalamat sayo kase pinagtyagaan mo yong kakornihan ko,hahah"

" Hahah ikaw talaga,di bale bumenta naman sa akin"

Yon lang at nagpaalam na siya sa akin

KEVIN'S POV

Hindi ko namalayan ang oras,nawala saglit sa isip ko si Allyssa,naiwan ko nga pala siya don,ang sabi ko pa naman babalikan ko siya

Sobrang stress sabi ng doctor kaya nag colapse siya,wala pa ang pamilya ni Trexie next week pa ang balik dito sa bansa ng mga yon bago ang kasal

Huwag ko daw siyang iwan,habang di pa raw siya ok,hanggang sa nakatulog,

Tinawagan ko si Allyssa pero di niya sinasagot yong tawag ,malamang nakasilent na naman yong phone niya

Nagising na rin si Trexie sa wakas

" Kumusta ang baby ko?"
Tanong kaagad niya sa akin

" He's safe,"sagot ko
Tatayo na sana siya pero pinigilan ko

"Anong sabi ng doctor?"tanong niya sa akin

" Sobrang stress,kailangan mong magpahinga,wag ka rin masyadong mag- iisip makakasama sa baby"

" Hindi ko maiwasang hindi mag- alala,paano kung hindi matuloy ang kasal" sabi pa niya

" Sssssh,wag mong isipin yon,matutuloy ang kasal ok"

Yon lang at payapa na ulit siyang nakatulog,maya maya lang dumating na rin yong yaya niya si yaya pasing

"Kayo na po muna ang bahala sa kanya, pag ok na siya hanggang mamya pwede na raw umuwi"

" Ganon ba,siya sige salamat sa pagbabantay mo Kevin"

" Tungkulin ko po yon, sge po aalis na ako"

Umaga na ako nakauwi,maayos naman siguro siyang nakauwi dito kagabi,gusto ko sana siyang icheck sa kwarto kaya lang baka mahampas na naman ako ng kung anong mahawakan non,baka mapagkamalan na naman akong intruder

Tumuloy na lang ako sa kwarto ko,
Pagkaligo ko,pabagsak kong hiniga sa kama ang katawan ko,

Wala pang trenta minutos akong nakakatulog nagring yong phone ko

" Hello,Mang Ramon" ang driver pala ni Tita Ellaine

"( Yes sir Kevin,napuntahan ko na ")

" Ok masasamahan mo ba ako kung sakali?"

("Oo,kailan ba tayo lalakad")

" Isang linggo bago ang kasal namin"

ang Model at ang PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon