Fourteen

3 0 0
                                    


"Oh char, bakit?..", nakangiting tanong nya..

"Ahm..pwede ba tayong mag.usap?..yung tayo lang.." sabi konsa kanya na may medyong konting ngiti sa labi..pero sa loob loob ko..gusto ko syang samplin..gusto ko syang sumbatan..
Gusto ko syang tanungin kung anung nangyari?..
Bakit nagkaganito?..

Sa takbo ng iniisip ko..di ko namalayang nawala na pala ang ngiti ko sa labi..

Confused man ay pinaunlakan ni leo ang hiling ko..

"Sige tara," sabi nya

"Dun nalang tayo sa may labas..malapit sa gate?" Sabi ko sa kanya..sa harapan kasi ng bahay nila chito ay may maliit na garden..malapit sa gate kaya dun ko napiling makipag.usap kasi malayo sa ingay at kami lang dalawa..

Habang naglalakad, di ko mapigilang kabahan, di ko alam kung paano uumpisahan...
Pero ang magaling na si leo..ito..may katext parin habang naglalakad kami papunta sa sinabi kong bahagi ng bahay nila chito..

Napaisip talaga ako..kung anu ang nangyari sa amin..bakit nagkaganito kami..parang pakiramdam ko..agad agarang problema ito..yung tipong..pkiramdam ko nag.uumpisa palang kami..
Pero bakit matatapos na bigla?

Sweet pa naman sya sa akin nung mga nagdaang buwan..pero bakit biglang nagkaganito..

Ganun ang mga tanong ko sa isip ko..
Nakarating na kami sa may bahagi ng garden na malapit sa gate..
Ok na rin ito para mabilis ako makatakbo paalis pag hindi ko na kinaya..masakit..sobrang sakit..

Pero kelangan na magka.usap kami..

"Leo, may problema ba tayo?", tanong ko agad sa kanya..

"Problema?..wala naman char" - sagot naman nya

"Bakit char nalang ang tawag mo sakin?..hindi na my loves?..may iba kana bang tinatawag na my love?.." deritsahang sabi ko..
Mas maganda na ito..ayoko magpaligoy ligoy pa..pareho lang naman ang resulta..
Masasaktan at masasaktan ako..
Bakit ko pa papatagalin..

Napansin kong natigilan sya at mejo uminit ang ulo nya..wow sya pa talaga may gana magalit..

"Anu naman ba ito charlotte?..maliit na bagay pinapalaki mo..eh anu naman kung tawagin kita ng char eh yun naman pangalan mo diba? Anu masama dun?" Singhal nya sa akin..

"Alam mo nagbago kana" sabi ko sa kanya

"Anung nagbago? Walang may nagbago sakin..baka ikaw ang nagbago?..bakit?..dahil ba kay Art?..yung kaklase mo na lagi mong kagrupo tuwing may project kayo?..kaya ka ba nagkakaganyan para maghanap ka ng butas para maghiwalay tayo?..sabihin mo lang?..may iba kna ba?.." patuloy niyang sabi

Hindi ko mapigilan ang kamay ko na lumapat sa pisngi nya..
Grabe lang kasi..
Sya pa ang may K na magsalita ng ganyan?..sya pa talaga?..

Sobrang sakit ang nararamdaman ko at hindi ko na rin mapigilan pa ang luha ko..

Hindi lang sa sakit pati na rin sa inis..
Inis na inis ako at wala akong ibang magawa kundi umiyak..at syempre yung pagsampal ko sa kanya..

"Ang kapal naman ng mukha mo", una kong saad sa kanya ng mahimasmasan ako..

"Ako pa talaga? Si Art pa ang gagawin mong dahilan na alam na alam mong bakla si Art at hindi kami talo.." dugtong ko parin habang umiiyak na..

"Bakit?..wala kana bang ibang maisip ma dahilan?..baka ikaw ang naghahanap ng butas para maghiwalay tayo..kasi gustong gusto mo na si jessa ang jowain mo at ng hindi lang kayo tuwing umaga magkita..pati narin sa tanghali, hapon at gabi.." umiiyak parin ako sa pinaghalong sakit at inis..

Buti nalang talaga at walang may napapadaan dito..kung hindi makakakita sila ng live action show..

Nakita kong bahagya syang nagulat.l sa sinabi ko..hindi ko sya binigyan ng pagkakataong makapagsalita

"Bakit natahimik ka?..kasi totoo ang sinasabi ko..nagulat ka ba bakit ko alam?..Leo, maliit lang ang mundo..dito pa kaya sa lugar natin?.." sabi ko nalang..di ko na sinabi na nanggaling talaga sa kanya ang impormasyon ko..

Gusto kong malaman ang reaction nya?..magsisinungaling ba sya at susuyuin ako?..o aaminin nya ang lahat ng kasalanan nya?..

Di sya nagsalit..yumuko lang sya..

Napatawa ako sa iniisip ko..susuyuin?..hahaha..
Mukhang nakapili na sya..at hindi ako yun..

Pero dahil na rin sa katigasan ng ulo ko..

"Mamili ka Leo, ako o sya?" It may sound cliche pero kelangan eh..

Hindi sya nakapag salita, nanatiling nakatungo parin sya..

"Kapag hinayaan mo akong umalis ngayon, ibig sabihin hindi ako ang pinipili mo.." sabi ko sa kanya..alam ko..hindi talaga ako ang pipiliin nya..pero nagbabakasali ako..

Unti unti akong tumalikod sa kanya..
Naglakad ako papalapit ng gate para lumabas..
Walang leo na pumipigil sakin..

Nakarating na ako labas ng gate..at wala talagang pumigil sakin..

Nagtawag ako ng tricycle papalabas ng subdivision..

Wala..wala talaga..
Action speaks.louder than words..kaya siguro di sya sumagot..

Di ko na mapigilan pa ang luha ko..may dumatingnna tricycle at saktong may dumating din na kotse sa harapan ko..tapat ng gate..kaya ang tricycle sa unahan ng kotse nagpark para hintayin akong makasakay..

Naglakad ako papunta sa tricycle ng bumukas ang pinto ng kotse at mejo nagulat pa ako..

"Bryan.." mahina kong sambit

Napatingin naman sya sa akin at ang mukha nya ay nagtataka..siguro dahil sa mga luha kong walang tigil na pagdaloy sa pisngi ko..

Pinahiran ko ito at may maliit na ngiti sa labi ko para ipabatid sa kanya na ok lang ako..

Tuluyan na akong tumalikod at nagdali daling sumakay sa tricycle..

Walang Leo.na humabol, walang leo na nagparamdam sa akin pagkatapos nun..

Maybe yun na talaga ang araw na maghihiwalay kami..

Masakit kasi akala ko sya na..

Marami talagang namamatay sa maling akala..
Buti nalang di ako namatay..


Yun ang pinakamatagal kong relasyon..
Almost 7 years din kami..nag.umpisa nung high school..kung kelan matatapos na kami sa college..saka pa kami nagkahiwalay..

Well, that's life..need to accept what happened and learn..




After 7 years.. masasabi kong ok na ok na ako..wala na ang bitterness..wala na ang feelings

Naalala ko lang ang lahat dahil sa hawak hawak kong invitation..

HIGH SCHOOL REUNION...

Not A Happy Beggining...Where stories live. Discover now