Chapter 15

295 68 21
                                    

Pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko para mag-charge ng phone. Sakto kasing nagtatype ako ng irereply kay Clint kanina, tumawag siya. Sasagutin ko na dapat kaso biglang na-off naman ang phone ko, empty battery.

Bumaba rin naman agad ako pagkabihis. Naabutan ko pa si mommy na nanonood ng tv sa living room.

"Hi Mom!" Bati ko sa kanya sabay kiss sa pisngi niya.

"Hello sweetie!" Masiglang bati niya pabalik.

"Kamusta na sa school mom?" I asked her.

Last time kasi, sabi niya nahihirapan pa siyang mag-adjust because before college students ang hinahandle niya. Konting explain lang ay nakukuha agad ang point ng topic pero ngayon daw.

She have to elaborate everything, tipong spoonfeeding ang ginagawa niya sa mga students para matuto ng maayos.

"Okay naman, so far nakukuha na ng students yung teaching strategy ko, at the same time nakaka-adjust na ako sa behavior nila."  Mukha namang masaya siya sa work niya.

"Ma'am, handa na po ang hapunan." Sabi ni Manang Rosa.

"Uhm...kumain na po kayo. Busog pa kasi ako." Nagtatakang lumingon si mommy at tinaasan naman ako ng kilay ni Manang Rosa.

Napapansin ko talaga mas strikto pa si Manang kaysa kay Mommy.

"Kumain po kami sa labas nina Bettina. Kakain rin naman ako mamaya pag nagutom." Explain ko sa kanila.

Buti nalang at hinayaan naman nila ako.

Pinagpatuloy ko yung pinapanood ni Mommy kanina.
Nang ma-bored ay nagpalipat-lipat ako sa ibang channels.

Lumipas ang dalawampung minuto ay napagpasyahan kong umakyat na ng kwarto.

Inopen ko na yung phone ko para makapasok ang mga messages. Iniwan ko muna ito saglit at naligo.

Pagbalik ko, tumutunog na yung phone ko at si Clint ang tumatawag.

Buti nalang at nakapagbihis na ako sa loob ng banyo. Sinagot ko ang tawag habang nagsusuklay ng buhok.

"Hello?" Bungad ko.

"Bakit ngayon mo lang sinagot? Nakauwi kana ba?" Iritado ang boses niya.

Anong ginawa ko?

"Sorry Clint, low batt na kasi kanina yung phone ko, ngayon lang na-charged. Nasa bahay na ako." Pag-explain ko sa kanya.

I don't know kung para saan pero feeling ko I have to.

"Kumain kana?" He asked. This time malumanay na ang boses niya.

Ang bilis magpalit ng mood.

"Kumain naman kame kanina, busog pa ako." I answered.

"Kanina pa yun! Kumain kana." Iritado ulet ang boses niya.

Ano na naman Clint? Ang gulo nito.

"Wait...eh ikaw ba kumain na?" Tanong ko rin.

"Wala pa." Sagot niya sa mahinang boses.

"See? Parehas lang pala tayo. Pero atleast ako, kumain kanina. Eh ikaw? Alam kong wala, so ikaw ang dapat kumain." Sinungitan ko rin siya, akala niya siya lang ang marunong. Hmp!

"Not that tone please. Kakain ako mamaya." He said.

Sus, kakain daw. If I know, makakalimutan niya lang yan. He used to skip meals, lunch lang ang hindi.

"Liar. Kumain kana dun. Bilis na!" Mariin kong sabi sa kanya.

"Okay fine. Pero sabay tayo?" He answered.

Never Like This (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now