WIDAY 13- FINALE

2.6K 86 19
                                    

GENERAL POV

After one week...

“Pare, ok ka lang?” tanong ni Bryle kay Lem at tumango naman si Lem

“HEY! HEY! SI BORA?!” salubong na tanong ni JR at sinamaan sya ng tingin nila Bryle, Pat at Grace

“A.. Ibig kong sabihin Si Dora.. Napanuod ko kasi ung latest episode ni Dora.” Palusot ni JR

“Ang bobo mo talaga.” Bulong ni Grace kay JR

“Pat! Pare girlfriend mo o!” sabi ni JR

“Gago. Totoo naman kasi.” Sabi ni Pat

Habang si Lem.. tahimik lang at nakaupo at naghihintay ng turn nila para tumugtog.

“A. Dude dun na muna kami. Mukhang kailangan mong mag-isa e.” Sabi ni Bryle at tumango lang si Lem

Bakit sya ganito?? E malamang, wala pa din si Bora, one week na ang nakakalipas pero di na bumalik si Bora.

Babalik pa ba sya??

Aba malay ko. Di ko nga din alam kung asan un e.-_________-

Pero anyway, eto nga si Lem, nag-eemo. Walang magawa kundi manahimik at magmukmok dahil di nya alam kung san hahanapin si Bora, isa pa, sinubukan nyang hanapin pero wala talaga. Napagod na ding maghanap si Lem kaya yan na lang ang ginagawa nya ngayon.

Wala ng nangyayari kay Lem, di na sya nahihilo o nagsusuka. Siguro nga may kinalaman dito ung biglang pagkawala ni Bora.. Pero.. ano un?? Patay na si Bora?

“Lem, tugtog na daw kayo.” Sabi ni Grace kay Lem kaya tumayo na sya..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Sigurado ka ba sa ginagawa mo??” tanong ni Hyorin kay Bora. Oo guys, buhay si Bora. Pero asan??

“Oo Hyorin. Kailangan kong tuparin ung usapan namin ni papa.” Sabi ni Bora

“Alam mo di ko alam, pero lahat kaya mong gawin para kay Lem, kahit pa yang labag sa puso mo.” Sabi ni Hyorin

“Hyorin, sa mundo natin, hindi natin iniisip ang tao. Pero simula nung nakilala ko si Lem, dun ako natutong magsakripisyo. Mas pinili ko to kesa naman isa sa amin ang mamatay.” Sabi ni Bora

“Pero halos ikamatay mo din un. Sobrang hina ng katawan mo after mong makipagsex sa kanya nung gabing un.” Sabi ni Hyorin

“Pero nabuhay naman ako.” Sabi ni Bora

Kasi guys, naalala nyo?? Ung may pinakain si Bora, luto nya un pero may hinalo sya na binigay ng magulang nya sa kanya, after daw makain ni Lem un e kailangan may mangyari sa kanila para mabalik lahat ng nakuha ni Bora na lakas kay Lem, at ang kapalit nun, manghihina ng sobra si Bora pero since magiging succubus na ulit sya, makipagtalik lang sya sa panaginip ng lalaki e lalakas na ulit sya.. Kaso hindi sya nakipagtalik. Walang nagawa ang magulang nya kundi bigyan ng lunas un ng di nakikipagtalik.

When I Dream About You (SHORT STORY)Where stories live. Discover now