Chapter 19: Is It Love?

2.7K 65 9
                                    

Chapter 19: Is It Love?

Julie's POV

Bakit kaya nagkakaganito ang buhay ko? Gulong-gulo na ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Ang daming nangyayari, hindi ko alam kung anong uunahin ko. I can't just take it anymore. It's just too much. Isama mo pa si Elmo. Everytime I'm with him everything just change. I feel something strange when he's around, kakaiba ang tibok ng puso ko, mas bumibilis. And I dont get it. Hindi ko malaman kung bakit ganoon ako sa kanya.

"Malapit ang finals natin, puyatan na naman tayo."

Yung mga red letters/enevelopes na ibinibigay sakin. Na may pictures namin ni Elmo na magkasama. Hindi ko alam kung kanino sya galing, kung dun din ba kay Anonymous or may iba pa? Pero papano nya kami nakukuhanan? Nung una, yung kissing scene namin ni Elmo sa mall. Tapos yung pagkakahawak ko kay Elmo na nagmukhang magkaholding house kami sa loob ng haunted house. Papaano nya nagawa yun?

"Hangang ano bang page yung binigay na pagaaralan satin ni Sir?"

Tapos si Anonymous! Ano bang nagawa ko sa kanya? Sigurado ako may galit sya sakin, pero ano? Hindi ko nga sya kilala eh. Hindi naman ako nagkakakaaway ng basta -basta eh, mabait ako sa mabait sakin. Hindi ko naman tanda na may inaaway ako ng sobra para magalit sya ng ganun sakin? Naiinis na ako! Bakit kailangan nya gawin toh? Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi. Kung baka niloloko at pinagtitripan lang ba nya ako o hindi. Magulo!

"Julie? Nakikinig ka ba? Hah?"

And my dreams. Nananaginip ako sa mga taong hindi ko kilala. Lagi na lang tungkol kay 'Destiny'. Tao ba si Destiny? Sino ba sya? Bakit ko sya napapaginipan? Nalilito ako. Ang dami kong problema. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling at kung anong pakay nila sakin.

"JULIE ANNE SAN JOSE!"

"Oh? Bakit, Maq? Anong nangyari?"

"Anong 'anong nangyari'? Bakit ka tulala dyan hah? Iniisip mo si Elmo noh? Yiee!"

"Wag ka nga. Maq. Hindi ko sya inisiip." 

"Weh? Eh ano bang nasa isip mo? Si Alden?"

"Hindi ah! Bakit ko naman iisipin yung lalaking yun, hah?!" Mas okay nang isipin ko na lang si Elmo kesa naman dun sa lalaking yun. Atleast si Elmo nakikita kong nag-e-effort talaga. Kung manligaw kasi si Elmo may mga love letters, may breakfast in bed pa ako, may flowers everyday, may tiga-hatid sundo everyday, may smiles every day. Every day is full of Elmo!

"Malay ko. Kaya nga tinatanong kita."

"Wala akong iniisip."

"Pwede ba yun?! Walang tao ang walang iniisip sa araw-araw, pero wag lang masyado kasi nakakasama yun."

"Wala nga."

"Wala talaga? May problema ka eh. Halata sa itsura mo eh. Come on, Juls, tell me."

She knows me to well. Wala akong maitago sa kanya eh, best friend ko nga sya.

"May problema nga ako. Nalilito ako, Maq." Sabi ko tapos ibinaba ko muna ang libro ko na hindi ko binabasa sa kaharap kong table.

"Saan? Kay Elmo?" Bakit ba sya puro Elmo?! Hindi naman si Elmo ang pinakaproblema ko! Si Elmo na nga araw-araw ang nakikita ko, tapos ngayon bukang bibig pa nya? Oh, Elmo. Ikaw na!

"Hindi. Maq, nananaginip kasi ako sa mga tao na hindi ko kilala." Sabi ko.

"Tungkol kanino? Kailan pa?" Seryoso nyang sabi.

Missing: Daddy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon