Chapter 5

348 73 18
                                    

After my last class, I decided to call Jasper. Hindi sabay ang lunch time namin kaya wala akong choice kanina kundi kumain mag-isa sa cafeteria. Thank God at wala namang nangyaring kamalasan during my lunch.

He answered after three rings.

"Hello? Bakla, may class ka pa?" 

I asked him, makikisabay sana. Natatakot akong magcommute eh. Pero tinuruan naman ako since next week pa dadating yung kotseng Christmas gift daw ni daddy sakin.

I need my own car na raw since nalaman niyang sa ibang school magwowork si mommy. I don't know how he got the details, naghire siguro ng imbestigador.

Ayaw na sana ni mommy ng kahit anong connection kay daddy. Kaya niya naman daw akong buhayin.

Pero inisip niya rin daw na kahit para sa akin nalang, hindi niya raw dapat ipagkait sa akin ang mga privileges na kayang ibigay ni daddy sakin.

I said I'm fine without him. Pero she insisted dahil kahit anong mangyari, he is still my father. Daddy said he's sorry at babawi raw siya sa akin.

Yea. Babawi through his money.

I considered the car since hassle at medyo hindi safe ang mag-commute lalo na kapag hindi sanay.

"Ganun ba? Sige. Ayos lang... ano ka ba. Yea, I'll be fine. Okay." 

Nasa kabilang campus pala siya ngayon, may klase pa until 7pm.

4:00 pm palang, hassle naman kung hihintayin ko pa siya.

Naisipan ko munang pumunta ng library, magreresearch nalang muna ako para sa recitation namin sa History.

Nasa gitnang building ang library ng school, buong fifth floor ito. Nakakapagod mag-hagdan pero according kay bakla punuan raw lagi ang elevator.

Buti nalang medyo malapit lang dito yung building.

May mga kasabayan akong naglalakad rin papunta dun, may mga mag-babarkada, may trio. Samantalang ako, mag-isa.

Ayos lang, masasanay rin ako.

When I reached the second floor, nakita kong papalapit sa'kin si Natalia. She's waving her hand while smiling.

Tumingin agad ako sa likod, baka kasi hindi ako ang kinakawayan.

"Hey! May class ka pa?" Tanong niya ng makalapit sa'kin. Mag-isa lang rin siya. I wonder why.

"Wala na, sa library ako. Ikaw ba?" I replied.

"Naks, sipag naman. First day palang ah." She said while giving me a grin.

"Wala naman akong gagawin eh. Tsaka it's better this way, baka kasi makalimutan ko pang gawin." 

She gave me a nod as an answer.

"Ikaw? May class pa? Tsaka where are your friends?"

"Wala na rin. Dito yung last class namin. And wala naman talaga akong squad na matatawag. I mean, I have a lot of friends pero hindi iyong tipong kasama ko palagi." She said.

I find her cool.

The way siya manamit, modern type pero sa kilos niya naman, tipong boyish.

She's wearing a ringer tee and fitted jeans with her nike shoes.

Next week pa required mag-uniform since hindi pa naman daw regular ang classes.

Nginitian ko na lamang siya. Magpapaalam na sana ako.

"Cassandra, I'll invite you sana. Bukas mo na ba yan kailangan?" She asked me.

I looked at her with wondering eyes.

Never Like This (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now