Chapter 28: Da moves

315 16 3
                                    

"ugh..."

"masakit Chanyeol!!"

"Tiisin mo nalang ginusto mo to eh."

"bilisan mo nalang...please!"

six o' clock in the morning. putaragis ang ingay nila Baekhyun sa kabilang kwarto. Umagang-umaga may ginagawa nanaman silang milagro, di ba pwede mamaya nalang? Di na tuloy ako makatulog.

"Aray!!" Sigaw ni Baekhyun at tumawa naman si Chanyeol. Naglalandian nanaman sila. Di ko na kinaya at lumabas ako ng kwarto ko at binuksan agad ang pintuan nila habang kinakamot ang mata ko.

"Pwede ba mamayang gabi na kayo magsex???" Dabog ko. Ngunit natigilan ako pagkamulat ng mga mata ko.

May hawak si Chanyeol na wax at ang binti naman ni Baekhyun ay nakapatong sa legs ni Chanyeol.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" sabay nilang tawa. Habang si Chanyeol ay nakahiga na at nakahawak sa tyan at si Baekhyun naman ay hampas ng hampas kay Yeol.

Nagwa-wax lang pala sila.

"At bakit kayo nagwa-wax ng madaling araw aber??" Inis kong tanong sakanila. "Bakit hindi? Di kami makatulog eh."  Ngiti ni Baekhyun.

"Sana nag-ano nalang kayo diba? Ang weird niyo magsyota." Nag-roll eyes ako sakanila at lumapit para tignan ang legs ni Baekhyun na makinis dahil natanggal na ang buhok nito. "Mas maingay yun." Sibangot ni Chanyeol.

"Gusto mo din?" Abot ni Baek ng wax saakin pero tumanggi ako dahil kaka-wax ko lang kahapon. "Di na, sige na balik na ko sa kwarto ko."

Pagkabalik ko sa kwarto ay tumunog ang phone ko, tinignan ko ang notification agad at mukhang galing kay Sehun.

6:24am
MirandaKerrLover: Psst, gising ka na?🤓
ManlyLuhan: Oo, bakit?

MirandaKerrLover: Tingin ka sa bintana

may origami nanaman ba tong lokong to? tumingin ako sa labas ng bintana at nakita kong pasikat na ang araw. Walang origami at wala ring ibang nakakahanga.

ManlyLuhan: Ano meron?

MirandaKerrLover: Wala lang :D

ManlyLuhan: 😒

MirandaKerrLover: To naman joke lang, tingin ka kasi sa baba

ManlyLuhan: Baba mo? :D

MirandaKerrLover: 😒😒

ManlyLuhan: Joke lang din po ☺️ To na wait lang.

Tumingin ako ulit sa labas at tumingin sa baba. At doon nakita ko si Sehun nakasandal sa Mercedes Benz niyang kotse. Agad naman itong tumingin sakin at kumaway at tinuro ang kanyang phone.

Pagkatingin ko sa phone ko ay tumatawag siya, walang alinlangang sinagot ko to.

"Ano nanamang pakulo to?" Tinignan ko siya ng nakakunot ang noo. Hindi siya nagsalita at inangat ang dalawang jacket na hawak niya.

"May pupuntahan tayo, kaya bumaba ka na jan." Ngiti niya. "Hoy manliligaw ka palang hah, kung saan-saan mo na ko dinadala."

"Bakit ayaw mo ba?" Tinignan niya ko ng parang may balak na ewan. "Wala naman ako sinabi ah, syempre payag ako."

"Edi tara na."

Girly Luhan (Hunhan fanfic) (Luhan fanfic)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant