Chapter 23: Aggressive

321 19 3
                                    

Author's Note

Yung bagong book cover nga pala ng Girly Luhan yun po yung kamukha ni Luhan si Bebey Chyapha, search niyo nalang siya :)

"Bes!! Ano nang gagawin natin?? Di tayo babalik sa university hanggat' hindi tayo humihingi ng tawad sa lahat ng tao!!" Napa-buntong hininga si Baekhyun at malapit nang umiyak, at dahil maging tambayan na nga namin ni Baekhyun ang Kamong Coffee Shop ay dito kami nagbre-brainstorm.

"Hayaan mo parating narin mamaya sina Sehun at Chanyeol para tulungan tayo." Sagot ko sakanya para naman mas gumaan ang loob niya.

Napa-angat ang tingin sakin ni Baekhyun, "Kamusta na kaya si Kyungsoo?" Oo nga noh? Isang linggo narin ang nakakalipas simula nung araw na yun, hindi pa namin siya nakikita dito sa cafe.

"Pagsabihan mo rin kasi si Chanyeol, masyado rin kasing seloso eh."

"Dati nang selosa yun lalo na yung kay Taeyeon dati. Di ko kasi na-explain ng klaro kay Chanyeol yung tungkol kay Kyungsoo."

Di na ko sumagot at napatingin nalang sa bintana. "Kung magbigay nalang kaya tayo ng fliers tapos posters?" Ibinalik niya ang topic tungkol sa gagawin namin.

"Sira, para tayong nangangampanya. Tsaka di sapat yun." Nanatili akong nakatulala sa bintana.

"Kanta? Sayaw? Keri ko yan ano pa ba?"

Napabuntong-hininga ako, "Basta ang una kai-" Naagaw ng atensyon ko ang lalaking naglalakad palapit sa Kamong

"Basta una ano?"

"Kai!"

"Anong kai ka jan??" Agad kong hinanap ang payong ni Jongin sa bag ko.

"Kai Jongin!!" Tumakbo agad ako sa labas ng Kamong at sakto na papunta dito ang direksyon niya.
"JONGIN!!"

Ang nakatingin sa baba at nakasabit ang backpack sa isang balikat na si Kim Jongin ay napa-angat ng tingin nang tawagin ko siya.

Napa-tigil ang pag-lakad niya at nanatili sa puwesto, halatang gulat. Kaya ako na mismo ang lumapit sakanya.

Inabot ko sakanya ang payong, "Salamat." Ngiti ko.

Napatingin siya sa payong pero hindi niya agad ito kinuha. "Bakit mo pa ibabalik to sakin?"

"Diba sabi mo ibalik ko to sayo kapag nagkita tayo ulit?" Tinignan niya muna ang payong bago ito kinuha at ngumiti pabalik sakin.

"San ka nga pala pupunta?" Tanong ko. Tinuro niya ang Kamong Coffee Shop. "Bibisitahin ko kasi ate ko eh."

Wat..

Wat..?

Wat??

"Ahh nanjan ba si ate Tiffany? Di ko nakita eh." Di ko rin siya nakita simula nung recognition namin dati nila Jongin, pati nung nandon ako sa bahay nila.

"Oo, siya may ari ng Coffee Shop na yan eh." Tinuro niya ulit yung Kamong.

"Ahh kaya pala, kung ganon edi sabay nalang tayo pumasok."

Tumango siya at sabay kaming naglakad papunta sa Kamong.

Pero natigilan ang mga paa namin nang may nakaharang sa daan namin.





*pak*





"GAGO KA!!"

Bago pa ko kumurap ay nasa lapag na si Jongin.

"Sehun!! Anong ginawa mo??" Agad akong lumuhod at tinulungang tumayo si Jongin.

"Kulang pa yan dahil sa ginawa niya sayo!" At bago pa ako makaharang ay nasuntok na niya ulit si Jongin.

Tumulo ang mga luha ko kasabay ng pag-awat ko sakanila "Tama na!!"

Agad kong yinakap si Sehun para tumigil na siya habang si Chanyeol ay agad tumakbo para hawakan ang mga kamao ni Sehun. "Tama na.."

Rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ni Sehun, dahil ba sa galit?

Dumating naman sina Ate Tiffany, Kyungsoo at Baekhyun para alalayan si Jongin tumayo.

"Anong nangyayari dito??" Sigaw ni Ate Tiffany.

"Ate Tiffany pasensya n-" natigilan ako ng tanggalin ni Sehun ang yakap ko sakanya.

"Diba siya dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng to??"

Napahikbi ako, hindi niya pa alam na nagkaayos na kami ni Jongin.

"At bakit kasama mo siya?? Diba dapat galit ka sakanya? Diba dapat gumaganti ka sakanya?"

"Matagal na kami nagkaayos!! Kaya pwede ba tigilan mo na si Jongin??" Itinulak ko palayo si Sehun. Kasabay non ay ang pagpatak ng luha niya.

Nanatili siyang tahimik.

Kahit ako ay nagulat din ako sa ginawa ko.

Linakad na nila si Jongin sa loob ng Kamong. Kami nalang dalawa ang natira sa labas.

Walang umiimik, nakatulala.

Walang gumagalaw, nakatayo lang.

"Kailan pa?" Napa-angat ang tingin ko nang tanungin niya ako.

"Ang alin?"

"Kailan pa kayo nagka-ayos?" Nakatulala parin siya at hindi nakatingin saakin. Sa tingin ko kailangan ko na sabihin sakanya para wala na akong tinatago, "Nung araw na bumabagyo..Coincidence lang na nagkita kami ni Jongin, tapos siya narin naghatid saakin papuntang Mcdo." Parang gusto na kumawala ng puso ko sa rib cage ko sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok. Pero nanatili akong nakayuko.

"Dinala ako nung babaeng tumulong sakin sa bahay nila since wala naman akong masakyan non at bumabagyo pa. Di ko naman inexpect na.." Pagka-angat ko ng ulo ko ay nanlalaki na ang mata niya at ang mga kamao niya ay nabubuo na. "nandon din siya sa bahay na yon."

"B-bakit di mo sinabi sakin to?" Nagsalubong ang mga kilay niya na tumingin sakin.

"Ayoko mag-alala ka at mag-away kayo ni Jongin." Bago pa siya magsalita ay dinire-deretso ko na ang mga sinabi ko. "Sehun naman, di mo ba naiintindihan? Okay na kami ni Jongin. Alam ko mahirap intindihin at magpatawad, pero bakit ako? Ako yung sinaktan niya pero napatawad ko na siya. Pano naman ikaw Sehun na hindi naman nasaktan? Ikaw pa ba yung hindi magpapatawad?"

"Mukha bang hindi ako nasaktan, Luhan?!" Nagulat ako nung bigla niyang sinipa and coke can na nasa gilid niya. "Luhan, nasaktan din ako! Hindi pa ba sapat na ebidensya ang galit ko para maniwala ka? Hindi naman ako magagalit kung walang mali eh. Kung hindi ako nasasaktan."

Bakit pakiramdam ko magtatapos na ang lahat?

Bakit pakiramdam ko bibitaw na siya sakin?

"Give me time para mapatawad ko yung katarantaduhan na ginawa niyo.."

Tumalikod siya sakin at naglakad palayo. Tumigil siya saglit at lumingon saakin.

"Ewan ko lang kung kailan darating ang oras na yon."

At naglakad ulit siya, palayo saakin. Iniwan akong wasak, iniwan akong luhaan.

Girly Luhan (Hunhan fanfic) (Luhan fanfic)Where stories live. Discover now