CHAPTER 1

283 10 4
                                    


Three years later...

HINAPLOS ni Miguel ang gumagatid na sintido. He was really stressed. Sumasakit na ang ulo niya sa kabi-kabilang problema sa negosyo ng ama. Noon tumunog ang intercom. Inangat niya iyon at saglit na nakinig sa kanyang sekretaryang si Faye. May bisita raw siya na nasa lobby ng building-si Joshua, ang kanyang matalik na kaibigan at abogado ng kanyang ama. Ilang saglit pa ay naroon na ito sa kanyang opisina.

"Woke up at the wrong side of the bed? Again?" kantiyaw nito matapos makipag-high five sa kanya. Pagkuwa'y prente itong naupo sa harap ng table niya. Iling lang ang naisagot niya rito. "I told you, magbakasyon ka muna. Maloloko ka sa dami ng problema sa negosyo, man! Matagal na kitang binalaan," tatawa-tawa nitong sabi.

"Hindi ko naman kasi alam na ganito ka-stressful ang kompanyang ito ni Daddy."

"Well, there's no easy money. Alam mo iyon. Nagkataon lang na hindi mo ito linya. Mas gusto mong ibilad ang sarili mo sa photoshoot kaysa dumito sa construction firm ng dad mo."

"Very ironic. Hindi ko linya pero ito ang profession ko! What the heck!"

"Of course, I know that! Pero alam ko rin na hindi mo ito talaga gusto. Dad mo lang ang pumilit sa'yong kunin ang Architecture pero wala rito ang puso mo. Anyway, you're already here at sa tingin ko ay kaya mo naman. Kaunting tiyaga lang, pare."

"Ano pa nga ba?" Kinuha niya ang puswelo ng kape at ininom ang nalalabing laman niyon. Inalok rin niya si Joshua pero tumanggi ito.

"I'm not taking coffee anymore, thanks," anito. "Anyway, may sadya ako sa'yo. Naparito ako dahil gusto kong i-discuss sa'yo ang properties ng daddy mo. Katatawag ko lang sa kanya at wala pa siyang planong umuwi. When I asked him about this certain property in Tagaytay, he told me to talk to you. Sa'yo ko naman daw ipapangalan ang property na iyon."

"Wow! Si Daddy talaga. Bili nang bili ng lupa, mukha namang walang interes pagkakitaan ang mga iyon."

"He was not like that before. Ngayon na lang na natutong tumingin sa ibang baae. Siguro, na-realize ng daddy mo na bata pa siya at puwede pa siyang mag-asawa ulit. Your mom has been dead for three years now. Siguro naman ay hindi na iyon issue sa inyong mag-ama."

"Hindi na 'ko bata, Joshua. I already understand things like that. That's life. Bakit ko naman pipigilan si Daddy na maging masaya ulit, hindi ba?"

"You're right. Pero ikaw, ano'ng plano mo ngayon? Kaya mo ba 'tong mga ginagawa mo?"

"Of course. Just like what I've said, stressful pero kaya naman."

"E bakit ganyan ang tabas ng mukha mo kung kaya mo naman pala? Daig mo pa ang nasunugan."

Bahagya siyang nagkibit ng balikat.

"Babae, ano? Tama ako ha? Babae nga?!" kulit ni Joshua sa kanya.

Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "I need to do something, pare. I'm not getting any younger. I'll be turning thirty-two next month. Weird pero gusto ko nang lumagay sa magulong buhay."

"Wow, pare! Ang bigat! So who's the lucky girl? Is it Champagne? Rochelle? China? Sino, pare?"

"None of the above."

"What? 'Di ba 'yun ang mga flings mo ngayon? Who else?"

"Ikaw na rin ang nagsabi, they're just but flings."

MEDALYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon