Chapter 4: The meeting

789 38 12
                                    

Pumasok ang mga dyosa sa loob ng hallway, bigla namang nagsi-usugan at tumabi sa gilid ang mga tao, lahat sila nakatingin sakanilang dalawa. Na pati mga lalakeng may girlfriends naglalaway sakanila. Sa kanilang pagrampa ay nakapunta sila sa tapat ng canteen.

Meron napansin si luhan na isang lalake na matangkad, slim at maayos ang buhok.

"Uy Sehun!!" Tawag ni baekhyun. Nung narinig niya ang pangalan na yon biglang lumakas ang tibok ng puso ni Luhan na parang lalabas na ng rib cage ang kanyang puso. Hindi siya makagalaw sa pwesto niya at feeling niya ay malalaglag na siya.

Sehun faced them with a smile. "Oh! Baekhyun! Ang ganda mo ngayon ah?" Tumawa ng kaunti si Baek na parang kinikilig, tinignan naman siya ni Luhan.

Tangina Baekhyun sakin yan, wag kang lumande. Isip ni Luhan habang naka-tingin kay Baekla. Nakuha naman ni Baekhyun ang sign kaya tumigil siya. "Ahm, Sehun this is Luhan" turo niya kay Lulu.

Tinignan niya si Luhan mula taas hanggang baba. Kahit naka-heels na si Luhan ay mas matangkad parin si Sehun.

"Nice to meet you, Luhan." Inabot ni sehun ang kamay niya para makipagkamay. Ngunit hindi nakagalaw si Luhan sa pwesto niya.

Ngayon ko lang siya nakita at nakausap ng ganito kalapit. Isip niya

Tinapik siya ni Baekhyun kaya natauhan si Luhan, tinanggap niya ang kamay ni Sehun at nakipagkamay. Sa ngayon ay pulang pula na si Luhan.

Ang lambot ng kamay niya, Isip ni Sehun.

"So, gusto mo sumabay ka na sami-" iaalok niya sana si Sehun na sumabay na sakanila ngunit may pinuntahan si Sehun sa likod niya.

Nagulat naman si Luhan at tinignan kung ano nangyayare sa likod. Nadatnan niya si Sehun na tinutulungan yung babae na dalhin mga libro niya, nginitian nung babae si Sehun at nagpatuloy silang lumakad.

Maganda yung babae, mukhang mahinhin, mahilig sa libro at girly.

"Bes, sino yun?" Tanong niya. "Yan si Yoona." Sagot ni Baekla.

"Siya ang pinaka-matalino at pinakamabait dito sa campus, at isa pa girly siya kaya gusto siya ni Sehun."pagpatuloy ni Baek. Parang nawasak naman ang puso ni Luhan nang marinig niya ang sinabi ni Baekhyun.

Nagring ang bell ng school at nagsipasukan na sila sa mga klase nila, magkaparehas lang naman ng schedule silang dalawa ni Baekhyun kaya sabay na silang pumunta.

Umupo sila sa may bandang likod at inilapag ang kanilang imported na Louis Vuitton at MCM bags.

Wala eh, mayaman eh.

Nagsimulang nag-discuss ang kanilang prof ng biglang may bumukas ng pintuhan. Parang may ilaw sa likod ng nilalang na iyon, no other than Sehun..

"Mr. Oh, napapadalas na yang pagka-late mo." Sabi nung prof. Nginitian ito ni Sehun at nagsorry.

Hindi inexpect ni Luhan na uupo ito sa tabi niya. Muling nanigas si Luhan sa kinaroroonan niya.

"Psst" bumalik si Luhan sa realidad at nakita si Sehun na nakatingin sakanya. "Sorry, may ballpen ka ba? Naiwan ko kasi yung lalagyanan ko eh." Sinabi niya ng pahina.

Ng walang salita, kumuha si Luhan ng Parker ballpen sa bag niya at ini-abot sakanya.

Parang naman may electricity na dumaan sa katawan ni Luhan ng nagkahawak nanaman sila ng kamay habang inaabot niya ang kanyang mamahalin na ballpen.

"Thank you, ang mahal neto ah? Ibabalik ko nalang sayo mamaya." Ngiti niya. "Ay hindi na, sayo na yan marami naman akong ganyan dito eh." Ngiti niya pabalik.

"Nga pala sorry kanina ah, hindi ko napatapos yung sinasabi mo kanina. Pero alam ko naman kung ano sinabi mo." Yumuko siya at tinignan tignan yung ballpen na hawak niya para may magawa siya habang nagsosorry.

"Sabay tayong maglunch mamaya ha?" Pagpatuloy niya.

Tila natulala si Luhan sa mga pangyayare ngayon. Unang araw palang eh ganito na sila kaclose.

Tumango si Luhan at nagngitian sila pabalik. Tumingin naman si Luhan kay Baekla at umakto na kinikilig.

Tinawanan siya ni Baekla at nakinig na sa kanilang prof.

Girly Luhan (Hunhan fanfic) (Luhan fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon