Chapter 52

106 7 0
                                    

KAYCEE'S POV

"Shhhhh!" Sita ko sakanilang lahat.

"Pero seryoso, diba si Christine nga yun?" Sabay turo ulit ni Rese sa babaeng nasa harap ni Ace ngayon.

"Seryoso, paulit ulit ka?" Iritado kong sambit sakanya. "May mata ka naman diba? Hindi ba pwedeng ikaw na mismo magkumpirma niyan?" Dagdag ko pa.

Hindi ko na alam ano bang dapat na maramdaman at isipin ko. Naiinis ako na nagagalit na nasasaktan! At feeling ko niloloko ako eh. Pwedeng pwede naman niya sabihin saking hindi ako gusto ng mommy niya kung yun nga yun!

Isa pang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa lahat si Christine pa? Hindi naman sa masama ang loob ko sakanya. Pero kasi... Matagal na kaya silang pinagkakasundo? Hindi ko maiwasang maisip na baka destiny ang nangyayari sakanila.

Imagine niyo nalang nga. Nagkakilala lang sila sa isang tour namin at ngayon malalaman nilang magbusiness partners ang parents nila at pinagkakasundo pa sila. DESTINY nga hindi ba?

"So anong gagawin natin dito? Tutunganga?" Tinapunan ko agad masasamang titig si Xander.

"Sige na, mauna na kayo. Uuwi nalang akong magisa." Sabi ko sakanila habang nakatingin sa naguusap na sina Ace at Christine.

Ang ganda nilang tingin, kung tutuusin. Sana pagnakikita ko silang nagngingitian at nagtatawanan sa isa't isa masisiyahan ako paa sakanya. Kasi alam kong masaya siya, pero hindi eh. Hindi ko kayang maging masaya na makita siyang masaya sa iba.

"Ah..." Napalingon ako sa nagsalitang si Merian. "M-may bibilin pala kami ni Josh. Hihintayin ka nalang namin sa kotse ah?" Nagaalinlangang paalam ni Merian.

"May bibilhin ba tayo?" Tanong agad ni Josh na binigyan naman ni Merian ng matalim na titig.

Masyado naman ata silang halata. Gusto lang ata nilang iwan akong magisa, kasi alam nilang yun ang gusto ko.

Sinundan ko lang sina Merian ng tingin habang papalayo sila. Iniisip ko pa nga din kung ano nga bang plano kong gawin... Wala naman ata sakin ang bigla nalang na susugod sa momwnt nila just to be some kind of irriated, jealous girlfriend.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon