Chapter 54

127 4 0
                                    

KAYCEE'S POV

Ilang linggo na din ang nakalipas simula nung nangyari ngang pagaaway at pagbati namin ni Ace. At sa ilang linggong iyon napagusapan namin na itutuloy parin niya ang gusto ng mommy niyang paglabas parati nila ni Christine.

Minsan naman kasama ako, pero syempre madalas hindi. Kaya pinapatay ko nalang ang mga oras na wala siya sa pagaaral magfootball. Natripan ko eh, maganda din pala siya, kaya ayun sinubukan ko na.

Ngayon na din pala ang last day nilang tatlo sa bahay namin. Nakaisang buwan na eh, kanya- kanyang bakasyon naman kami ngayon.

May plano na daw si Merian kasama ang Family niya, kami naman ni Rese ay maga-outing kasama ang iba pa naming pinsan.

"Aalis ka ulit?" Tanong ko kay Ace dahil umagang umaga ay nakapang alis na siya.

"Pinapapunta ako ni mommy sa bahay nila Christine eh..." Sagot niya sakin. Hindi na ko nagtanong kung bakit at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Kailan alis niyo ni Rese?" Tanong niya naman sakin habang umuupo sa tabi ko.

"Bukas. Kasama daw si Xander..." Pagpaparinig ko sakanya. Buti pa tong si Xander siya pa nagpumilit na sumama kay Rese.

"Ganun ba?" Oo! Ganun nga! Tapos ikaw hindi.

"Hindi ka ba talaga sasama?" Ika- isang milyong tanong ko na ata yan sakanya. At sa paulit ulit tanging pag iling lang ang nakukuha kong sagot.

"Ah okay sige. Ingat ka nalang." Sabi ko sakanya bago siya umalis. Bumalik nalang ulit ako sa kwarto ko para magayos ng mga gamit na dadalhin ko sa outing namin. 2 weeks lang naman yun eh, para daw makapagbonding kaming magpipinsan.

Pagkatapos kong magayos ay bumaba nalang ako para manood. Umalis din nga pala sina Josh at Merian. Hinatid ni Josh si Merian papunta sa doon sa bahay ng family niya, kaya naman kaming tatlo nalang dito ang naiwan.

Clash to CrushOnde histórias criam vida. Descubra agora