three

21 0 0
                                    

kinabukasan....

"charlotte! charlotte! charlotte!"
nagising ako sa ingay na tumatawag sa pangalan ko..

"anu ba yan, nagwewelga ba sila sa pangalan ko?" sambit ko at tiningnan ang orasan sa wall..at ito ang tinatawag nilang wallclock..

bumilog mata ko sa oras na nakita ko, naku, 9:40 na..at may ideya na ako kung sino tumatawag sa akin..

dali dali akong bumaba ng hagdan, at may nakita akong sticky note sa ref..

"anak, di kana namin ginising, umalis na kami para magsimba, kumain ka nalang jan, may snack din sa ref para sa mga kaklase mo" yun ang nakasulat sa note..oo nga pala sunday ngayon..

"charlotte! charlotte! charlotte!" ayan na naman, tumakbo ako papuntang gate para pagbuksan mga kagrupo ko..

nasa labas sila:
shane at lorrie - mga friend ko na member sa group

bryan - ang masungit namin na group leader

anna, lorna at fe - kaklase ko rin, pero hindi kami close

kia - mortal enemy ko since 1st year high school..siguro ako ang bida kasi sya ang kontrabida ng buhay ko..di ko alam kung anung ginawa ko sa kanya..baka insecure sa beauty ko..eh maganda naman siya, siguro di pa kontento kaya pati ganda ko gusto nya rin angkinin..😂

leo - ang isa sa mga crush ng campus, tahimik lang siya pero pag mga circle of friends naman nya kasama nya normal din naman sya..siguro tahimik ngayon kasi wala syang ka.close dito..

kung ikokompara, parehong gwapo si bryan at leo..pero ang kay bryan pang.pinoy na kapogian, ang kay leo..tisoy..ahh..basta gwapo sila pareho period.

" ah, eh, hehe..pasensya na..ngayon lang kasi ako nagising..pasok kayo" sabi ko sabay kamot sa ulo ko kahit hindi naman makati..

napansin ko nalang na nagpipigil sila ng tawa..

"eww, sana sa bahay nalang namin eh.." sabi ni kia na ikinakunot ng noo ko..gusto kasi ni kia sa bahay nila kami magpraktis para magpa.impress kay bryan..eh di sa inyo na..

tiningnan ko si anna, lorna at fe na natatawa, si bryan as usual masungit look, si leo napasmirk..bakit kaya..

nabigla ako ng dambahan ako ni shane kaya napayuko ako at parang may hinanap sa buhok ko si lorrie..

"teka, bakit ba?..kung makahawak ka naman shane, di ako tatakas noh..at wala akong kuto lorrie ah" sabi ko sa kanila na naiinis..

"ahyyy, wala na sila.." sabay pout ni lorrie

"teka, sino ba?.." nagtataka kong tanong..

"yung bird wala na lumipad na siguro.." sabi ni shane na mas lalo kung ipinagtaka..

"bakit?..ala naman kaming bird na alaga ah..parrot, maya, manok o anu pa man.." sabi ko

"ah, wala ba? para kasing ginawang pugad buhok mo eh" maarteng sabi ni kia

dun ko napagtanto na bagong gising+walang suklay= monster morning look..naku naman nakalimutan ko..

napahiya ako sa harap pa ng mortal kong kaaway..

Not A Happy Beggining...Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu