WIDAY 12- Cure

1.9K 40 1
                                    

GENERAL POV

Hindi pa din gising si Lem at si Bora naman nakatulog na sa tabi ni Lem kakahintay na magising to..

Pero teka, talaga bang dahil kay Bora kaya nagkakaganito si Lem?? Talaga bang si Bora din ang papatay kay Lem??

Maya maya nga ay biglang gumalaw si Lem na ikinagising naman ni Bora..

"Lem???" agad na sabi ni Bora nung pamulat na si Lem

"Bora?? anong nangyari??" tanong ni Lem

"hinimatay ka." sabi ni Bora

"Na naman??" tanong ni Lem sabay dahan dahang bumangon

"Bakit? Kelan ka pa ba nakaranas ng ganito?" tanong ni Bora

"Nung araw na nalaman ko lahat, kaya maaga akong umuwi nun dahil hinimatay din ako. Mukhang kailangan ko ng magpacheck up dahil sa dalas ng pagkahilo ko." sabi ni Lem

"Le--lem.." sabi ni Bora na ikinatingin ni Lem

"Bakit??" tanong ni Lem

"Paano kung dahil sa akin kaya ka nagkakaganyan??" tanong ni Bora

"Anong ibig mong sabihin??" tanong ni Lem

"Lem alam mo naman na di 100% e tao ako, na may natitira pa din sa akin. At nasabi ni Hyorin sa akin na lahat ng ginagawa natin e may kapalit." sabi ni Bora

"Di ko maintindihan." sabi ni Lem

"Lem.. Sa tuwing magsesex tayo, lumalakas ako kapag nauubos ung energy ko. halimbawa, naglinis ako, naglaba ako, tuwing may nababawas sa akin o nagkakasakit ako, once na nagsex tayo, doble naman ung lakas na bumabalik sa akin. Pero doble din ang lakas na nakukuha ko galing sayo, so kesa ako ang manghina, ikaw ang nagsusuffer." sabi ni Bora

"Ibig mong sabihin? Nung araw na biglang nawala ung lagnat mo, e dahil sa may nangyari sa atin?? Pero bat sa tagal nating ginagawa ung bagay na un e parang walang lakas na nangyayari sayo, parang normal ka pa din naman." sabi ni Lem

"Oo Lem, dahil nga dun. Di ko din alam, pero sa tuwing matatapos tayo, feeling ko ang lakas ko, pero di ko alam na may ikaw ang manghihina. Lem natatakot ako.." sabi ni Bora na paiyak na

"Bakit?? Ano ka ba Bora, wag kang mag-isip ng ganyan. Malakas ako. Pagkain lang ang katapat nito." sabi ni Lem

"Hindi Lem, paano kung dahil pa din sa akin e mamatay ka?? Natatakot akong, ako ang papatay sayo." sabi ni Bora na tuluyan ng umiyak

"Ssshhh. tama na, hindi ako mamamatay at walang mamamatay. wag kang mag-isip pa ng ganyan, basta ang gagawin natin ngayon, di na muna tayo gagawa ng milagro hanggat di mo kakailanganin." sabi ni Lem

"hindi Lem. Kahit pa magkasakit ako, wag na nating gawin un. hangga't di pa nawawala ung 20% ng pagiging succubus ko wag na muna, ayaw kong ikaw ang maging kapalit nun. Susubukan ko na lang kausapin si Hyorin ulit sa susunod na pumunta sya dito para matanong ko ang dapat na gawin para mabawi mo ung lakas na nakuha ko sayo." sabi ni bora at niyakap na lang sya ni Lem..

BORA'S POV

Praning ba ko??

E kasi guys, di ko kakayanin pagnawala si Lem ng dahil sa akin. Akala ko naman once na maging tao na ko safe na si Lem, e mas lalo ko lang pala syang nilagay sa alanganin.

Pano kung iwan ko na lang si Lem?? Pero kasi.. Ugh. Di pwede. DI KO KAYA!>_______<

Asan na ba si Hyorin?? Kailangan ko na talagang makausap un e.

“PSST!! TE! Andito na ko.” Bigla ko namang narinig si Hyorin.

“SALAMAT DUMATING KA DIN! Umupo ka nga!” sabi ko sabay hila kay Hyorin

When I Dream About You (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon