Chapter 37

242 7 0
                                    

KAYCEE'S POV

Pupunta ba ako o hindi? Limang minuto nalang ang natitira para makapagdesisiyon ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong pumunta dun.

Nagui-guilty ako. Tama kasi siya eh. Si Ace hinayaan ko, pero siya? Ewan ko. Gusto kong pumunta pero parang ayaw ko din. 

Pero hindi ba sabi ko gusto ko ng matapos to? Ito na yun eh. Pagkatapos nito, matatapos na din lahat. Kailangan ko maging matatag, kasi maraming tao na ang  nahihirapan eh. Pupunta ako at tatapusin ko na.

"Pupunta ka kaycee ok. Kakayanin mo yan" bulong ko sa sarili ko. SInuot ko na yung tsinelas ko nung lapitan ako bigla ni Merian. Niyakap niya ko.

"Pupunta ka ba talaga? Ayos ka lang ba? Gusto mo umuwi na tayo?" Hindi naman halatang concern sila sakin? 

"Oo. Para narin matapos to." Lumapit din sakin si Rese. Kahit di kami gaanong naguusap nito mahal na mahal parin talaga namin ang isa't isa.

"Basta tatandaan mo lang ah..." Parang nagaalangan pa siyang sabihin.

"Ano yun?" Tanong ko. Nagkatinginan naman sila ni Merian.

"Mahal na mahal ka... Ni... A-ace" Di sila makatingin sakin. Nginitian ko nalang sila at naglakad na ko palayo. Alam ko naman yun eh.

Hindi ko na alam gagawin ko. Sobrang nakakalito na. Sana talaga matapos na to.

Sobra sobra na  kasi yung sakit eh. At ayaw kong dumating sa puntong nabubuhay na ko sa sakit. Ayaw kong dumating sa puntong ang tinitibok nalang ng puso ko ay puro sakit.

Bakit ganun? Nangako na ko sa sarili ko na hindi na ko ulit magmamahal, para hindi na ko masaktan. Pero bakit ganito?

Hays. Promises are really made to be broken. Wala na kong maisip na gawin. Hindi ko na alam paano ko to sosolusyunan.

Habang naglalakad ako may naririnig akong kumakanta. Hahaha. Hindi ako pwedeng magkamali sa boses na yun...

At talagang yung theme song pa namin ang kinakanta niya. Hindi ba uso ang move on sakanya?

"Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat

Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat

Naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo

Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento" Ang lamig ng boses niya. Pero nararamdaman ko yung magkahalong lungkot at saya. 

Sabay nating inisip ano ang magiging future natin hindi ba? Sabay tayong nangarap. Sabay tayong nangako sa isa't isa.

"Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi

Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili

Umaawit ng theme song na sabay kinabisa

Kay sarap namang mabalikan ang alaala" Napangiti ako ng saglit. Linya ko dapat yan eh. 

Naaninag ko na kung nasaan siya nakaupo. Nakita niya na din akong papalapit kaya tumayo siya at naglakad papunta sakin.

"Ikaw ang kasama buhat noon

Ikaw ang pangarap hanggang ngayon" Ako ang pangarap hanggang ngayon? Wala na yung dati eh. At ikaw lang din naman may kasalanan bakit nawala yun.

"Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari..." Nakatingin siya sakin na para bang hinihintay niyang kantahin ko ang susunod na linya.

Nalungkot siya nung hindi ako kumanta.

"Ikaw ang prinsesang sagip ko palagi..." Ngumiti siya sakin habang sinasabi niya yang linya.

Pinutol ko na kaagad ang kanta niya.

Clash to CrushWhere stories live. Discover now