Thirteen

3 0 0
                                    

Hindi ko na mapigilan yung luha ko..
Ang sakit na kasi sa dibdib at sa lalamunan ang pagpipigil..

Bumalik nalang ako sa banyo, ibubuhos ko ang lahat lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko..

Nang mejo okay na ako..naghilamos ako para hindi halatang umiyak ako..

Nung tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa loob ng banyo..mejo okay na ako..

Lagi kong iniisip na hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para saktan lang ng ganito..

I know my self worth..at hindi ito yun..wala syang karapatan na saktan ako..

Wala..lalo pa at wala naman akong ginawang masama sa kanya..

Nung napapaluha na naman ako..tumingala nalang ako para hindi tumulo ulit luha ko..

Ito na ba?..alam ko naman na darating ang araw na maghihiwalay din kami..umpisa pa lang..alam ko na..
Kasi nga diba wala ngang ligaw ligaw..naging kami agad..

Pero nakalimutan ko yun, nakalimutan ko na darating at darating talaga ang araw na matatapos kung anung meron kami..

Nakakalimutan ko..sa bawat paglalambing nya, sa bawat pag.uusap about sa future namin, sa tuwing sweet sya sa akin at sa tuwing i love you nya sa akin..

Ito na siguro yung araw na yun..Lord, bakit hindi mo naman ako binigyan ng sign na ito na pala ang araw..

Pero biglang nagflashback lahat sa akin yung mga kilos nya lately..
His cellphone na lagi nyang dikit..na kulang nalang i.kwentas nya..
Yung pagkawala nya ng time sa akin..

Siguro sign na yun ni Lord, na hindi ko lang pinansin..kasi mahal ko sya..

Sabi pa nga pag masaya pa..gohw lang..
Pero kapag hindi na..let go..

Ayoko masira ang masayang ala ala namin at mapalitan ng masasakit..
Kaya habang mas nangingibabaw pa ang saya..mas magandang tapusin na agad..
Baka magkasakitan pa kami lalo..

Tama, kakausapin ko na sya ngayon, bakit ko pa papatagalin kung doon din naman ang punta..

Ayokong umasa na magiging maayos pa kami..kasi sa ginawa nya..nagkaroon na ng lamat..at hindi basta bastang maibalik ang tiwala na importante sa isang relasyon..

Napangiti ako na nakatingin sa salamin..
Natutuwa ako at mejo nagmature na ang pananaw ko sa buhay..
Hindi katulad noong high school pa na mejo isip bata pa..at sobrang selosa..

I guess people change, lalo na sa mga experiences na nararanasan..

Huminga muna ako ng malalim, bago tinungo ang kinaroroonan ni leo..
Balak ko na syang kausapin ngayon..

Masakit..pero wala akong balak mag.eskandalo sa birthday party ni chito..
Respeto din sa kanya..wala akong galit kay chito kasi the way nung flow ng pinag.uusapan nila..

Parang concern din naman siya sa akin..pero di lang talaga mapigilan o magawang magalit kay leo kasi nga magkaibigan sila..

Bros before hoes..kaya naiintindihan ko sya..

Nung papalapit na ako sa kanila, di parin pala sila tapos sa usapan nila..

Mukhang totoo nga sigurong mas chismosa ang mga lalaki kaysa sa mga babae..

"Anu pa nga ulit ang pangalan pare?" Si henry ang narinig kong nagsalita

"Jessa", sabi ni leo na di maalis alis ang ngiti nya sa labi..

"Yung nag miss nursing?..eh di ba magkadepartment lang sila ni charlotte?..buti at di kapa nabubuking?", manghang tanong ulit ni henry..

"Oo..pero ok lang, hindi naman sila magkaklase, magkaiba schedule nila kaya ayos pa..hahaha", sagot ni leo na mukhang proud pa sa ginagawa..

"Alam ba nyang may girlfriend ka?..impossibleng hindi, matagal na kayo ni charlotte at nakikita kayo na magkasama lagi tuwing may school activities..", sabi ni chito..

Tama, alam ba ng babae?..
Si jessa pala..
Anu naman panama ko dun, miss nursing nga db..
Beauty and brains..hahaha

Grabe..ang sakit lalo ng nararamdaman ko..
Pero kelangan kong pigilan..
Ayoko na sana pa hintayin ang sagot ni leo kasi nga baka talaga hindi alam ng jessa na yun..
Si leo ang may kasalanan..sya ang lumalandi kay jessa kahit kami pa..

Mejo natuwa naman ako sa pinag.iisip ko..mejo rational pa..hahaha..rational nga ba?..

Pero pakiramdam ko bigla akong binuhusan ng malamig na tubig nung narinig ko sagot ni leo..

"Oo naman, alam nya, nagkikita kami ng maaga, yung papasok palang at mag.uumpisa palang ang klase, tuwing patapos kasi ang klase kami nagkikita ni charlotte..ok naman sa kanya set.up namin, kaya lalo ko syang nagustuhan..
Walang drama, chill lang kami.. masaya lang kami.." pagbibida ni leo sa mga kasama..

Totoo pala yung feeling ng binuhusan.ng malamig na tubig..akala ko sa mga novels lang nangyayari ang ganun..
Grabe, ganun pala ang pakiramdam..yung tipong na.frozen ka saglit..
Sa sobrang pagka.frozen, mapapakanta ka nalang ng Let it go..

Mejo natagalan konti ang pagtawag ko kay leo para kausapin sya dahil sa narinig ko..

Ganun pala yun noh?..
May mga babae pala talagang kahit alam ng may jowa na..nakikipaglandian parin..
Pareho pala silang naglandian..

Bagay nga sila..mga malalandi..
Pilit kong iniisip na birthday ni chito..ayokong mag.eskandalo..

Feeling ko..wala akong matatakbuhan..
Walang mapagsasabihan..
Si lorrie at shane naman..kahit magkaiba na kami ng pinapasukang university..
Nagkikita parin kami pag hindi masyadong busy..

Namiss ko tuloy sila..sa panahong ito..sila ang nakakaalam ng tunay na estado ng relasyon nMin ni leo..

Ayoko rin na silang istorbohin at graduating nga..busy..

Huminga ulit ako ng malalim..yung sobrang lalim..kasing lalim ng pagmamahal ko sa kanya..at kasing lalim na sakit na dulot nya..
Ayun, may panahon pa talaga akong humugot..

"Leo.." tawag ko sa kanya nung nakalapit na ako ng tuluyan sa kanila..

Not A Happy Beggining...Donde viven las historias. Descúbrelo ahora