WIDAY 1- Real or Dream?

3.4K 54 3
                                    

LEM’S POV

“Anak ka ng tupa Lem! Tawag ako ng tawag sayo kagabi dahil sabi mo tatawag ka! Tapos di naman!” shit! Oo nga pala! Tumawag kagabi si Kuya sa akin kaso nakatulog na ko..

Pero iba kasi e.. Di naman ako ganun, ibig kong sabihin, after ng gawain ko sa isang araw, di naman ako agad agad na nakakatulog, pero kagabi…

“HOY! Ano ba?!” ayan na naman si kuya

“OO! Narinig kita! Sorry kuya. Pagod lang ako galing sa gig kagabi.” Sabi ko na lang

“Kahit kelan ka talaga.. Di bale, may trabaho ka ba ngayon sa coffee shop??” tanong ni Kuya

“Wala, day off ko. Bakit?” tanong ko naman

“Good. Pumunta ka pa din sa coffee shop, dadaanan kita dun. May pupuntahan tayo.” Sabi ni kuya

“San na naman??” tanong ko

“Basta. Cge na. Bye. Nga pala. 1PM a. SHARP!” sabi nya tas binaba..

NAKO NAMAN! Gusto ko pa naman magpahinga.. Feeling ko kasi pagod na pagod ako dahil dun sa panaginip ko…

Pero… sino ba ung babaeng nasa panaginip ko??! Ni hindi ko nga sya nakikita sa tanan ng buhay ko e..

Wait.. Ano to?? Bat may pantal ako sa leeg ko… Wait nga…

WHAT THE FUCK?!?!

TO—TOTOO UNG KAGABI?!?!?!

May naiwan na ebidensya! May kiss mark ako!!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Huy. Ok ka lang?? Tulala a.” sabi ni Eman, katrabaho ko, nandito na ko sa shop kasi susunduin ako ng kuya ko.

“Oo. Ok lang ako.” Sabi ko naman

“Heyhey…. Ano yan?! NAKO! Kaya pala tulala!” sabi ni Eman tas tinuro ung leeg ko. Napatakip tuloy ako agad…

“Pucha! Kagat ng langgam yan!” sabi ko

“Wow!! Ang galing gumawa ng kiss mark ng langgam a.. HAHA!” sabi nya

When I Dream About You (SHORT STORY)Where stories live. Discover now