Chapter 18: Asking (Part 2)

2.8K 62 6
                                    

Chapter 18: Asking (Part 2)

Elmo's POV 

"Magtatanong ba kami kung alam namin?"  Mataray na sagot ni Julie. May pagasa pa kaya ako nito?

"Wahh! Baba na po tayo!" Excited na tanong ni Ellie.

"Tara na. Halata namang excited na si Ellie eh. Tsaka may naghihintay satin." Sabi ko tapos tinext ko na si Maqui na nandito na kami. Bumaba na ako ganun na din sina Ellie at Julie.

"Kasama? Sino? May kasama ka naman pala kayo isinama pa ko sa EK?" Tanong ni Julie habang nakasunod maglakad sakin.

"Ellie requested it." Palusot ko. Hindi lang naman ako ang gusto isama si Julie dito pati na din si Ellie. I think this will also be a good way for us bond. Para maging close kami. "Tsaka wag ka kumontra, maganda dito. Hindi ka mabobored or ma-o-OP samin ni Ellie kasi..."

"Julieee!!" Sigaw ni Maqui sa may entrance ng EK. Kaya pala hindi nagrereply eh.

"Maq? Jake? Bea? Kris? Joyce? Derrick? Yassi?" Gulat na tanong ni Julie. Inunahan ako ni Maqui magsalita eh.

"Hey guys!" Bati nila pagkalapit namin.

"Ang tagal nyo eh. Kanina pa namin gusto pumasok sa loob" Sabi ni Derrick.

"Kanina pa ba kayo?" Tanong ko.

"Hindi naman, mga 30 minutes lang kami nakatayo sa labas ng EK sa tagal nyo." Pagrereklamo ni Jake.

"Napakamareklamo nyo, pasalamat kayo isinama ko kayo dito."

"Isinama mo sila? Sabi na eh, may pinaplano ka kaya kanina ka pa nakangiti at lutang." Sabi ni Julie habang nakatingin ng masama sakin. Ano na naman ba ang ginawa ko?

"Hindi ah! Gusto lang talaga kami isama ni Elmo para maging close din kami sa kanya at para hindi ka mabored." Buti na lang binigyan ako ng palusot ni Joyce. Buti na lang mabilis sya sumagot.

"Nga pala, hindi makakasama si Barbie at Sef. May importanteng pinuntahan si Barbie at may importante naming ginagawa daw si Sef. Next time na lang daw sila sasama." Sabi ni Kris. Okay lang yun atleast nakapunta pa rin sila.

"And by the way Elmo, ikaw ang magbabayad ng entrance fee diba?" Sabi ni Bea. Kawawa talaga ang bulsa, wallet at credit cards ko nito. Ito kasi ang pinagusapan namin kagabi eh. Ako ang bahala sa lahat ng bayarin dito at sila susundin lang nila ang plano ko. Ito lang ang naisipan ko eh.

"Yeah.." Matamlay kong sagot. Lagot  talaga ako nito. Ang rami kong gagastusin ngayon, pero dahil mahal ko si Julie kahit na magkano yan bibilhin ko! Corny diba? Eh sa yun ang nararamdaman at naiisip ko wag mo ko pakialaman. Mind your own business. Joke lang yun syempre.

"How long ish thish going to take? Hindi po ba pwede pumashok sha loob? Doon na lang po magushap?" singit ni Ellie. Naiinip na si bulilit.

"Oo nga naman. May point si Ellie, bakit ba ayaw nyo pumasok sa loob eh si Elmo naman ang magbabayad?" Sabi ni Maqui. Sa larangan ng panglilibre napapayag ko sila.

"Leggo!" Sabi nila tapos pumasok na sa loob kasama na dun si Ellie. Wala na namang nagawa si Julie kaya sumunod na lang sya sa loob, ganun din ako. This is it!

 

Julie's POV

Ang saya pala dito noh? Nakakapagod din na sumakay at maglaro buong araw sa EK. Ngayon pa lang ako nakapunta dito. Ang daming sasakyan, parang hindi nauubusan ng rides eh, may mga hindi pa nga ako nasasakyang rides eh.. So far, ang pinaka nagustuhan kong ride yung Space Shuttle Max! para akong natanggalan ng kaluluwa habang nakasakay dun.

Missing: Daddy?!Where stories live. Discover now