Chapter 3: Kakulitan ni Ellie

7.6K 124 3
                                    

Chapter 3: Kakulitan ni Ellie

Julie's POV

"MOMMY?!"

"May anak ka na?!" Sabay sabay ulit nilang sabi.

"Wala ah!" Sabi ko, tapos umupo na ako, katapat ko na silang apat si Ellie pinaupo ko dun sa isang chair.

"Wala daw?! Eh kaano-ano mo sya? bakit ka nya tinawag na mommy?" Tanong ni Barbie.

"Bakit mo sya kasama?" Sabi naman ni Maqui.

"Ewan ko sa kanya. Bigla na lang sumulpot kanina sa bahay ko tapos tinawag akong mommy." Pag-e-explain ko sa kanila.

"Saan ba sya galing?" Tanong ni Bea. Kakasabi ko lang Bea.

"Bigla na nga lang sumulpot sa bahay ko eh." Sabi ko, tumango tango naman si Bea, hay nakoo..

"Hi! What's your name sweetie?" Tanong ni Joyce kay Ellie, todo ngiti pa yan si Joyce mahilig yan sa bata eh, kulang na lang umampon yan ng baby ng may mapaglibangan, yung boyfriend nya kasi nagbabakasyon pa, kaya nabobored sya.

"Ellie po, Elliyah Janine!" Masayang sabi ni Ellie, nasa hyper mode pa sya eh.

"Wow! Cute name!" Sabi ni Joyce.

"Thanks po!" Sabi ni Ellie. Kanina pa sya hindi mapakali sa upuan nya eh.

"Paano yan Julie, kasama natin sya paggawa ng project?" Tanong ni Maqui.

"Wala na akong mapagiiwanan sa kanya eh." Sabi ko naman.

"Basta ikaw ang magaalaga sa kanya" Sabi ni Maqui. Lagi naman ako eh, ako na lang ng ako.

"Lagi naman ako" Sabi ko, abusado na ako sa kanila.

"Malamang ikaw, ikaw nagdala sa kanya dito. Teka lang, bakit nga ba sya napunta sayo? at bakit ka nya tinawag na mommy? Imposible namang magka-anak ka, wala ka pa ngang boyfriend nung 15 ka eh" sabi ni Barbie. Sila sina Frencheska Farr a.k.a Maqui, Yasmin "Yassi" Pressman, Beanca "Bea" Binene, Barbara "Barbie" Forteza, at Joyce Ching. Matagal ko na kasi silang kaklase at bestfriend, since college.

"Ayun nga eh. Dinala ko sya dito hindi lang dahil wala akong mapagiiwanan sa kanya kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya."

"Mommy shino po sila?" Tanong ni Ellie, talagang mommy ang tawag sakin.

"Hi Ellie! I'm Joyce"

"Ako si Barbie"

"I'm Bea"

"Frencheska, call me Maqui"

"Yassi!" Pagpapakilala nila kay Ellie

Missing: Daddy?!Where stories live. Discover now