WIDAY 2- Border

2.8K 44 0
                                    

LEM’S POV

“HUY!” sabi ni kuya sabay batok sa akin.. Pero di ko mapansin ung batok ni kuya.

Yu—YUNG BABAE SA PANAGINIP KO! ANDITO SYA!

“Ku—kuya.. Yu—yung babae dun…” sabi ko tas tinuro ko pero kay kuya na ko nakatingin

“ASAN?!” asar na sabi ni Kuya, so tinuro ko ulit at nilingon ko pa

“Ay—“ naputol ung sasabihin ko nung di ko na sya nakita.

“Umamin ka.. Pumasa ka naman sa drug test kanina, e bat ang lakas pa din nyang tama mo?? Anong drugs yan?!” sabi ni kuya. GAGO!-_________-

“KUYA! Hindi ako nagd’drugs! May babae ta—“ sabi ko

“He! Tumayo ka na nga jan! Baka ok na ung lisensya mo.” Sabi nya tas umalis na si kuya kaya sumunod na lang ako..

Pakers! Minumulto na ba ko?! Anak ng!>________<

10:00PM

Naglalakad na ko papuntang park para sa gig namin ng banda ko. Ganito lang naman kasimple ung ginagawa ko.

Pero iniisip ko pa din ung babae. Sino ba sya?? Bat parang biglaan lahat ng nangyari?? Hindi ko sya kilala tas nasa panaginip ko sya, tas kanina nakita ko sya. Anong ibig sabihin nun? DESTINY?! Pero di e! As in sa panaginip ko lang sya nakita! Pero wait!

Panaginip lang ba talaga un?! AISH!!!

“Huy! Ok ka lang??” sabi ni Grace. Jowa ng isa sa mga kabanda ko

“A-ha? Oo. Teka, asan na sila JR?” tanong ko

“Anjan na si JR, tas si Bryle anjan na din.” Sabi Grace

Acoustic band kami, apat kami, pero pwede din kami sa mga rock, alternative rock. Pero dahil nasa park kami, acoustic ang tirada namin. Dahil malamang sa malamang, kulong kami pag rock ang tinugtog namin dito. Public disturbance ang dating nun.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagtugtog at ako, nakatingin lang sa may poste sa may path walk ng park ng may napansin ako… Familiar sya.

Sya! Sya na naman! Ano ba?! Konsensya ko ba sya?! Bat kung asan ako andun din sya?! NATATAKOT NA KO! Di na to nakakatuwa!>______<

“Pssst! Brad!”

“Huy! Mali chord mo!” ay shet!

“ha??! A. Oo.” Sabi ko na lang tas nagswitch na ko ng chord..

Pucha.. Nawawala na ko sa katinuan ng dahil sa babaeng un. Tinignan ko sya ulit pero wala na sya dun.

“Ok ka lang ba? Bat nagkamali ka?” tanong ni Bryle

“ok lang. Napagod lang ako kasi si kuya nagpasama kanina.” Sabi ko na lang.

Natapos ung gig ng banda at di ko na nakita ulit ung babae. Bat kung asan ako andun sya? Ano bang habol nya? Napanaginipan nya din ba ko??

E baka naman matagal na syang nanunuod dun sa park di ko lang napapansin??

Pero ano un?? Andun lang sya lagi sa poste kaya di ko napapansin???

“Hi Miss.. O teka. Wag kang matakot, wala kaming gagawing masama.”

“Nag-iisa ka a. Gusto mo bang samahan ka na namin? O mas maganda, sumama ka na lang sa amin. Maganda ka pa naman. Delikado na sa daan.”

“Miss, pansinin mo naman kami. Di naman kami masama e.”

Narinig ko ung mga nagsasalita na un at nung nilingon ko, dalawang lalaki at may kinukulit silang babae. Ung babae naman, todo iwas pero hinaharangan kasi sya ng dalawa kaya di sya makadaan.

When I Dream About You (SHORT STORY)Where stories live. Discover now