Nine

10 0 0
                                    

ang bilis talaga ng panahon pag inlove ka..hayyy..

mag iisang taon na kami ni leo..
oo, 1 year na kami ngayon..as in ngayong araw..

parang kelan lang..akala ko pa naman hindi kami magtatagal kasi akala ko biro lang nya..hanggan umabot kami ng limang buwan, saka lang ako naging kampante at nagtiwala lalo sa kanya na totoo ngang mahal nya ako..

hindi lang kami ni leo naging mag.gf at bf..sya rin naging bestfriend ko..mentor..crictic..inspiration..

110% love na ang binibigay ko..nagtatampo na nga sila ni shane at lorrie kasi hindi na kami nagkakasama talaga..

lalo na ngayon na 4th year na kami at napunta sila sa ibang section..buti nalang kami ni my loves leo..same section pa rin..classmate pa rin..

nakakaconscious pala..kaya kailangan ko pang galingan sa klase para naman hindi ako mapahiya sa kanya tuwing recitation at quizzes..

naging mas malambing si leo, grabe feeling ko ang swerte ko sa kanya..ideal boyfriend ko..pwede rin pala makita sa realidad..
palagi nya akong hinahatid sundo sa bahay, every after class may 30 minutes muna kami na magdate..simpleng date lang..kahit fishball lang at kwek kwek ok lang..masaya naman kami..
tuwing monthsary namin sya palaging nauuna na bumabati sa akin..minsan nga may sakit ako, sya nag.alaga sa akin..
boto kasi sila mama kay leo..nakikita naman daw nila na mabait at seryoso..
ganun din naman mga magulang ni leo..
hayy..sana di sya magbago..

"charlotte!!!" -tawag sa akin ng isa kong kaklase..hindi sya mapakali at hingal na hingal..siguro tumakbo ito papunta ditong library..at dahil nasa library kami sinaway sya ng librarian..

wag kayong mag.alala hindi na ako namimilit gumawa ng istorya..o novel..wala rin naman eh..siguro ako yung dakilang taga basa ng mga gawa ng magagaling na author..hanggang pagbabasa nalang ako..

hinila ako ng kaklase ko palabas..

"oh bakit?..anong problema?.." -ako

"eh k-kasi s-si a-a-ano na-na-naaksidente?.."-hingal at utal nyang sabi..

"hah?..anu?..sino?.." may kutob na ako kung sino ang kanyang tinutukoy pero ayoko mag.assume..naalala ko na naman si bryan..

speaking of bryan..nagtransfer na sya sa ibang school..kung hindi ko lang nabalitaan na lumipat na sila sa manila..baka iisipin ko na ako ang dahilan..hehe..chos..teka mabalik ako..

"sino ba?.."-ako

"charlotte!!!!", si shane at lorrie..bakit kaya..

bago pa ako makapagtanong nagsalita na si lorrie

"char, si leo..na-naaksidente"- lorrie

"...." -ako wala akong masabi sa sobrang gulat..

"te-teka, a-asan s-siya??" -nanginginig kong tanong

"nasa clinic sya ngayon, puntahan na natin char.."-sabay hila sa akin ni shane..lakad-takbo ginawa namin para mkarating sa clinic..

"ano bang nangyari?.." tanong ko habang papunta kami sa kinaroroonan ni leo..

"hindi rin namin alam ang totoong nangyari..dali bilisan na natin" - shane

pagdating namin sa clinic..walang ibang tao..

pero nanghina ako sa nakita ko...

si leo....

nasa isang kulay puting bed..

nakadapa...

bakit kaya?..maraming mga senaryo ang naiisip ko ngayon..di ko na napigilan ang luha ko lalo na nakikita kong hindi man lang nagalaw si leo..

"m-my l-oves??" - tawag ko sa kanya at unti unting lumapit sa kanya na nanginginig..

nang makalapit na ako sa kanya..
hinawakan ko balikat nya..

"my loves..."- lalo akong naiyak at nagulat

bigla syang humarap sa akin, at ang nakaagaw ng pansin ko ay may hawak syang isang tangkay ng rose..long stem blue rose..blue my favorite color..

nahinto sa pag.agos ang mga luha ko ay tumingin ako sa mukha nyang nakangiti..

"happy anniversary my loves! i love you so much..thank you for the love and for the chance for me to show you how much i love you..i love you more each day my loves.." sabay bigay sa rose na hawak nya at yumakap sa akin..

medyo hindi pa nag.sink in sa akin ang mga nangyayari..ang importante hindi sya nasakatan..

"aray! yan ba yung isusukli mo my loves?.." daing nya ng hinampas ko braso nya..

"nakakainis ka kasi my loves, magbibigay ka lang ng rose, pinakaba mo pa ako..akala ko kung anu ng nangyari sayo.."- sabi ko

"sorry na my loves, i just want to do something na maaalala mo ang araw na ito..na magiging memorable para sa iyo..mahal na mahal kita charlotte.." - sabi nya at dahan dahang lumapit sa mukha ko ang mukha nya..at pagpikit ng aking mga mata ay kasabay ng pagdikit ng kanyang labi sa labi ko..
we shared a very passionate kiss and full of love..the kiss went deeper at hinimas himas nya likod ko..
nadadala na ako sa halik ni leo at may kakaiba akong nararamdaman..

"happy anniversary!!!!" - sigaw nila shane at lorrie na syang dahilan ng bigla naming paghihiwalay ni leo..

natawa nalang ako..tumingin kay leo...

at napaisip...

handa na ba akong ibigay sa kanya ang lahat lahat?..

mahal ko sya, mahal din nya ako..tama na bang dahilan yun para gawin namin?..

Not A Happy Beggining...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon