CHAPTER 3

247 9 5
                                    



"HINDI ko alam kung bakit pero hindi ko talaga siya makita, Amor!"

May panic sa tinig ni Luna. Siguro ay nararamdaman din nito ang situwasyon niya.

Kasalukuyan silang nakaupo sa isang pabilog na mesa: siya, si Mrs. Gatchalian at si Nina. Si Luna ay nakatayo sa tabi niya at kasalukuyang isinasagawa ang ritwal para kausapin ang kaluluwa ni Justin. Hinihintay na niya ang isasagot nito sa mga tanong ni Mrs. Gatchalian pero iyon nga, hindi raw nito ma-contact ang kaluluwa ng taong iyon.

Pinagpapawisan na siya kahihintay sa sasabihin ni Luna pero wala pa rin itong positibong sagot. Pinilit niyang mag-focus at nagsimulang mag-adlib. "Justin, narito kami. Magparamdam ka. Ang bilog na ito ay simbolo ng dibisyon ng mga espiritung ligaw o mga kaluluwang nananahan pa dito sa lupa at ng mga taong nabubuhay pa. Halika. Huwag kang matakot na tumawid. Kailangan ka naming makausap..." marahan niyang sabi, umaasang ano mang sandali ay may masasabi nang matino sa kanya ang kapatid.

"Wala pa rin, Amor...hindi ko siya makita..."

"Justin, halika...sige, lumapit ka pa. Huwag kang matakot..."

"Wala talaga eh! Ano'ng gagawin natin ngayon?"

"Tumawid ka at pumasok sa liwanag na iyong nakikita, Justin...halika..."

"Amor, sorry...negative!"

"Sorry, Justin...negative..."

"Huh?"

Napadilat siya nang maramdaman ang pagbitiw ni Mrs. Gatchalian sa kanyang kamay. Mabilis siyang napatingin rito.

"Pinaglololoko mo ba kami? Kanina ka pa halika nang halika diyan, may pabilog-bilog ka pang nalalaman! Nasaan na ang kapatid ko?!"

"Eh, Misis...malabo pa po ang nakikita ko eh...sobrang layo ng kaluluwa ni Justin sa portal. Hindi pa po siya makapasok..."

"Kailan siya papasok? Bukas? Sa makalawa? Next year?"

"Depende po sa kanya-pero sigurado po akong malapit na, Misis! Nararamdaman kong malapit na!"

Umangat ang kilay ng babae at pagkuwa'y masama ang tinging ipinukol sa kanya. "Siguraduhin mo lang na hindi mo kami pinaglololoko! Kung hindi, iaatras ko ang five units na sinasabi ko sa'yo at idedemanda pa kita!"

"Demanda? Ano po'ng kaso?"

"Cheating! Kahit anong kaso basta idedemanda kita!"

"Grabe Ma'am, huwag naman po!" awat niya rito. "Promise po, sa susunod ay sisiguraduhin ko nang makakausap ninyo si Justin."

"Sure ka ha?"

"Opo. Next time po ay magsama kayo ng lalaki. Baka po maisipan niyang sumanib, mas mabuti pong sa lalaki niya iyon gawin."

"Sige." Walang babalang tumalikod na ito pagkatapos. Kasunod nito si Nena na pangiti-ngiti lang.

"BAKIT nagkaganoon?" sita ni Amor sa kakambal na si Luna nang makauwi na sila sa kanyang condo unit.

"Aba'y ewan ko! Hindi ko din alam kung bakit hindi ko makita ang kaluluwa ng Justin na 'yan! Baka naman ayaw magpakita sa kapatid niya o kaya ay nananahimik na."

"Pinatay siya, Luna! Siguradong naghahanap ng justice ang kaluluwa niya. Kung nakita mo lang ang hitsura niya, grabe, hindi mo iisiping si Justin iyon!"

MEDALYONWhere stories live. Discover now