C8: The Typical Dashed.

4.4K 129 4
                                        

08: The Typical Dashed


"Walanghiya ka, couzzzz! Parang kahapon lang naiirita ka sa akin dahil sa pagkahead over heels ko kay Dashed tapos mababalitaan kong... boyfriend mo na s'ya ngayon?!" I covered my ears once again as Teegan's sharp voice pierced through. "Seriously, ano ba talagang nangyari sa inyong dalawa kahapon, hah?! First day na first day, absent kayong dalawa tapos the second day, pagbalik n'yo, kayo na?!"

I cringed as she continued to rant about Dashed and me. I didn't expect that my agreement to Dashed's request would lead me to this spotlight. Kahapon pa lang iyon nangyari pero parang kalat na kalat na sa buong Manila na ako ang girlfriend n'ya.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit pa ako pumayag. Pakiramdam ko kasi dito sa school, ang dami ng mga matang nakamasid sa bawat galaw ko.

Tapos alam ko naman na ako iyong pinagkukwentuhan nila... kasi kapag dadaan na kami ni Teegan, titigil sila sa pag-uusap tapos itutuloy iyon kapag nakalampas na kami.

"Bronywn Arroyo y López! Sumagot kaaaaa!" nabalik ako sa wisyo nang yugyugin ni Teegan ang balikat ko gamit ang magkabilaan n'yang kamay. "Hindi naman kasi pwedeng magkadevelopan na lang kayo ng basta-basta sa isang araw lang, e! Si Dashed? Okay sige, sabihin na nating may pagka-matinik siya sa babae kaya posible pa 'yun. Pero ikaw? Ikaw na si Bronywn? Only daughter ni Tita Brooks at Tito Sebastián? Magkakaboyfriend sa loob lang ng isang araw? Imposible na 'yan!"

I removed her heavy hands from me. If only Dashed had agreed to the plan I suggested yesterday – to tell Teegan about our fake relationship – I would have said it by now. But he insisted on keeping it a secret, kasi baka raw madulas si Teegan at masabi niya iyon sa ibang tao.

And unfortunately, I agreed.

"Everything has a reason, Teegan. So please, masakit na iyong tenga ko... Can you be quiet for a moment?" I said, feeling a bit of tapped out.

Nakakapagod din pala 'yong makarinig ng mga salitang paulit-ulit.

She fell silent for a brief moment, her eyes widening as she stared behind me. She pointed a shaking finger, so I turned around slowly, still confused about what was happening.

Kaya naman pala. Dashed CDG is here, walking not too far from where we stood. Biglang kumalat ang panic sa buong sistema ko nang magtagpo na naman ang mga mata namin. Hindi naman s'ya 'yong first boyfriend ko actually... pero bakit ngayong alam kong may connection na ako sa isang tulad n'ya, I have this feeling na...

Delikado ako?

Sue me if my instincts are right.

Pagkalapit pa lang n'ya sa amin ay agad na n'yang kinuha ang suot kong backpack. Parang badtrip pa s'ya dahil nakakunot ang noo n'ya ngayon. It seems like may nagawa akong mali sa kanya. Gusto ko sanang magtanong kaso— nahihiya pa ako.

Baka isipin n'ya feel na feel ko talaga ang pag-aakto bilang girlfriend n'ya, e.

"Uhhh... kaya ko namang buhatin mag-isa 'yung bag ko..." I tried to grab my back pack na ngayon ay nakasabit na sa balikat n'ya but he refused and I failed.

He's too tall. Hanggang balikat n'ya lang ako given na 5'6" na 'yung height ko.

"I'm your boyfriend, so let me do my responsibility." he coldly uttered. Napahatimik ako r'on samantalang si Teegan, nakita kong napapadyak na sa kilig. Hay. Para s'yang ewan sa totoo lang. "Diba sabi ko, ako na maghahatid-sundo sa'yo simula ngayon? Bakit agad kang umalis sa bahay n'yo?" and he messed up his hair in frustration. "Alam mo bang kanina pa kita hinihintay?"

Damn it. Nakalimutan ko.

"Sorry... may pinadala naman kasing driver si Mommy kaya hindi mo na ako kailangang sunduin pa." I bit my lower lip. Geez. This is so awkward.

Kahapon, hinatid n'ya ako sa bahay na tinitirhan ko kaya alam na n'ya 'yong address namin. Hindi ko naman alam na sa sinabi n'yang dapat ay sabay na rin kaming pumapasok at umuuwi ay seseryosohin n'ya.

"Ano mo ba ako?" inis n'yang tanong.

Sinulyapan ko si Teegan. Nakapikit s'ya at halatang nag-iimpit ng tili. Oh, God. Do I really have to say the word?

I closed my eyes too, because I can already feel the heat traveling up to my neck. "B— boyfriend."

"That's why I'm doing this, baby," and his hand draped over my shoulder. Baby. He called me baby. "Get used to it, please." I heard him whisper in my ear as I felt severe goosebumps.

I'm trembling all over, and I don't like this feeling.

Nawawala ang self-assertion ko and he shouldn't have this much effect on me with his words.

Bronywn, don't panic. Okay? Don't panic.

By the time we started walking towards the room, I had managed to compose myself. And because Dashed CDG is with us, we caught everyone's attention. Lalo na dahil sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay hinawakan ni Dashed ang kamay ko.

He's a guy, but his palm was so soft and warm! Bigla tuloy akong naconscious kung ano ba 'yong pakiramdam n'ya habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Congrats, dude! You've got a nice taste!" halos lahat na yata ng mga kaklase naming lalaki ay ganoon ang bungad sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa room.

Ngumingiti at tumatango lang si Dashed habang hawak pa rin n'ya ang kamay ko. Nakakahiya. Sinusubukan kong tanggalin pero ayaw naman n'ya.

"Ikinakahiya mo ba ako?" I heard him say when we reached our seats. Inilagay n'ya roon ang bag ko and pulled the chair out for me.

Agad akong umiling at napalabi. Hindi naman ako in denial para sabihing ang katulad ni Dashed ay hindi dapat pinapangalandakan o ipinagmamalak. Kaso lang... Masisisi niya ba ako?

Hindi pa rin kasi talaga ako sanay.

"Girlfriend na kita at boyfriend mo na ako, alam mo naman 'yon diba?" aniya na tinanguan ko lang din. Ayokong tumingin sa mga mata n'ya... dahil alam kong manlalambot na naman ako. "Alam mo naman pala, e. Edi alam mo rin na may karapatan na ako sa'yo."

And boom. My stomach did a somersault.

In a Relationship with Dashed (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora