Chapter 3

406 79 15
                                    

"Bakla, I couldn't blame you for falling for that man naman pala. Oozing hotness, Mala- Theo James na aura. Damn."

Was that really me? Sa akin ba talaga nanggaling yun? Like ew.

"Ay naku girl ha...I'm warning you. Never cross that line. Maaagapan pa kita, hanap ka na lang ng iba okay? I mean maraming iba dyan. Yung mas matino." He replied.

Nandito kame sa isang kilalang fastfood chain, dito namin napiling kumain since madaling lakarin. And I told him what happened earlier.

"Hey, I didn't say I'm going to hit him. Like I can do better. Ang point ko lang nag-uumapaw sa kakisigan yung crush mo kaya naman pala nag-uumapaw rin ang confidence." maarteng sagot ko kay Jasper.

"Girl naman! Ex-crush nga kasi!" Nakasimangot niyang sabi.

"Oo na! Oo na! Whatever you say. He's not my type anyway. Nga pala, kwentuhan mo nalang kaya ako about your family or anything about you. Let's get to know each other muna."

We barely knew each other nga pala and thank God I remembered to ask him that now.

"Oo nga no! Wala pa tayong alam sa isa't isa. Bukod dun sa ex-crush ko...uhm marami pa akong ibang crush mula sa iba't ibang colleges." He said with a dreamy voice.

Sinimangutan ko siya like puro crushes nalang ba ang bukambibig nitong baklang 'to. God!

"Joke lang girl! Ito naman...why so serious? So eto na...Broken family kame, I have an older brother na nasa puder ng pudrakels ko. So you see, nahati kame. They're in Manila while nagstay kame dito ni mommy. Mom is a branch manager sa isang kilalang direct selling company. Hmm...what else? Alam ni daddy tsaka ni kuya yung pagiging sirena ko, they've accepted me naman. Yun nga lang, pinagbawalan akong maglantad. I discovered it when I was 11 years old, bigla kasing tumibok itong puso ko dun sa ka-teammate ko sa basketball dati. O ano? Itutuloy ko pa ba to? MMK na masyado te!"

Madrama niyang sabi in between ng pag-nguya niya sa burger niya.

"Ang harot mo na pala nung bata ka pa. No wonder bakla!" I laughed at the thought of him wearing a jersey pero may ibang agenda pala when playing basketball.

Wait...he mentioned about a brother. Hmm

"Close kayo ng kuya mo?" I asked after sipping on my drinks.

He eyed me suspiciously, wondering why I asked I think.

"What? Masama bang magtanong?" I chuckled a bit.

"Wala lang, I smell something fishy girl haha. Pero sorry to inform you pero ang alam ko nagkabalikan sila ni Tris, naging girlfriend niya wayback high school days namin. They're both working now on a certain hospital sa Manila. Nurse ang mga yun."

"Tinanong ko lang naman kung close kayo bakla! Ang dami mo ng sinabi." I raised my eyebrow at him. So his point is?

"Tara na nga girl, at baka ma-stuck tayo sa traffic nito."

Buti nalang at nailagay na sa sasakyan ni Jasper yung mga pinamili namin at hindi na pahirapan ang pagpunta sa parking lot ngayon.

Tahimik lamang kaming naglalakad ni bakla, medyo creepy rin ang area na ito. I mean lahat naman ata ng mall parking lots ay creepy.

"Ano ba?! I told you hindi pa ako uuwi. Kaya ko naman ang sarili ko. Bakit mo ko sinumbong kay daddy? Ugh! Nakakainis ka! Ni hindi pa nga ako nag-eenjoy sa lakad namin ng friends ko. Now what?!"

Hindi kalayuan sa kotse ni Jasper, I heard a girl shouting to someone.

Hindi ko na sana titignan dahil baka couple lang na nag-aaway.

Never Like This (SLOW UPDATE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin