Chapter 2: Ellie

8.2K 163 1
                                    

CHAPTER 2: Ellie

"Ha?!" Anong pinagsasabi nitong batang toh?! Nanloloko ba toh? Ako mommy? 

"Mommy?" Mommy? Sino? Ako? Hindi pa ko nanay. Mabait ako sa bata pero ayaw ko nga maging nanay!

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

"Mommy?" Sabi nya ulit. Ano bang meron sa bata na toh? Anong joke toh? Joke ba toh? Kasi kung joke toh hindi ko toh gusto. Magiwan ba naman ng bata dito.

"Saglit, dyan ka lang, wag kang gagalaw dyan" Sabi ko sa kanya tapos tinggal ko yung kamay nya sa pagkakayakap dun sa paa ko tsaka ako nagtungo sa labas, baka naman may nakaiwan lang sa kanya dito. Paglabas ko, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, wala, walang tao kahit isa. Binalikan ko dun yung bata, infairness masunurin, hindi sya umaalis sya pwesto nya, pag sinabing wag gumalaw hindi nga sya gumagalaw.

Kainis naman! Kung sino ka mang nanay o tatay nya kunin nyo na anak nyo. Sayang naman, maputi sya, maganda pa pero bakit basang basa ang damit nya? Saan ba sya galing?

Tinary ko kung may mga nanloloko lang sakin, alam nyo yun? Yung bibigla bigla na lang susulpot at mangugulat tapos sasabihin sayo 'Huli ka!'. Pero wala eh. Nilapitan ko sya ulit dun, tapos umupo ako sa harap nya para makapantay ko sya, ang liit nya kasi.

"Hey, look kid I'm not your mommy" Sabi ko sa kanya, with a smile pa yan, kahit nabubuwisit na ko, pero bigla na lang syang...

"WAAAHHHHHH!!!!" bigla na lang syang umiyak. Bakit? May nasabi ba akong mali? Wala naman diba?

"WAAAHHHHH!!!! Mommy!! Mommy!! WAAAHHHHHH!!!!" Argh!! Nakakabingi naman tong batang toh! pasalamat sya mabait ako!

"WAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!" Iyak na naman nya, tapos bigla na lang tumakbo sa bahay ko! Saan yun pupunta?!

"Hoy! Bata! Saan ka pupunta!" Nakakabwisit na talaga!!

Tumayo na ako para habulin sya. San na nagpunta yun? Nakakapagod na! Gusto ko pang matulog! Bwisit na bwisit na ko! Kanina pa ko bwisit!

Hindi naman yun mawawala sa bahay ko ang liit lang naman ng bahay ko eh hanggang 2nd floor lang naman pero maraming rooms!

Asan na ba yung batang yun?! Nagiiba tuloy ang personality ko pag nabwibwisit eh! Sa kakahanap at kakagala ko sa bahay may narinig akong humihukbi sa may library ko.

At ayun! Andun nga sa sa isang sulok naiyak! Nakita nya siguro ako kaya umiyak na naman sya. Nakakatakot ba ako? Sa ganda kong toh maatakot sya? Galit lang ako pero hindi ako nakakatakot, ang ganda ko kaya!

"UUWWAAAAAHHHHHH!!!! Mommy ayaw shakin!! Ayaw nya shakin!!!" Nakakarindi na!!!

"OO NA!!! TUMIGIL KA NA!!! AKO NA MOMMY MO!!!" Anong sinabi ko?!?!

"WAAHHHH!! Mommy shinishigawan ako!!!" Sobra na ata Julie. Pati bata pinapatulan mo nasigawan mo pa! GRRR!!!! nilapitan ko sya, bale nakaluhod na naman ako sa harap nya.

"Huy, tahan ka na baby?" Sabi ko nang may pinakamalambing na boses at matamis na ngiti kahit badtrip pa ako. Tagalog na tagalog ako ngayun!

Missing: Daddy?!Where stories live. Discover now