Chapter 13

287 68 35
                                    

Isang oras nalang at magaalas dose na. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko sa magiging outcome ng lunch namin.

At hindi pa rin talaga totally nag-sink in sa utak ko na niyaya ako ni Clint.

Inulan ako ng mga tanong kanina ni Nate habang kumakain sa canteen pero hindi ako sumagot ng kahit isa.

Wala naman kasi akong dapat i-explain, ni hindi ko alam kung ano ang dapat isagot ko. Kaya minabuti kong manahimik nalang.

Lutang ang isip ko sa Philo Class kanina. Maging si Bettina ay hindi ako nakausap ng maayos. Hindi ko rin pinatulan ang kakulitan ni Seth.

Masyadong okupado ng utak ko si Clint. Kaya naman ngayong Rizal class pilit kong ibinabalik sa normal ang huwisyo ko.

"Group yourselves into five. Magbibigay ako ng group quiz. Let's see kung gaano niyo kilala ang National Hero natin."

Kanya-kanyang reklamo naman ang lahat sa pahayag ni Sir.
Halu-halo kasi ang nasa section na ito since Rizal subject lang naman which is a prerequisite subject para makagraduate.
Hindi magkakakilala ang lahat kaya naman mahirap kapag group activities na.

"Sir! As in ngayon na talaga kayo magbibigay ng quiz? Walang aral-aral? Grabe naman!" Sigaw ni Bettina na ikinagulat ko. Pero may point siya at sumang-ayon ang lahat sa kanya.

"This is to test nga kung kilala niyo bang talaga si Dr. Jose Rizal, yung mga kpop groups nga dyan, kilalang-kilala niyo, yung mga superheroes na sina Batman at Superman nga, alam na alam niyo ang mga impormasyon tungkol sa kanila, tapos magrereklamo kayo ngayon? I'll give you five minutes to group yourselves."  Mahabang litanya ni sir.

"Ang dami naman niyang sinabi. Dinamay pa si Batman tsaka Superman tss." Bulong ni Bettina.

Umiling-iling nalang ako at saka tumingin sa paligid ng pwedeng maging kagrupo.

Itinuro ko kay Bettina ang tatlong babaeng nasa gitna, nilapitan namin sila para maging kagrupo.

"Pwedeng makijoin?" Tanong ni Bettina sa kanila.

Nagtinginan pa ang tatlo, tapos parang walang gustong sumagot sa kanila.

"Fine. Kung ayaw niyo, hahanap nalang kame ng iba." I said. Hihilahin ko na sana si Bettina paalis roon nang pigilan nila kame.

I raised my eyebrow.

"Sige na, you can join us. Kulang rin naman kame."

At dahil pumayag na sila, kumuha kame ng upuan ni Bettina atsaka kame bumuo ng circle.

Binigyan kame ng twenty minutes para sagutan ang 20 questions.

At nakakairita dahil wala namang naitulong ang tatlong kasama namin. Nagdaldalan lang silang tatlo at inasa saming dalawa ni Bettina ang pagsagot sa quiz.

Singkapal ng blush on nila ang mga mukha nila. Kainis!

Nang matapos naming sagutin ang mga tanong ay padabog kaming tumayo ni Bettina at ipinasa kay Sir Macandili ang answer sheet.

Dismissed na ang mga nakatapos kaya naman umalis na agad kame ni Bettina sa room, nakakairita ang mga pagmumukha nila.

Puro pagpapaganda lang ang alam. Tss

Tumambay muna kame sa bench sa may pathway papuntang Canteen.

"Nasa bag ko nga pala yung laptop, patingin ako nung report."  Pag-iiba niya ng topic.

Nilabas ko naman ang usb ko at ibinigay sa kanya. Ang usapan kasi namin, ako ang gagawa ng report, siya naman ang magpepresent sa klase.

Hindi ko gamay ang reporting dahil nacoconscious ako kapag nasa akin ang atensyon ng lahat.

Never Like This (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now