Chapter 1

1.5K 21 15
                                    

First of all, hindi po ako magaling magsulat kaya sorry kung medyo di maganda :))

INSPIRED LANG PO.

-------------------

...

Crush?

Uso pa ba yun?

Pero para sa mga man hater at play girl.... Posible pa bang magkacrush o mainlove?

Paano kung nasaktan ka na? Kakayanin mo pa bang buksan ulit ang puso mo?

Bubuksan mo pa ba ito? Lalo na sa taong bago mo pa man makilala ay kinaiinisan mo na?

Pero posible din bang mabago lahat ng to dahil lang sa mahal mo na siya?

...

Kaycee's POV

Naglalakad kami ngayon ng bestfriend at pinsan ko sa Mall. At katulad ng lagi naming ginagawa, heto kami nagtatalo kung saan kakain.

"Argh!! STARBUCKS nalang kasi!"Pasigaw kong sabi. Biruin mo ba naman? Kahit ito nalang pagtatalunan pa naming tatlo?

"Wag na nga dun! Jollibee nalang tayo!" Sagot naman ni Therese

Kita mo to si Therese! Siya nga pala ang isip bata kong pinsan. Si Therese Torres, A.K.A Rese. 15 years na yan ah pero Jollibee parin ang gusto.

"Therese masyadong pambata"Kampi naman sakin ni Merian

Siya si Merian Kahn, Bestfriend namin ni Rese. Sa aming tatlo siya lang talaga ang pala-aral... kaya ewan ko nalang kung para sakanya kami ba ang bestfriend niya o yung libro na!

"Edi fine! Starbucks na!" Sa wakas napilit na rin tong si Rese

Naglakad na kami papuntang starbucks. Nung nasa tapat na kami nun saka pa to nagreklamo ulit si Rese. Lakas talaga ng problema nitong pinsan ko.

"Merian! pasama naman dali! ihing ihi na ko!" kahit kelan talaga parang bata tong si Rese

"Ano ba naman yan.. tara na nga dali"- Merian. Sanay na din naman ata tong si Merian. Eh simula Kinder kaming tatlo na ang palaging magkakasama.

"Ay so ganun? iiwan nyo ko dito!?" sigaw ko nung patalikod na sila. Ganyan kasi talaga ang magkakaibigan, NAGIIWANAN.

"Magorder ka na go!!"Sagot naman ni Rese

Ayun iniwan nga nila ako! Katulad ng sabi ni Rese, nagorder nalang ako. Bwiset kasi yung dalawang yun, para-paraan din para makalibre eh!

"Miss ano pong name ilalagay ko?" Sabi nung cashier. Ano nga ba maganda?

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon